CHAPTER 10

1.6K 51 1
                                        

=ALYSSA's POV=

Namiss ko din talaga ang mga babaeng ito. Nakakatuwa isipin na makakapiling ko na ulit sila. Ang tagal ko din sila hindi nakakasama sa isang kwarto...

Flashback

Bumalik ako ngayon dito sa Pilinas ng walang pasabi ... Gusto kong makapiling ang mga magulang at kaibigan ko dahil pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang mag-isa. Saka takot din ako mamuhay sa US hindi ko alam kung paano ang mabuhay doon buti na nga lang tinulungan ako ni Stephen kung hindi baka wala na ako.

Hindi  nga sana ako papayagan ni Stephen ang umuwi dito dahil desidido talaga siya sa alok nya sa akin pero hindi naman ako ganung babae. Hindi porke't mayaman siya at mabait ay sasamantalahin ko na ang kabaitan nya , wala naman siyang ibang hinihingi na kapalit yun ay ang pakasalan ko lang siya. Hindi naman nya ako pinilit pero kung sakali na magbago daw ang isip ko ay tawagan ko lang daw siya.

Nandito ako ngayon sa Dorm para magpahinga muna bago ako uuwi sa Batangas dahil Gabi na kasi... Nang nasa pinto na ako napansin ko na bukas ang pinto , ang swerte ko naman alam ko na masusurprise sila kapag nakita nila ako pero hindi yun ang nangyari dahil ako ang nasorpresa sa narinig ko...

"Tama ba ang ginawa natin? Tama ba na inilihim natin ang pagpapakasal ni Kiefer?" parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Alam ko si ate Jem ang nagsasalita.. So alam pala nila ang lahat... Ang tanga ko talaga!.. Hindi ko na mapigilin ang sarili ko at pumasok ako at binalibag ko ang pinto ng malakas. Halata sa mga mukha nila ang labis na gulat.

FEEL MY WRATH!!!Where stories live. Discover now