UNTITLED#23 EPILOGUE last na ba 'to?

24 3 1
                                    

 last na ba ito??

aba malay k o. haha . Dipende sa akin .. sa imahinasyon ko :D

On the spot kasi to eh . :D Pero sana maging mabunga ang paglalakbay ng imahinasyon ko . AJA!!

WILL YOU MARRY ME??”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko ..

Masyado akong nagulat sa mga pangyayari!!

Pero isa lang ang alam ko ..

Tulo sipon  na ako kakaiyak !!

Gustong gusto ko na siyang yakapin, hagkan, makasama …

I know, bata pa ko para isipin ang mga bagay na ito pero .. ganito talaga pag in Love di ba?? Advance kung mag-isip ..

All I know is … I’ve missed him .. So much!! T…T

“I WILL!! MY GOD! I WILL ARNOLD!! OO!!”

Nakakainggit .. di ko na kayang Makita to .. I expected so much to be hurt like this .. Kaya tumakbo na ako .. narinig ko pang tumawag sa pangalan ko si Angel pero ayokong huminto ..

Gusto ko siyang puntahan!!

Kakatakbo ko ay di ko na napansin na may maliit na hukay pala sa daan kaya nadapa ako at nasubsob sa putikan .. 

T…T ang swerte ko naman!!

 Akala ko talaga siya na yun eh?? Pesteng tainga kasi eh!! Bakit hirap kang makaalala ng boses!!! 

 >>> see link beside .. di ko alam kung si IU iyan pero kunwari siya .. :D

“News flash!! .. Sino itong misteryosang babae na binanggit ni International Performer LEE sa isang Prescon bilang Girlfriend daw niya.. ?”

Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko … nasa tapat ako ng bilihan ng television ..

LEE?? Sinong LEE?? LEEMELAYP??? Si LEE na PONG ko din?? M-may girlfriend na??

“ Inamin nga raw di umano ni mr. Lee sa kanyang Prescon habang nasa kalagitnaan ng paghahanda sa concert niya sa California, na mayroon na nga daw siyang Girlfriend. Ito ay nang tinanong siya ng isang reporter ukol sa inspirasyon niya sa pagkanta”

“Isa sa napag-uusapan ay ang ka love team nito sa isa niyang movie na “Die to Live”.. si Aschley Mellard na nga ba ang nagpapatibok sa puso ng Prince of Smile??”

No … diyahe naman oh? Bakit ang bilis niyang makahanap ng iba?? T..T

Samantalang ako .. ito ? putikan .. sugatan .. di lang sa katawan kundi maging sa kalooban ..

Kung ganoon .. sumuko ka na ba talaga Clark?? Wala na kaming relasyon ni Phierre .. Di ko naman talaga siya mahal eh!

Bigla namang bumuhos ang ulan …

Timing di ba??

“HUWAAAAA!!! LEEEE !!! BUMALIK KA NA PLEASEEEE !!!”

Humagulgol na ko ..

“b-bakit ganoon?? Sa spot ko lang w-walang patak ng ulan??”

Clark ?? Siya agad yung naisip ko .. baka sakaling mangyari yung mga nangyayari sa mga nababasa ko na .. bigla na lang siyang dadating .. bigla na lang siyang babalik at yayakapin ako …

Tumingala ako at ..

Hindi siya .. Hindi siya

“HUWAAAHHH!! BAKIT GANOON?? BAKIT HINDI SI CLARK??? BAKITTT ??”

“L-laine .. tama na please?”

“AANGGGEEELLL !!!!”

Niyakap ko siya . Nadagit ko ang dala niyang payong kaya parehas na kaming basa ngayon

“sshhhh .. Tama na please ..  magkikita rin kayo Laine .. Maniwala ka lang”

“P-pero paano?? Paano kung Masaya na siya sa iba nun?? P-paano kung nagkatuluyan na talaga sila nung nail-link sa kanya?? Pa-paano k-kung .. HUWAAAAA!!”

“then … siguro.. di talaga kayo ang para sa isa’t- isa?? Na .. di niyo lovestory to .. hindi pala siya ang leading man mo .. at hindi ikaw ang leading woman niya ..”

Hindi pwede yun …. Dahil sigurado ako na lovestory namin to .. Siya ang para sa akin .. at para lang ako sa kanya … Di ba?

“Come on Laine, 18 ka pa lang.. Marami pang dadaan sa buhay mo..”

“But .. a-ayoko!! Dahil dadaan lang sila .. p-pero si Clark .. Alam kong hihintuan niya ko .. ALAM KO!!”

“haayy .. osige .. pero pwede bang iuwi muna kita?? Magkakasakit ka niyan eh?? “

Di pa ko sumasagot ay inakay niya na ko .. naghihintay pala ang kotse ni Phierre

“I’m sorry Ellaine”

Ayan nanaman iyang sorry niya eh??

“p-pwede ba Phierre?? Wag ka nang mags-sorry .. mas lalo akong naiiyak eh .. T…T”

“Sorry”

“HUWAAAAA !!!”

“Haaayy .. ilang araw ka nanaman kayang ganyan?? Tara na Phierre .. Sa Dorm tayo. “

Pinaandar na ni Phierre yung sasakyan …

Clark … Superman ko .. Nasaan ka na ba?? Kailangan kita … T…T

=

=

=

=

=

 o diba? di pa pala to last .. malay niyo yung sunod last na? o sya .. matutulog na k . Goodnight! :D

Untitled Story of Us <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon