CHAPTER 16

1.6K 50 6
                                        

=MIKA's POV=

Buti nalang naisipan kong isama sina tyang Aby at Kimmy para kahit papaano ay madivert ang tingin ko sa magaling kong asawa. Ang OA lang kung mag-alaga sa kambal.

"Mga anak hali na kayo, kakain na tayo." tawag sa amin ni mommy. Lumayo kasi kami sa kanila dahil baka hindi ako makapagpigil Kay Alyssa, umeepal na naman kasi, maynalalaman pang patulong-tulong Kay mommy, if I know nagpapakagoodshot lang. Sabagay, mukha nga naman talaga siyang katulong. Hahaha...

"Mommy!!!" sigaw ng kambal ng makita nila ang kanilang ina. May pinagmanahan nga naman, mga papansin! Yumakap naman ito sa kanila.

"You two are so wet. Let us change first your clothes...  Tita ok lang kung palitan ko muna ng damit ang mga ito... Inutusan ko kasi ang mga yaya nila... Ok lang po? Kahit susunod na lang kami. " kahit wag na kayo bumalik! Hindi naman kayo part ng pamilyang ito. Tsk!

Mom:
"Sige lang iha... Sabay-sabay na tayo... Tulungan na kita."at pumasok nga sila sa bahay  para bihisan ang kambal. Umupo na kami at syempre katabi ko ang magaling kong asawa na nasa right side ko at sa leftside ko naman ay sina  Kimmy.

Kiefer:
"Buti naman Hon at nakarating ka?"

"Bakit? Disappointed ka na nandito ako?"

Kief:
"Hon , alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Tsk!"

Dad:
"Tama na yan Kief, nasa harapan kayo ng pagkain."

After 15 years! Nakabalik na din sila.( years talaga? Di ba pwedeng minutes lang?)

"Sweethearts, you two try this... Tita Mozzy's binagoongan is one of a kind, it's Delicious!." kilala nyo na kung sino ang nagsalita? ang sipsip na Aly na naman. Tsss... Mukhang sarap na sarap naman ang kambal. Yuck! I hate binagoongan.

"Wow... It's really delicious Lola Pretty.. " sabi ng babaeng bubwit. Tsk!

Mom Mozzy:
"Ohhh... Thank you baby... "

"Lola pretty, can you cook for us often? Please... " sabi naman ng lalaking bubwit ... At talagang balak pang gawing kusinera si mommy. At mukhang tuwang-tuwa naman si mommy sa sinabi ng bata. Duh!

Mom mozzy:
"Of course baby.. So does it means you two will visit me here often?"

"Yes lola Pretty! Thank you." Sabay na sigaw naman ng dalawa habang nilalantakan naman nila ang adobo at fried chicken.

"Ouchy.... Ayaw nyo na ba sa luto ni mommy? Ipagpapalit nyo na ba ang luto ko?" Biro naman ng OA nilang Ina sa dalawa.

FEEL MY WRATH!!!Where stories live. Discover now