Chapter 5 // Free Play

3.6K 138 23
                                    

Chapter 5

Free Play

*** 

Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa.

Nakakainis, bakit lahat ng tao ang sama ng tingin sakin. Para bang gusto nila akong isumpa. Ang creepy! 

"Hoy! Bruha!" ang sigaw ng isang babae kaya napalingon na lang ako. Mukhang ako naman kasi ang tinatawag niya.

Lumingon ako sa likod para tingnan siya. Ay, si Jane pala.

"Bruha ka talaga! Bakit di mo man lang sinabi sakin na 'dakilang alalay' ka ni Jupiter!" ang sabi niya habang naka pamewang pa. "Ganyan ka ah. Naglilihim ka na sakin." ang dugdong pa niya.

"Hindi naman sa ganun." ang sagot ko naman. "Biglaan kasi."

"Huh?! Anong biglaan? So biglaan na pala ngayon ang paghihire ng PA? Ganun ba yun? Edi sana ako na lang ang naging biglaan na yan." mukhang masama talaga ang loob niya.

"Hindi! Hindi ko kasi alam kung paano ko ieexplain."

"Ala! Basta! May utang kang explanation sakin." ang sabi niya sabay kapit sa braso ko. "Tara na nga sa court. Free play daw tayo sa PE. Tara laro tayo ng volleyball. Tagal na kitang di nakakalaro dun eh." ang pagaaya niya na parang hindi na siya galit sakin. Ang mood swing talaga ni bestfriend, sobrang bilis. Hahaha

Nagpunta nga kami sa court at tulad ng inaasahan ko. Marami ng tao. Yung iba kaklase namin at yung iba hindi. Gusto rin nila maki free play eh.

"Kuha lang ako ng bola." ang pagpapaalam ni Jane. Ako naman naghintay lang sa tabi. Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. Nakita kong parating si Cymon. Tumayo ako para batiin siya.

"Good morning, Cy-" Natigil ako dahil di niya ako pinansin. Tumingin lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Ano kayang problema nun?

"Ang landi talaga forev. Gusto lahat ng gwapo dikitan. Kainis." ang bulong naman ng mga babaeng nasa likod ko. Hindi ko na nagawang magsalita pa.

"Uy! Bhie, tara na!" ang sigaw ni Jane habang kumakaway. Hawak na niya ang bolang gagamitin namin.

Lumapit ako sa kanya at nagsimula na kaming maglaro. 1 on 1. Hahaha. Limot doon, limot dito. Hindi kasi kami marunong maglaro kaya palagi kaming lumilimot ng bola.

"Wait! Time out. Inom lang ako ng tubig." ang sigaw ko. Pawis na pawis na kasi ako at kailangan na kailangan ko na ng tubig. Baka mahilo pa ko dito. 

Bumalik ako sa bench para kunin ang tubig ko. Naglalakad pa lang ako, nakita ko na si Mark sa may bench. Nakaupo lang siya at nakatingin sa mga nagbabasketball. Malas naman, nasa tabi pa niya ang bag ko. Lalapit tuloy ako ng di oras. 

"Excuse me." Ang sabi ko habang kinukuha ko ang bag ko. Nakapatong kasi ang kamay niya sa bag ko eh. Ang haba ng galamay! Di, joke lang. 

Tinanggal naman agad niya ang kamay niya kaya nakuha ko rin agad ang bag ko. Binuksan ko ang zipper at hinanap ang tubigan ko. Nasan na ang tubig ko?! Nilagay ko lang yun dito kanina ah! 

Napilitan akong tumingin kay Mark kasi siya lang ang tao dito.

"Oh, bakit?" ang masungit naman niyang tanong.

It's Complicated with My Ex and My SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon