Chapter 16
Support
***
Nanatiling hawak ko ang cellphone dahil hindi ko alam ang gagawin. Napatalon na lang ako ng bigla ulit itong magvibrate. Ngayon ay tumatawag na siya. Natuliro ako at wala na kong ibang naisip kundi ioff ang phone ko.
Tumayo ako sa kama para sumilip sa bintana at maicheck kung nandoon nga ba si Mark. Hinawi ko ang kurtina pero sinigurado kong hindi niya ako makikita.
Nakita kong nasa labas siya ng gate namin at nagtytype ng kung ano sa kanyang cellphone. Maya't maya ay napindot ng door bell. Lumabas si nanay at lumapit pa sa gate. Kinabahan ako dahil baka pagbuksan niya si Mark.
Umalis na din siya pagkatapos ng mahabang paguusap nila ni nanay. Wala akong ideya kung anong pinagusapan nila basta ang mahalaga ay wala na siya dito sa labas ng bahay namin.
Kahit naiinis ako kay Mark. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong umiyak. Siguro dahil sa sama ng loob. At dahil sa kirot na naramdaman ko sa aking puso. Bwiset! Binigyan ko lang siya ng time magisip pero nambabae na siya agad! Walang hiya talaga!
Dumaan ang saturday at sunday. Napansin ni nanay na paga ang mata ko pero sinabi ko lang na napuyat ako. Hindi ko sinabing heart broken ako sa babaerong Mark na yun. Syempre, hindi naman nila alam na nagkaboyfriend na ko.
Nang dumating ang Monday, parang wala akong ganang pumasok. Gusto ko ngang magpekeng may lagnat ako dahil ayokong makita si Mark. Napilitan na lang ako dahil malapit na ang quarterly test namin. Mas magiging busy ang week namin ngayon kaya malulugi ako kung aabsent pa ko.
Papasok pa lang ako sa classroom, nakarinig na ko ng mga bulong bulungan. Tumitingin pa sila sakin kaya halata kong ako ang pinag uusapan nila.
"Bhie!" Salubong sakin ni Jane. Nasa likod din niya si Cymon at ibang myembro ng REVO. "Totoo ba na may girlfriend si Jupiter?" Nagtatakang tanong niya. Napansin ko namang nagkunot ng noo si Cymon. Parang nanliit naman ang mata ko.
"Aba, maewan ko! Bakit ako ang tinatanong niyo? Dapat siya!" Pinatong ko ang bag ko sa silya ko at nagpaalam para magCR. Magtitime na pero nagawa ko pang magCR dahil naiiyak na naman ako.
Akala ko iniisip ko lang na may ibang babae si Mark pero mukhang totoo pala. Hindi naman kakalat ang maling chismis kung walang pinaghugutan di ba?
Papasok pa lang ako ng CR, hindi ko na napigilan ang luha ko. Leche! Hindi ko pa pala nadala ang panyo ko. Umupo ako sa may cubicle at doon nagiiyak. Ang palad ko lang ang nagpahid ng mga luha ko. Walang hiya talaga! Napakababaero ni Mark.
"Bhie?" Ang narinig kong nagechong boses ni Jane sa loob ng CR. Agad kong inayos ang sarili ko para hindi niya mapansin ang pagiyak ko. Lumabas ako at bumalandra si Jane na nakalahad ang kamay na may hawak ng panyo niya. Gusto ko sanang matawa para itago ang kalungkutan ko pero mas bumuhos pa ang luha ko sa ginawa niya.
Kinuha ko iyon at iniyakan na siya. Niyakap niya ko at hinimas ang likod ko.
"Hayaan mo na siya, Bhie. Kahit crush na crush ko siya, ako na mismo ang magsasabing hindi siya worth it! Manloloko siya!" Inalis ni Jane ang pagkakayakap niya sakin at hinawakan ang balikat ko.
"J-Jane, anong gagawin k-ko?" Ang nangangatal kong tanong sa kanya. Bumuhos na naman ang mga luha ko at ginamit ko na ang panyo niya para pahirin ang mga ito.
"Bhie, wag mong ipakita sa kanyang affected ka. Wag kang umiyak. Wag mo siyang iyakan." Aniya. Hindi ko naman alam kung paano ko siya hindi iiyakan. Ako ang may kasalanan kung bakit niya ito ginawa. Siguro akala niya, itinaboy ko siya. Pero walang hiya talaga! Hindi ko akalaing magagawa niya sakin ito.
"Jane, hi-hindi ko kaya-"
"Kaya mo yan, Bhie! Wag ka ngang ganyan! Andito ako, si Cymon, si AJ, si Ace, si Enzo at Martin. Susuportahan ka namin. Hindi namin hahayanang makalapit sayo si Jupiter."
At nangyari nga iyon. Hindi ako nagawang lapitan ni Mark dahil sa tuwing lalapit siya, hinihila na agad ako ni Jane palayo at hinaharangan siya nina Cymon. Palagi ko nakikita kung paano siya pinagtatabuyan nina Cymon. Nasasaktan ako tuwing nakikitang parang walang laban si Mark. Siguro dahil wala siyang karapatang lumaban.
Sobrang nalulungkot ako sa mga nangyari. Hindi naman kasi ganito ang gusto ko. Hindi ito ang plano ko sa love story namin. Lumipas pa ang mga araw pero gabi gabi pa rin akong umiiyak. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Wala na ring naging text o tawag si Mark. Kung araw araw at gabi gabi ay nagtetext siya para kausapin ko. Ngayon ay ni isang text ay wala. Naisip ko tuloy na siguro nagsawa na rin.
Sa tuwing naiisip ko ang mga pwedeng mangyari, mas nadudurog ang puso ko. Hanggang dito na lang ba kami. Napakadaya! Hindi ako sa ganito sumugal. Gusto kong ibalik ang nakaraan. Bawiin ang sinabi ko.
"Uy, Bhie, sa Saturday na ang live performance namin sa isang club. Sana pumunta kayo, Bhie, ha?" Sabi sakin ni Cymon isang araw. Tulalang ako at hindi ko narinig ang sinabi niya.
Kinalabit pa ko ni Jane para matauhan ako.
"Punta tayo ah." Aniya. Tumango na lang ako kahit hindi ko naintindihan ang pinaguusapan nila.
Friday na at last day na ng exams pero hindi ko nakitang pumasok ng classroom si Mark. Nagsimula na ang exam namin pero hindi siya dumating. Hindi ako nakapagisip ng ayos sa mga isasagot ko. Naiinis na nalulungkot ako. Walang tawag at text tapos hindi pa siya magpaparamdam. Hindi ba dapat hinahabol habol niya ko para magsorry siya sa ginawa niya? Pero nasaan na siya?
"Pass your papers!" Sabi ng proctor namin. Ipinasa ko naman agad ang papel ko dahil ako ang nasa likuran.
Lumabas na kami ng room at doon nagkwentuhan ng sagot. Kami ni Jane ay hindi sagot ang pinagkwentuhan at tungkol sa live performance nina Cymon na gaganapin bukas.
"Bhie, hindi ko pa pala nasasabi sayong, hindi ako makakapunta sa club. May emergency meeting daw kasi sina mommy sa Makati at isasama daw nila ako."
"Huh? Ay ganun? Sayang naman." Ang matamlay kong sagot.
"Grabe! Bakit ang tamlay mo? Dapat masaya ka dahil makakapunta ka! Ako nga eh, gustong gusto ko pumunta." malungkot rin niyang sabi. "Ay teka pala, paano yan? Wala kang kasama."
"Okay lang naman ako. Kaya ko pumunta ng magisa."
"Bhie, nakakainis ka! Hindi ko alam kung kinokonsensya mo ko o matamlay ka lang talaga dahil napuyat." ang sabi niya pero hinabol ko lang ng tingin si Jasmine mula sa malayo.
"Huy, bhie! Nakikinig ka ba sakin? Ano bang ginagawa mo? Sinong tinintingnan mo?" Tanong ni Jane at hinabol din niya ng tingin ang tinitingnan ko.
"Ah, wait lang, Jane. Maya na lang tayo magusap. Sa text o tawag na lang. Okay? Bye!" Sabi ko at kumaripas na ng takbo papunta kay Jasmine. Buti at naabutan ko pa siya. Tinawag ko siya at lumingon naman agad.
Lumapit ako sa kanya para makapagusap kami ng maayos. Medyo hinabol ko pa ang aking paghinga dahil sa pagtakbo ko.
"Baliw ka! Bakit ba kasi tumatakbo?!" Aniya. Napasulyap ako sa kanya at saka ko palang napansin ang headband niya. Nakaayos ang buhok niya at mukhang nagsuklay na siya.
"Aba! Gumaganda ka ata!" Puri ko sa kanya. Alam kong maganda siya pero mas gumaganda pa lalo. Nakita kong namula ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi no!" Sagot niya at akmang tatangagalin ang headband niya. Pinigilan ko siya.
"Wag mong tatanggalin. Mas bagay sayo ang nakaganyan." Para naman siyang nagulat sa sinabi ko.
"Weh? Talaga?"
Tumango na lang ako ng nakangiti. Napawi lang ito nung maalala ko si Mark.
"Ah, Jasmine, nakita mo ba si Mark? Hindi kasi siya nagtake ng exam eh. May alam ka ba kung nasan siya?"
"Huh? So hindi mo alam?" ang gulat na gulat niyang tanong sa akin. Nablanko naman ang utak ko dahil wala akong ideya sa 'alam' na sinasabi niya. Anong hindi ko alam?
![](https://img.wattpad.com/cover/5805022-288-k442032.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Genç Kurgu[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...