Chapter 2
Dismissal
***
Nakakapagtaka lang. Bakit hindi ako namukhaan ni Jane sa picture? Eh iisa lang naman ang mukha namin ah? Maganda pa rin naman ako ah. Di ba? May konting make up lang ako dun pero yun na yun pa rin ang mukha ko. May pimples ako ngayon sa noo pero grabe, nasira agad beauty ko??
"Hala, Bhie!! Nakalock na ang classroom natin!" ang sabi ni Jane habang pinipihit ang doorknob.
"Hay naku Jane. Wag mo kong pinaglololoko." Sabi ko. Hindi kasi ako naniniwala sa kanya. Syempre andun ang mga bag namin at sigurado akong hindi nila ilolock ito kapag may bag pa.
Ako mismo ang lumapit sa pinto. Inusod ko ang kamay niya at pinihit ng doorknob.
"Hala! Lock nga!! Paano na yung mga bag natin?" ang sabi ko habang sinisilip ang maliit na glass sa may pinto. Medyo madilim na rin kaya wala na kong makita.
Magiisang oras na kasi ang nakalipas matapos ang magdismissal. Siguro wala ng tao kaya isinara na ang classroom. Pero andun pa ang bag namin! Pinilit ko talagang silipin pero parang wala na nga ang bag namin.
"Hala, Bhie!! Paano yan?! Yung bag ko!! Baka nanakaw na!! Yung pera ko andun. Pati yung cellphone ko. Yung calculator ko. Notebook. Dami kong notes dun at may sinulat pa kong pangalan ng crush ko dun. Sheeeeet!! Sino kaya ang kumuha!"
"Grabe to! Wag ka ngang magisip ng ganyan. Tara, hiram na lang tayo ng susi sa janitor."
"Mabuti pa nga."
Maglalakad pa lang kami, may tumawag na agad samin. Napalingon kami at nakita ko si Cymon. Nakangisi siya at nakita kong hawak hawak niya ang bag ko. Hay salamat! Buti hindi na namin kailangang humiram ng susi sa janitor.
"Uy, Bhie. San ba kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinahanap ah. Eto ang bag mo. Dinala ko na dahil isinara na nila ang classroom." ang sabi ni Cymon sabay abot sakin ng bag.
"Thank you ah." ang sabi ko naman.
"Teka, yung bag ko?! Di mo kinuha?!" tanong naman ni Jane. Pinalo pa niya ang braso ni Cymon sa galit. "Kainis ka! Anong klase kang kaibigan ah?!"
"Ay! May bag ka pala? At.. Magkaibigan pala tayo?" panloloko ni Cymon kaya pinalo ulit siya ni Jane.
"Abay! Malamang!! Anong tingin mo sakin?! Hindi estudyante?! At siguro nga hindi na tayo magkaibigan! Nakakainis ka! Ang sama mo!!" ang naiinis na sagot ni Jane. Kinurot naman niya ang braso ni Cymon.
"Aray!! Ano ba!! Joke lang. Grabe to! Napakasadista! Nakay AJ ang bag mo. Inaantay ka niya sa may lounge." Pinalo muna siya ni Jane bago nagpaalam at nagmartsa para pumunta sa lounge. Diretso uwi na daw siya dahil baka nasa labas na ang sundo niya.
"Bhie, sabay na tayo umuwi." ang aya ni Cymon. Pareho lang kasi ang aming dadaanan pauwi kaya pumayag na ko.
Nang lumabas kami sa hall, hindi inaasahang umuulan pala?
"May dala ka bang payong?" ang tanong ni Cymon. Bumungisngis siya at sigurado na ko kung anong ibig sabihin nito. Wala siyang payong.
"Wala eh.." ang sagot ko naman. Hindi kasi ako nagdadala ng payong. Tapos hindi ko rin naman inaasahang uulan pa. Siguro dapat araw araw na kong may dalang payong no?

BINABASA MO ANG
It's Complicated with My Ex and My Suitor
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 2 of Relationship Status Trilogy :] Sinaktan at pinaiyak ka ng Ex mo. Paano kung bumalik ulit siya sa buhay mo? Paano kung manligaw siya? Sino ang sasagutin mo? Siya o yung manliligaw mong ilang taon ng nagiintay ng sago...