CHAPTER 20

1.9K 52 7
                                    

=DEN's POV=

Nandito ako ngayon sa R-R DREAM BUILDERS kasama si ate RAD para puntahan si Laura. Nagkita kami kanina sa SB at nalaman ko na co-owners na din pala sila ni Laura  sa R-R D.B. (R-R DREAM BUILDERS) at may Admin meeting ata sila at kasama daw ang  Board sa nasabing pulong.

"Ate kumusta na pala kayo ni ate Jov?"

RAD:
"Ok lang kami... Ayun masyado siyang focus sa kanyang training, malapit na kasi ang FIVB... Hahaha"

"Oo nga po pala ate no... Ikaw pala bakit hindi kana naglalaro ? "

"Focus muna ako sa business... Hahaha ikaw doktora bakit hindi ka na din naglalaro ? Saka ang beshies kumustah?"

"Hahaha... Focus din muna kami sa kanya-kanya naming trabaho .... "

Papasok na sana kami sa elevator ng makasalubong namin  si Aly na papalabas . Sh*t ! ang seksi niya! Naka executive attire siya na medyo balot na balot naman sana pero bakit litaw na litaw parin ang hubog ng katawan nya ? ... Gosh!!!! Bakit ba maladyosa ang babaeng ito ? ...

"BESH!"

"HOY DENNISE!"

"Aray!" Yan lang ang nasabi ko... Makayakap naman kasi tong babaeng toh parang hindi na ako makahinga... "Besh! Papatayin mo ba ako?" reklamo ko sa kanya! Pero kunwari lang.... Gosh!!! Kahit habangbuhay nya pa akong yakapin ng ganito hinding-hindi ako magsasawa... Ahhhhh.....

"Eh namiss kasi kita ng sobra besh!!! Eh huli tayong nagkita nung opening pa ng AVC tower tapos hindi pa tayo nagkausap dahil busy ka kakaentertain sa mga nagpapacute sayo na mukha namang mga shokoy  , grabeh nga ang sayaw mo doon! Tsk! kaya kung tutuusin ang huli nating paguusap ay yung nasa Batangas pa tayo... Tapos una ka pang umuwi! Ano ba kasi nangyari sa iyo besh? Nakakatampo ka na ha! " walang preno naman nitong sabi...saka!  wow ha ! Siya pa ang may ganang magtampo ! Eh ikaw kaya yung busy sa unggoy na Kiefer na iyon! Duh ! Kung makapagsayaw nga kayo akala mo naman may mga mighty bond sa damit nyo at hindi kayo pwede paghiwalayin ! Tse!... Grrrr... Naku Alyssa ha! Pinapaiinit mo talaga ang ulo ko... Saka kung makashokoy ka wagas! Ang gwapo kaya ng mga nakasayaw ko sa gabing iyon ? Duh ! Sabagay baka ang basehan nya sa gwapo ay yung mga mukhang unggoy! Grrrr.....

"Eh may emergency kasi sa hospital... Saka yung sa AVC , eh kasalanan ko ba kung masyado akong maganda kaya madaming nabibighani sa taglay kong kagandahan!"

"Cough ! Cough ! Bago tayo bagyuhin dito,  Mawalang galang na muna sa inyo ha! Baka nakakalimutan nyo na may kasama kayo!"

"Ate Rad!" Bati naman ni Alyssa kay Ate...

"Ahm! Tigilan nyo na nga yang yakapan nyo... Madaming tao ang gustong pumasok sa Elevator! Nakaharang kayo!" nakaharang naman kasi talaga sila...

"Sus! Kapag kayo ok lang na nakaharang kayo sa daanan... Pero kapag kami bawal? Nagseselos ka lang!"

"Anong sabi mo ate Rad? May sinasabi ka ata..."

"Wala! Maupo nga muna tayo doon.. " hindi nalang muna kami pumasok sa elevator at naupo muna kami sa may waiting area nitong building.

Aly:
"Ano pala ang ginagawa nyo dito?"

Den:
"Kinidnap ako ni ate Rad dahil nandito din daw si Laura!"

0_0 ganyan kalaki ang mata nya ng malaman nya na nandito si Laura... Tsk!

Aly:
"OMG... Really! Dito kayo nagtatrabaho ate?"

Hindi halatang tuwang-tuwa ang babaeng ito noh?! Nagsmile lang si ate Rad ng napakalaki at nag smirk pa... Anong meron...?

Rad:
"Not really... Nag invest lang kami pero maliit lang naman... "

Aly:
"Really?"

Rad:
"Yes. By the way, What are you doing here?"

Aly:
"Ah... I just visit a friend... "

"A friend?ang sabihin mo si Kiefer." Bulong ko naman sa sarili ko.

"Nope... Hindi si Kiefer ang pinuntahan ko dito ." O____O gosh! Bakit narinig nya? Bulong lang yun ! Grrr...  Lupa pwedeng lamunin mo na ako ngayon... Please... Nakakahiya baka isipin nito nagseselos ako!

Rad:
"Selos much alert!"

"Anong pinagsasabi mo ate ha!?" Singhal ko kay ate.

Rad:
"Nagcocomment lang ako sa ig post ng friend ko... ! Tingnan mo oh!" Itinapat naman nya ng sobrang lapit sa mata ko. Paano ko po makikita at mababasa iyon? Tsss "Defensive much!" Dagdag pa nito.

"Ewan ko sayo... Ate saan ba si Lau?" Tanong ko kay ate Rad.

"Change topic." pabulong na sagot nito pero dinig na dinig ko naman... Hindi ko nalang pinansin dahil baka hahaba pa at mabisto pa ako... "Nasa taas , tara puntahan na natin... Aly sumama ka na ha..." aya naman ni ate Rad.

Aly:
"Sureness ! Lets go !" tuwang-tuwa ha?

"Excited much?" tanong ko sa kanya sabay pataas ng isa kong kilay!

Aly:
"Of course !"

Rad:
"Jelly ace! Hahah" inirapan ko nga lang ito! Kung ano-ano na ang pinagsasabi eh! Eh busy naman siya sa cp nya!  "Gosh!!! No wonder pabagsak na ang kumpanyang ito!."

Aly:
"Why ate ? What's wrong?"

Rad:
"Tayo na sa ground floor... Pababa na din si Laura, cancelled daw ang meeting."

Papasok na kami sa elevator para bumama sa ground floor ay sakto naman na nakasabay namin si Lau... Ayun nagbeso-beso... Batian... Kwentuhan.... Kumustahan... Yakapan.... Pero sandali lang dahil nasa ground floor na kami at napagpasyahan namin na mag convoy nalang kami... Si Lau ay makikisabay kay ate Rad at ako kay Aly dahil iniwan ko naman ang kotse ko sa hospital kanina.

Then habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Aly, nakakita kami ng babaeng nakahandusay malapit sa kotse ... Natakot naman ako kaya napakapit ako kay aly! Malay mo baka may killer na naligaw dito tapos gagahasain niya kami.... Waaaah..... Hindi ko matatanggap iyon !..
. pero bakit itong kasama ko ay wala man lang takot mababakas sa mukha nya bagkus binilisan pa nya ang paglalakad para makalapit kami sa babaeng nakahandusay .... Gosh !!!  SI MIKA BA TOH?!... BAKIT SIYA NAKAHANDUSAY DITO ! O___O

___
A/N:

Nakadalawang UD ako ha...
Naghanap kasi ako ng mapaglilibangan kagabi, kaya naiisip ko ang magsulat nalang... Alam nyo yung pakiramdam na masakit na masaya... Masaya naman ako na nanalo ang Bali Pure pero hindi ko maiwasan ang masaktan sa pagkatalo ng BOC... Hay naku ! Naloloka naba ako at hindi ko maintindihan ang tunay kong nararamdaman ?

Tsk! Tsk ! Pero overall ! Nagenjoy naman din ako sa panonood... Wahhhh... Tama na nga toh... Till next time... Sana manalo ang BOC sa Saturday...

Bye... 🙋🙋

FEEL MY WRATH!!!Where stories live. Discover now