Chapter 20 // College

2.5K 107 6
                                    

Chapter 20

College

*** 

Grumaduate ako ng highschool. Masayang masaya ako dahil ako ang naging valedictorian ng batch namin. Hindi man maitatangging naging malungkot si Megan sa naging resulta. Kahit papaano ay napansin ko ring naging masaya siya para sa akin.

Nagkaroon kami ng kaunting handaan noong April 2. Lahat ng kamaganak namin maging galing sa ibang probinsya ay nagpunta na sa bahay. Pati na rin ang mga kaibigan ko sa Maynila na sina Keller, Phil, Ate Jessy, Jillian at ang iba ko pang nakilala doon ay nagpunta din.

Dumating din si Melo kasama ang isang babae niyang kaibigang nagngangalang Suzaine. Hindi ko alam kung may something sa kanilang dalawa dahil nahihiya rin naman akong magtanong.

Over all. Naging masaya naman ako. Pero hindi ko maiwasang isipin na may kulang talaga. Na ang kalahati ng puso ko ay wala sa akin. Wala si Mark. Hindi na siya nagparamdam mula noong nagpadala siya ng regalo noong birthday ko.

Hindi ko na rin siya masyado naisip noong bakasyon dahil sa marami naming lakad ng mga pinsan ko. Parang halos araw araw ay may pinupuntahan kami. 

"Anak, naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Nanay isang araw dahil malapit na ang pasukan at luluwas na ako ngayon. Kakatapos lang niyang magluto at ngayon ay ichinecheck niya ang mga dadalhin ko.

"Opo, Nay. tooth brush na lang. Sa maynila na lang ako bibili ng bago." sabi ko sabay ngiti.

"Magiingat ka doon ha, anak. Alam kong kayang kaya mo yan. Pero nalulungkot ako dahil baka minsan ka na lang makauwi dito. Alam kong magiging busy ka. Alam mo naman, college ka na. Hay, anak. Mamimiss kita." sabi ni nanay at niyakap na niya ako.

Oo nga. College na ako at alam kong hindi magiging madali ang pinasok kong kurso, Medical Technology. Malaki ang iba ng college sa highschool. Siguro, mas magiging busy ako ngayon. Alam ko namang isa sa dahilan kung bakit mas nalulungkot si nanay dahil ako mismong ang nagdesisyong magaral doon sa maynila. Walang pumilit sakin. Magdodorm ulit ako doon at siguro nga ay hindi makakauwi tuwing weekend dahil may saturday class ako.

Pareho kami ng kinuhang kurso nina Keller at Phil kaya kahit maninibago ako sa bago naming school. Magiging madali ang pagaadjust ko dahil andoon sila. Si Jane naman ay sa maynila din papasok at business administration ang kukuhanin niya. Pero sa kasamaang palad, magkaiba kami ng school na papasukan. Si Cymon at ang mga kabarkada niya ay computer engineering ang kukuhanin dito naman sa probinsya namin.

Katulad ng nakagawian noong lumuwas ako dati. Inihatid ako nina nanay at tatay kasama si Stephen na sa Winston academy pa rin nagaaral. Oo nga pala. Nanliligaw ang kapatid ko kay Jillian. Mga limang buwan na ata. Hindi ko alam kung sasagutin siya ni Jillian. Well, love story nila yan at hindi ko na proproblemahin yan. Matalino si Jillian at alam niya ang tamang desisyon.

Umalis ulit sina Nanay ng maaga dahil ihahatid pa nila si Stephen sa dorm niya at para hindi sila gabihin sa paguwi. Pagkaalis nila, kinuha ko agad ang pera ko at naglakad lakad sa labas para maghanap ng malapit na store. Sa medyo may kalayuan, may nakita akong ministop at doon ako bumili ng tooth brush.

Pagkabili ko. Lumabas na agad ako at bigla naman umihip ang malakas na hangin. Tumingin ako sa paligid at wala namang masyadong tao. Maliwag pa pero agad na sumagi sa isip ko ang unang pagkikita namin ni Mark. Parang ganito rin yun eh. Ang pinagkaiba lang ay madilim na noon. Tiningnan ko pa ang likod ng ministop at nagbabakasakaling may tao pero wala. Malinis ang likod nito at kahit isang kalat ay wala kang makikita.

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon