=ALYSSA's POV=
Uminit talaga ang ulo ko sa babae kanina. Pasalamat siya nakapagpigil ako dahil kung hindi baka pinaglamayan na yun bago pa ako makalabas dun. Umalis lang ako sandali kanina para pumunta sa rest room tapos pagbalik ko makikita ko nalang na namimilipit na sa sakit ang mga anak ko. Aba't ni lamok nga hindi ko pinapadapo sa mga anak ko tapos sasaktan lang nya ng ganun-ganun. Sa pangyayari palang kanina parang alam ko na natapunan ang damit nung babae pero kung kasalanan man iyon ng mga bata wala pa rin talagang karapatan ang hipon na iyon para saktan ang kambal. Kaya't tama lang ang ginawa ko kanina sa kanya .
Nang makalabas ako sa resto, pinagbuksan naman agad ako ng pinto at agad-agad sumakay sa kotse, nadatnan ko na umiiyak pa rin ang mga anak ko.
"Mom." Sabay nilang sabi at kumandong agad sa akin si baby Alysha at yinakap naman ako sa may tagiliran ni baby Steph.
"Mom. Sorry. " sabi sa akin ni baby Steph habang umiiyak.
"Sorry for what baby?"
"Sorry if I have not able to protect Alysha." Malungkot na sabi ni Steph.
"Baby don't blame yourself. It's not your fault." yinakap ko nalang sila ng mahigpit at pinatulog.
"Anong nangyari ? Saan pala kayo? Di ba sabi ko wag nyo silang iwan? NagCR lang ako saglit tapos yun na ang nangyari?" galit na tanong ko sa mga yaya nila.
" Pasensya na po madame. Nagpabili po kasi sila ng cake para e-take-out daw tapos susunod po sana si Alysha sa akin kaso nabangga nya po yung babae at natapon po ang dala-dala niyang shake sa damit ng babae. Sorry po Madame." Nakayukong sabi ni Gigi , yaya ni Alysha, bakas sa mukha into ang takot.
"Wag na sanang maulit pa yun. Sige na , sabihan mo si manong na dadaan muna tayo sa pinakamalipit na Hospital."
Ok lang na naman ang mga anak ko. Hindi na sila niresetahan ng gamot , binigyan lang sila ng ointment para ipahid sa braso nila. Masyado ba akong OA? Malamang mga anak ko kaya ang pinaguusapan dito.Kaya't humanda talaga sa akin ang babaeng iyon dahil hindi pa ako tapos sa kanya, masyadong mapagmataas dahil lang nakakasuot ng mga signatures brand. Che!!! Tingnan ko lang kung kung ganun pa yun aasta kapag mawala ang lahat sa kaniya.
"Mommy... Wake up. Mommy."
Naalimpungutan ako dahil parang may yumuyogyug sa akin. Nagmulat na ako ng mata at ang kambal pala, ginigising lang nila ako dahil huminto na daw ang kotse. Kiniss lang nila ako at derederetso na silang bumama."MOMMYLA... DADDYLO..." sigaw ng kambal habang tumatakbo. Kaya pala, nakita pala nila sina itay at inay sa may garden. At mukhang shock sina itay. Wala kasi silang alam na uuwi kami dito dahil sila kasi ang pumupunta sa US kapag nimimiss nila ang mga apo nila.
"Jusko po! Mga apo !!! " gulat na sabi nina itay. Sinalubong naman nila ng yakap ang mga bata. Nakasunod lang ako sa likod nila.

YOU ARE READING
FEEL MY WRATH!!!
Fiksi PenggemarThis story is purely FICTIONAL! ~~~ Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maloko ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo! Dahil ako! OO ! At hindi ako papayag na hindi sila magbabayad! Hindi ako papayag na ako lang ang makaranas n...