=ALYSSA's POV=
Nandito ako ngayon sa terrace. Ang ganda ng view. Tanaw na tanaw ang ganda ng araw na unti-unting lumulubog sa dagat na nakapaligid sa Taal Volcano. Ang sarap magnilaynilay dito. Nakakarelax masyado ang paligid idagdag pa ang sariwang hangin na dumadampi sa makinis kong balat.
"Ineng OK ka lang? Bakit ka umiiyak?"
Nilapitan ako ni itay at hinagod ang likod ko. Nagpahid naman ako agad ng luha. Di ko napansin na tumulo na pala ang luha ko masyado kasing nakakadala ang paligid.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip natin ineng? OK ka lang ba?"
"Tay ikaw po pala. Saan po ang kambal?" Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.
"Nandun sa kwarto namin , naglalambing sa nanay mo. Ok ka lang ineng? Baka malunod ka nyan."
"Ha? "
"Hahaha... Ang lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba iyon ineng? "
"Wala po itay, nakakasenti lang talaga ang paligid."
"Hahahah... Sa akin ka pala talaga magsisinungaling. Iniisip mo pa rin ba siya anak?" ang talas talaga ng pakiramdam ni itay. Alam ko kung sino ang tinutukoy nya, pero ayaw kong pagusapan namin siya.
"Sino pa itay?" Maang-maangan ko.
"Kunwari ka pa. Si kiefer "
"Tay naman. Matagal na akong nakaMove-on sa mokong yun."
"Talaga ineng? "
"Oo naman po tay."
"Sabi mo eh... Oh sya nga pala ineng, hanggang kailan ba kayo dito anak?"
"Bakit tay? Pinapaalis mo na ba kami ?"
"Ang drama mo baldo"
"Hahah.. Tay talaga...Di pa po sigurado itay pero parang medyo matatagalan po kami dito, after kasi ng reunion po balak kong bisitahin ang ilang negosyo natin dito."
"Mabuti iyon anak ... Eh ang mga kaibigan mo anak, wala ka bang balak na magpakita sa kanila?"
YOU ARE READING
FEEL MY WRATH!!!
FanfictionThis story is purely FICTIONAL! ~~~ Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maloko ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo! Dahil ako! OO ! At hindi ako papayag na hindi sila magbabayad! Hindi ako papayag na ako lang ang makaranas n...