=ALYSSA's POV=
Isang linggo na ang lumipas simula ng magdinner kami sa bahay ng mga Ravena, pero halos araw-araw parin kami binibisita nina Tita Mozzy, minsan nga nagdududa na ako baka may alam na si tita sa tunay na pagkatao ng kambal, pero wala naman siguro dahil wala naman siyang binabanggit o mga itinatanong man lang , baka magaan lang talaga ang loob nya sa mga bata ,. Ano nga tawag nun? Lukso ng dugo ba ? Saka sinigurado kaya ni Stephen noon na walang kahit na anong ebidensya na makapagtuturo sa tunay na pagkatao ng kambal... Kaya impossible na may alam si Tita.
" Ding dong ! Ding dong ! "
Hindi ko na tiningnan sa monitor kung sino ang nasa labas dahil tumawag na sa akin ang guard kanina na nandito na naman sina tita . Pagbukas ko ng pinto .... Charang!!!! Si Tita nga at kasama nya sina Thirdy at Dani.
"Good morning Iha!" "Magandang buhay ate! " bati nila sa akin
"Hello po tita, Baby girl , Third... " bati ko din sa kanila, nagbeso at hug muna kami bago sila pumasok.
"Tita, ang aga nyo po ngayon, tulog pa po ang kambal." sobrang aga kasi nila ngayon, Alas Siete palang sa umaga.
"Naku iha, ipagpaalam ko kasi sana sayo kung pwede natin ilabas ang kambal. Nakapagusap kasi kami sa telepono kagabi ng kambal at sinabi nila sa akin na aalis na pala sila bukas." malungkot na sabi ni tita. Oh di ba sobrang close nila? May patawag-tawag pang nalalaman.
"Naku tita, may kikitain kasi akong tao mamaya kaya hindi ako makakasama."
"Ate naman, sige na ate ilabas lang natin ang kambal para makapaglibot-libot din naman sila dito sa Manila. Ate please." pakiusap ni Dani at ginagamitan na naman nya ako ng pout nya. Paano ba ako tatanggi sa batang ito?
"Sige na ate, aalagaan ko naman kayo, please." isa pa itong si Thirdy. Ang kulit lang.
"Ganito nalang po Tita, Mauna nalang po kayo at isama nyo na lang ang mga bata, at susubukan ko nalang pong humabol. " mungkahi ko sa kanila. May kailangan kasi talaga akong kausapin mamaya. Nagliwanag naman ang mga mukha nila.
"Yeheeey!!! Salamat ate!" sigaw ni Dani.
"Thanks iha." sabi ni tita.
"Salamat ate, wag kang mag-alala akong bahala sa kambal." sabi naman ni Thirdy.
Hindi naman ako nag-alala na ilabas nila ang kambal kahit wala ako, dahil may mga tao naman ang laging nakabantay talaga sa kambal, hindi lang halata. Saka OK na din iyon, hindi pa kasi talaga nakapasyal ang kambal dito sa Manila.
YOU ARE READING
FEEL MY WRATH!!!
Fiksi PenggemarThis story is purely FICTIONAL! ~~~ Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maloko ng mga taong pinagkatiwalaan at minahal mo! Dahil ako! OO ! At hindi ako papayag na hindi sila magbabayad! Hindi ako papayag na ako lang ang makaranas n...