=DEN's POV=
Kasalukuyan kami ngayon papunta sa Batangas lulan kami ng isang malaking Van. ako, Ella,Mae, Bea, Jhoana, Beadel, Jia, Gizelle, Mich, ate Fille, Gretch,Jem, Marge, Jirah, ate Dzi , A at si Amy ang driver namin dahil alam na daw niya ang address nila Alyssa. Medyo matagal ang byahe namin at mukhang tulog ang lahat syempre pwera lang kay Amy dahil hindi siya pwede matulog.
"Everyone Wake Up! Malapit na tayo!" Malakas na sigaw ni Amy sa amin kaya nagmulat na ng mata ang lahat.
"Seriously besh? Hindi ba tayo naliligaw? Wala nga akong nakikitang mga bahay dito!" tanong ni Ella.
Jia:
"Oo nga ate! Sigurado kaba talaga dito?!"Mich:
"Bakit baby Ji? Natatakot ka ba? Okay lang kahit yakapin mo ako hindi ako magagalit."Jia:
"Masaya ka."Mich:
"Kunwari ka pa eh halata naman na kinikilig ka. Ayiehh..."Bea:
"Naku! Mga galawan mo Mich masyadong halata..."Ella:
"Tumigil nga kayo sa landian nyo... Nakikita nyo ng nawawala na tayo!."Amy:
"And who told you na nawawala tayo? We're not lost... Kaya manahimik na kayo jan !"Mae:
"Gusto mo pala ng tahimik bakit ginising mo kami sa pagkakatulog! Tsk!"Amy:
"Are you saying something Mae?"Mae:
"Oo , sabi ko tatahimik na kami."Napatawa nalang kami sa tinuran ni Mae. Ilang sandali pa huminto na nga kami sa isang napakalaking gate at may dalawang security guard ang lumapit sa amin.
" Ma'am kayo po pala. Good Afternoon po." Bati nung guard Kay Amy ng makita nya ito.
Amy:
"Good afternoon din po. Andyan na po ba si Alyssa?"Manong guard:
"Ah opo ma'am , madaling araw na po dumating si Madame kanina."Amy:
"Ah OK po."Pinagbuksan na kami ng gate ng guard at nang makapasok kami ay wala pa din kaming natatanaw na bahay, tanging mga baka, kambing at mga puno ng mga mangga at niyog lang ang nakikita namin.
Mga ilang sandali pa ay may bumungad sa amin na isang malapalasyong mansyon. Grabe ang ganda nito. White and blue ang kulay nito. Napakamaaliwalas tingnan ito. Ang pathway na dinadaanan namin ay may mga nakahilerang puno ng lansones at mukhang hitik na hitik sa bunga. Wala kang makikitang bulaklak sa paligid kundi mga gulay at puno ng mga iba't-ibang bungang kahoy lamang na nagsisilbing dekorasyon sa paligid nito.
YOU ARE READING
FEEL MY WRATH!!!
FanficThis story is purely FICTIONAL! ~~~ Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maloko ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo! Dahil ako! OO ! At hindi ako papayag na hindi sila magbabayad! Hindi ako papayag na ako lang ang makaranas n...