CHAPTER 8

1.6K 49 0
                                    

=ALYSSA's POV=

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog basta pakiramdam ko parang may nakamasid sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at tama nga ako... Nakatingin lang naman sa akin ang buong ALE. Nakapalibot sila sa kama ko, ang creepy tuloy nila pakiramdam ko dinadasalan nila ako para iaalay sa  kulto.

"Good morning. Katapusan ko na ba at gagawin nyo na akong alay?" Biro ko sa kanila.

"ANONG GOOD MORNING! GABI NA UI ! AT KAPAG HINDI KA PA BUMANGON JAN BAKA GAWIN KA NGA NAMING ALAY!" ang ingay talaga ni Ella.

"Grabe ang ingay mo Besh! Saka businesswoman ako kaya laging MORNING para sa akin ! kaya wag kang ano jan.!"

Bea:
"Wow besh! Hindi ka pa ba babangon jan?"

"Babangon na... Tsk! " bumangon na ako at tumayo.

Den:
"At saan ka pupunta?" tanong nito habang nakataas pa ang isa nitong kilay.  Mabiro nga ang isang ito.

"Maghihilamos, magtotoothbrush at iihi. Gusto mo sumama?"

Den:
"Iewww... Gross! Umalis ka na nga!"

"Gross ka jan. Ikaw bahala pero kung magbago ang isip mo pumasok ka lang hindi ko ilolock ang pinto." Nginitian ko siya pero  inirapan lang ako.

Pumasok na ako sa cr. Umihi na ako, naghilamos at nagtoothbrush na rin, ...

... Inhale... Exhale... Inhale... Exhale...

Lumabas na ako sa CR at nakita ko silang prenteng nakaupo sa may Couch... Oo may sariling couch ang kwarto ko at nakaharap ito sa may likod ng bahay namin na kung saan ay makikita ang ganda ng taal volcano dahil made of Glass ito, pero syempre hindi nila nakikita ito dahil may malaking kurtina ang nakatakip ngayon dito, actually parang isang condo unit ang kwarto ko sa laki nito .

"Ahm. Ahm. May nakikita ba kayo sa kurtina na hindi ko nakikita?"

Ate Dzi:
"Puro ka kalokohan. Halika ka nga at umupo ka muna."

Den:
"Tsk! Bakit ang tagal mo? Kala namin nilamon ka na ng inidoro."

"Hinintay kasi kita kala ko susunod ka." at nagwink ako sa kanya. Hahahah... Pulang-pula na si Dennise... Ang sarap talaga asarin ng babaeng ito. Masyado kasing pikon. Hahaha

Den:
"Asa ka pa! Tsk!"

Kumuha muna ako ng upuan sa may coffee table ko para maupoan ko paharap sa kanila. Alam ko kasi na gigisahin nila ako ng mga tanong ngayon.

"Besh? Totoo bang napatawad mo na kami? " diretsong tanong ni Denden sa akin.

"Besh anong klaseng tanong naman yan? Aaminin ko nasaktan ako sa ginawa nyo. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko ay pinagkaisahan nyo ako. Nasaktan ako dahil nilihim nyo sa akin ang pagpapakasal ni Kiefer kay Mika. Nasaktan ako dahil itinago nyo sa akin ang lahat at  naging accomplices pa kayo para matuloy ang kasal nila. Pero kahit ganun hindi ko parin magawang kamuhian kayo, naiintindihan ko naman na ginawa nyo lang ang inaakala nyong tama , naiintindihan ko na pinoprotekhan nyo lang ang pamilya nyo. Kahit naman ako hindi ko kayang ilagay sa alanganin ang buhay ng mga mahal ko. Saka di ba nasabi ko na naman ito bago ako umalis? Totoo ang lahat ng iyon. Hindi nyo kailangan humingi ng tawad sa akin dahil ginawa nyo lang ang tama."

Beadel:
"Tsk! hindi pa din tama ang ginawa nila kung alam ko lang ang lahat ng iyon baka..." hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Hahaha... Ikaw talaga Bei... Kaya siguro hindi nila sinabi sayo kasi alam nila na magwawala ka.

Beadel:
"Alam mo naman ate na mahal kita."

"Mahal ko din naman kayo Bei."

Den:
"Kung totoong napatawad mo na kami bakit hindi ka na nagparamdam sa amin?"

"Totoong napatawad ko na kayo pero hindi ibig sabihin nun nawala na ang kirot dito sa puso ko... At ang tanging alam ko lang sa mga panahon na iyon ay gusto kong takasan ang lahat... Gusto kong mapag-isa... Gusto kong talikuran ang lahat na magpapa-alala ng sakit sa akin. Sorry."

Ate Gretch:
"Hindi ba kayo nakapag-usap ni Kiefer sa States?"

"Sana nga hindi nalang pero nagkausap naman kami..."

Ate Fille:
"Anong nangyari?"

"Well. Pinagtabuyan lang naman nila ako na parang may isang nakakahawang sakit... At ang masakit pa dun, nalaman ko lang naman kung gaano ako kaTANGA!"

Ate Jem:
"Anong ibig mong sabihin?"

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari sa paghaharap namin nila Kiefer at Mika sa states except ang tungkol sa mga threat dati dahil wala naman silang alam tungkol doon. ( basahin nyo nalang sa Prologue ulit if nakalimutan nyo na). Mababakas sa mga mukha nila ang gulat , galit at awa na din siguro dahil umiiyak talaga sila pero ako hindi, ipinangako ko na ito sa sarili ko na hinding-hindi ko na iiyakan ang nakaraan.

Ate Gretch:
"Aly hindi mo naiintindihan, alam natin na hindi iyon magagawa ni Kiefer."

"Pero nagawa na nya ate!" Sabay na sigaw ni Bea at Denden.

"Naniwala din ako na hindi nya ako kayang saktan noon ate pero sinaktan pa din nya ako... " sabi ko kay ate Gretch.

Ate Gretch:
"Aly dapat mala..."

"Ok na ako ate. Nagsasabi man siya ng totoo o hindi. Minahal man nya ako o hindi. Hindi na iyon importante! wala na akong pakialam sa nakaraan namin. May kanya-kanya na kaming buhay."

Wala ng sumagot sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagiyak.

Jia:
"Ate ano pala ang naging buhay mo sa States.?"

Ella:
"Nahirapan ka ba doon? Sana bumalik ka nalang dito para hindi mo kailangan mag-isa doon."

"Hahaha... Hindi naman ako nagisa... May tumulong sa akin doon... Inalagaan nya ako at dinamayan "

Mich:
"Sino?"

"Si Stephen Chan..."

Den:
"Ang naging asawa mo? "

"Oo. "

Marge:
"Nasaan na siya?"

"Wala na. Nauna na sa langit. Inatake siya sa puso noong magtatatlong taon ang kambal." Sabi ko sa kanila, maaring naguguluhan kayo kung bakit magtatatlong taon palang ang kambal noong nawala siya wherein infact isang taon palang nawala si Stephen at anim na taon na ang nakalipas simula nung pagbubuntis ko.

Ang totoo nyan , mag-aapat na taon dapat ang kambal noong namatay si Stephen kaso binago ni Stephen ang Birth certificate ng kambal . Bale nagbuntis ako at after Kong manganak ay nagpakasal kami ni Stephen at after namin magpakasal saka namin pinalabas na buntis ako at after nine months ay pinalabas namin na nagsilang ako ng kambal at yun na ang kambal. Naging madali lang ang lahat...   Knowing  Stephen Chan ! Walang impossible sa kanya...

Jirah:
"Ah... Ilang taon na pala ang kambal?"

"Four."

~~~

FEEL MY WRATH!!!Where stories live. Discover now