Chapter 28 // Nangawit

2.4K 105 15
                                    

Chapter 28

Nangawit 

*** 

Maaga kaming lumuwas ni Mark dahil ayaw naming matanghali. Sobrang inet na kasi ng panahon ngayon. Baka sumakit ang ulo ni Mark sa pagdradrive kapag mataas na ang araw. Pinagbaon pa kami ni nanay ng konting pagkain para makain sa byahe. Didiretso na kasi kami sa school para makatapos agad sa enrollment. 

Mga 10am ay dumating na kami sa school. Marami ng tao at mahaba na ang pila sa registrar. 

"Ah, Mark. Punta lang akong student council at kukunin ko ang clearance ko. Gusto mo bang sumama?"

Hindi siya sumagot at tumango lang. Napansin kong tahimik lang siya kanina pa nung nasa byahe pa lang kami. Gusto kong itanong kung may problema ba pero ayoko namang isiping may problema nga talaga. 

"Magintay na lang ako dito sa labas." aniya nung makarating kami sa tapat ng pinto. Tumango ako bago pumasok sa loob. 

Naabutan ko doon sina Kuya JB at Ate Tin. Sila lagi ang naoobligang manatili dito sa council kapag walang tao. Sila kasi ang President at Vice. At ang babait nila. Binati ko sila bago ako dumiretso sa cabinet kung saan ko iniwan ang clearance ko.  

"Hmm, Bianca. May kilala ka bang banda?" Tanong sakin ni Ate Tin. 

"Nagbabalak kasi kaming maghire ng isang banda na tutugtog sa welcome ceremony para sa mga First year." Dagdag naman ni Kuya JB. 

Nakakatuwa talaga silang dalawa. Parang nagkakasundo palagi. Parehong mabait, maasikaso, malambing, mapagkumbaba at siguradong makakasundo mo. Sana ay sagutin na ni Ate Tin si Kuya JB. Matagal na rin kasing nanliligaw itong si Kuya. 

"Hmm. Meron akong kilala. Tatanong ko sila kung pwede sila." at nginitian ko sila pareho. Naisip ko sina Cymon at ang mga kabarkada niya. Tumutugtog sila noon sa school kapag may okasyon at sa pagkakaalam ko ngayon ay nahire ang banda nila na magperform sa isang club tuwing weekends. Sana ay hindi sila busy sa araw na iyon. 

Paglabas ko, hindi ko na nadatnan si Mark. Ang loko! Saan naman kaya nagsuot ang isang iyon? Luminga linga ako sa paligid at hindi ko na siya makita. Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya pero pipindutin ko pa lang ang keypads ay narinig ko na ang boses niya. Hay. 

"Ahh, sige. Salamat ulit." aniya. Lumingon ako sa banda kung saan ko narinig ang boses niya. At iyon, palabas siya ng medicine student council office. May kausap siyang babae na feeling ko ay officer ng student council na yun. 

"Basta kung gusto mong tumakbo. Sabihin mo lang. Maaasahan mo ako diyan." sabi ng babae. Lumalandi lang? 

"Mark!!" sigaw ko sa kanya. Nairita kasi ako. Mawawala siya bigla tapos nakikipagchismisan lang pala sa isang babae. Oo na! Nagseselos ako dahil maganda ang babae. At yung about sa ranggo. Urg! Masyado akong naaapektuhan. 

"Oo, Bianca. Wait lang." aniya. 

"Teka, older sister mo?" tanong nung babae. Mukha ba talaga akong matanda? Teka, hindi ba niya ako nakikita dito sa council ng med tech? Eh magkatabi lang ang office namin. Well, siguro nga hindi dahil hindi ko rin naman siya nakikita. 

"Ah, hindi. Girlfriend ko. Si Bianca. Bianca, si Clarisse, vice president ng medicine student council." Pagpapakilala niya. Nakangiti akong tumango tango sa kanya at siya ay parang napilitan pang ngumiti. Hindi ko na iyon pinansin. 

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon