=MIKA's POV=
"ARGGGGHHHH! letse talaga ang babaeng yun! Bwisit!!"
Nakakainis talaga! Feeling nya ang ganda-ganda na nya eh pumuti lang naman siya! Che! Ilang gluta kaya ang nilaklak nun para pumuti lang! Saka kahit paliguan pa nya ng dyamante ang katawan nya hindi parin magbabago na isa siyang hampas lupa! Low class! Peste! Kala mo kung sinong santa noon eh halata naman kanina na nilalandi nya ang asawa ko. Grrr...
"Hon , are you ok? Bakit parang gigil na gigil ka dyan?" tanong sa akin ng magaling kong asawa. Isa pa din toh kala nya siguro hindi ko napansin na parang tumulo na ang laway nya ng makita nya ang malanding yun.
"Paano ako hindi manggigil eh nilalandi ka na nga ng pesteng babaeng yun tapos ikaw mukhang gustong-gusto mo naman."
" Hon. Ano bang pinagsasabi? Tsk!"
"Alam kong alam mo ang pinagsasabi ko. Binabalaan kita Kief! Wag kang magkakamali na balikan ang babaeng yun. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!"
"Bahala ka nga jan! paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan tutal hindi ka naman nakikinig."at talagang iniwan nga ako dito sa sala at dirediretso syang pumasok sa kwarto namin. Mamaya nalang ako aakyat kapag nagsawa na akong uminom. Hindi pa ako tapos sayo Alyssa! Pagsisihan mo na nagsalubong uli ang landas natin!(insert evil smile here)
-
Masakit ang ulo ko pero kailangan kong bumangon dahil kailangan kami sa opisina ngayon, may board meeting kasi ngayon dahil may konting problema daw sa opisina. Paggising ko wala na akong kasama mukhang iniwanan na ako. Naligo na ako, nag-ayos at bumaba na din ako."Good morning ma'am, ready na po ang breakfast nyo." bati sa akin ng isa sa mga katulong ko.
"Hindi ako kakain, ang sir nyo ba ay kumain na?"
"Hindi din po ma'am, mukha pong nagmamadali."
"Sige bumalik ka na sa trabaho mo."
_
"Good morning ma'am." bati sa akin ng mga taong nakakasalubong ko. Nandito ako ngayon sa R-R DREAM BUILDERS isa itong merging company ng Ravena and Reyes builders. Si Kiefer ang tumatayong President at ako naman ang Vice President. Syempre may say pa din ang parents namin, kami lang ni Kiefer ang namamahala nito dahil si dad ay busy sa Resort na business ng pamilya namin at si daddy Bong naman ay nagfocus sa pagcocoach sa PBA."Good morning ma'am. Chairman Reyes and Chairman Ravena are waiting for you at the President Office." sabi sa akin ng secretary ko. Hindi nalang ako pumasok sa opisina ko at tumuloy na ako sa opisina ni kiefer. Pagbukas ko sa opisina ko ay sumalubong agad sa akin ang salubong na kilay ng aking ama habang si Kiefer ay nakayuko lang. Mukhang bad mood atah sila dad.

YOU ARE READING
FEEL MY WRATH!!!
FanficThis story is purely FICTIONAL! ~~~ Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maloko ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo! Dahil ako! OO ! At hindi ako papayag na hindi sila magbabayad! Hindi ako papayag na ako lang ang makaranas n...