Chapter 25
Nakabunggo
***
Mark's POV
"Bianca, teka lang!" sigaw ko dahil pagod na ko sa kakahabol sa kanya. Tama bang mag walk out sakin pagkatapos kong sagutin ang tinatanong niya? Sa totoo, wala akong kasalanan. Yung pinsan kong si Jasper ang nagsabi nung tungkol sa baby. Labas na ko doon.
Napansin kong tumigil siya sa pagtakbo kaya nilapitan ko agad siya at hinawakan ang braso niya para hindi na niya ako matakasan.
"Ano bang problema mo? Magtatanong tanong ka tapos ganito ang gagawin mo." ani ko.
Hindi siya umimik pero naramdaman kong nangatal siya. Hindi ko naman alam kung bakit. "Bianca." Tawag ko sa kanya pero ni hindi niya ako nilingon. Napilitan pa akong hawakan ang magkabilang balikat niya para maiharap siya sakin. Doon ko lang nalaman na umiiyak siya. Nanliit ang mga mata ko.
Naguilty ako. Ako ba ang may kasalanan kung bakit siya umiiyak? Dahil ba sa sinabi ko tungkol sa baby? Dahil sa pagtanong ko kung anong problema niya? O dahil hindi ko man lang inalam ang mararamdaman niya?
"Bianca, bakit ka umiiyak?" Hindi na naman siya sumagot. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko at sinimulang punasan ang mga luha niya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak dahil sa akin. Nasasaktan ako. Naiinis ako sa sarili ko. "Galit ka ba sakin dahil sa sinabi ko kanina?"
Umiling lang siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya. Ayokong may sino mang makakasakit sa kanya, na may magpaiyak sa kanya. Pero mukhang isa pa ako sa mga iyon.
"Mark, sorry."
"No, baby. Di mo kailangang magsorry."
"Hindi. Kailangan ko. Sorry talaga." tapos tumulo na naman ang luha niya. "Pinakikilala mo ako sa buong pamilya mo na parang proud na proud ka na girlfriend mo ko. Ngayon tinatanong nila kung kailan ang kasal. Tapos mag uusap pa kayo ng pinsan mo about dun sa baby.."
"Kung umiiyak ka dahil sa kasal at baby, okay, wag na nating pagusapan yu-"
"Hindi ako naiiyak dahil dun, Mark. Gusto kong iparating. Kilala na ko ng buong angkan mo tapos ikaw, di man lang alam ng pamilya kong may boyfriend ako. Parang itinatago ko pa na ewan. Di ko maexplain!"
"Okay, calm down. I get it."
"Anong calm down calm down ka diyan. Ewan ko sayo!" aniya.
Ayan na naman ang kasungitan ng isang to. Medyo napikon na rin ako sa sinabi niya pero dahil umiiyak siya, wala akong karapatang awayin siya. Inintay ko lang gumaan ang pakiramdam niya bago ako nagayang umuwi. Sa totoo, ayokong pang umuwi. Gusto kong pumunta sa bahay nina Bianca para magpakilalang boyfriend niya. Pero parang hindi naman magandang ideya. Siguro, iintayin ko na lang si Bianca kung kailan niya gustong ipakilala ako bilang boyfriend niya. Siya naman ang masusunod at ayoko ring magpadalos dalos.
Nagpaalam kami sa lolo at lola ko at sa iba ko pang kakilala. Nalungkot sila dahil maaga pa ay aalis na kami. Sabi ko naman ay ayokong gabihin kami sa daan dahil ayokong matraffic kami.
Pumasok kami sa sasakyan ko ng walang imikan. Tumitingin ako sa kanya pero sa malayo lang siya nakatingin. Feeling ko galit siya sakin kahit wala naman akong ginawang kasalanan. Ganyan talaga ang mga babae, gusto nilalambing. Tsk!
Dahil minalas na naman kami, naabutan pa rin kami ng traffic. Maaga pa pero nadali na agad kami. Lumingon ako kay Bianca at nakitang natutulog na pala siya. Nacoveran ng buhok ang kanyang mukha kaya napilitan akong ayusin iyon. Isinabit ko ang buhok niya sa may kaliwang tenga niya. Doon ko nakita ang kagandahan ng aking mahal.
Hindi ko na maalala kung saan kami nagkakilala, kung kailan kami unang nagkita. Basta ang alam ko, bumilis ang tibok ng puso ko nung magkabungguan kami.
4 years ago..
"Osige, pupunta ko.. Malamang! Sige na! Bye!" Pagpapaalam ko dun kay Phil, isang student council officer na tulad ko. Ang kulit talaga noon kahit kailan. Sinabi kong pupunta ako kahit sa totoo ay wala akong balak pumunta. Magsasalita lang kasi ang principal at sigurado akong aantukin lang ako.
Ibinulsa ko na ang phone ko at muling binuhat ang sandamakmak na mga libro. Kung bakit ba naman ako ang president ng SC Office kaya ako pa ang na obligang maguwi ng mga gamit na ito. Nagsimula na kong maglakad pero may biglang nakabunggo sakin.
"Aray!" Sigaw ng isang babae nang mabunggo niya ang mga dala dala ko. Na out of balance din ako kaya nalaglag ang mga dala ko. Napatingin na lang ako dun sa babae na nakaupo na sa sahig at waring nasaktan sa nangyari. O baka naman kaartehan lang niya at nagpapapansin.
Nagkamali ako. Agad niyang nilimot ang mga libro ko at natulala na lang ako dahil paulit ulit siyang nagsorry. Hindi ko masyado nakita ang mukha niya dahil nakatungo siya at natatakpan ang mukha niya.
Nang mapatas na niya, tumayo siya at doon ko lang nakita ang mukha niya Biglang nagiba ang tibok ng puso ko. Parang bumilis ito at ilang sandali na lang ay sasabog na. Hindi siya ngumingiti pero masasabi mong maganda pa rin siya. O baka naman maganda lang unang tingin.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang inabot ang mga libro kaya natamaan ang baba ko. Halos magtatalon ako sa sakit pero dahil hawak ko na ang mga libro. Ininda ko na lang ito. Feeling ko, sinadya niya yun dahil malakas ang pagkakaabot niya. Medyo nasaktan ako kaya sa halip magpasalamat sinabi ko na lang na "Ano ba yan."
Hindi niya ako pinansin at tumakbo na lang. Hinabol ko siya ng tingin at parang nagslow motion pa ang kanyang pagtakbo. Weird! Napangiti na lang ako ng hindi ko alam ang dahilan.
[: Author's Note : Kung nacucurious po kayo kung anong pangyayari ito. Ito po ay IRWMK Chapter 3 : Unang araw :]
Present..
"Ah, Mark.." ang tawag sakin ni Bianca na mukhang kagigising lang. Lumingon ako sa kanya at nakatingin siya sa mga nakahintong sasakyan. Halos hindi na umunsad ang daloy sa sobrang traffic.
"Why?" tanong ko naman.
"Hmm. Anong oras na?" ang balik na tanong naman niya na parang may kung anong iniisip.
"1:40 na." maikli kong sagot na hindi ko pa rin mawari kung anong gusto niyang sabihin.
Dahan dahan akong nagpreno bago siya muling tiningnan. Nakatingin din siya sakin at medyo nakakunot ang isang kilay niya.
"Hmm. Gusto mo bang pumunta sa amin ngayon?" tanong niya. Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. Sa totoo, gustong gusto kong pumunta sa kanila. Iniintay ko lang na sabihin niya ito. Hindi tuloy ako makapagintay na makarating sa kanila. "Ah eh. Kung ayaw mo. Sige, okay lang. Next time na lan-"
"Oo naman, Baby. Gusto kong pumunta sa inyo." sagot ko.
Hindi man ako magaling magpakita ng reaksyon pero sa totoo ay masaya ako na nagaya siya. Hindi ko pa man naiisip kung anong sasabihin ko sa pamilya niya pero gusto ko na agad silang makilala. Hindi na ako makapag hintay.
-----------------------------------------------
Sorry sa maikling chapter na ito. Sana magustuhan niyo. Comment please. :D Thank you! :**
![](https://img.wattpad.com/cover/5805022-288-k442032.jpg)
BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Novela Juvenil[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...