Prologue

9.7K 86 5
                                    

Ang Nakaraan:

Maynila.

Sa isang ekslusibong ospital naka ratay ang isang mayaman. Sya ay si Don Fabio Rivas isang mangangalakal. Sa kabila ng kanyang yaman ay hindi agad malunas-lunasan ang kanyang karamdaman na sa kasalukuyang panahon ay nasa kritikal na kondisyon.

"Ipag paumanhin Donya Celestina ngunit wala na hong lunas ang karamdaman ng iyong kabiyak maliban sa palitan ang kanyang puso. Pero dahil ho ang teknolohiyang ito ay maka bago at hindi pa gaanong subok na paka liit po nang tyansa na iyon ay mag tagumpay, bukod pa ho sa na paka mahal ng gagawing operasyon kung sakali ay na paka hirap rin hong makahanap ng taong mag bibigay ng kanyang sariling puso para magamit na pamalit sa puso ang inyong kabiyak." Anang doktor na kausap ang asawa at mga anak ng pasyente.

"Wala kaming problema sa pera doktor." Sagot ng Donya.

"Kung ganon ang problema na lang po natin ay taong mag bibigay ng pamalit na puso." Komento ng doktor.

"I handa nyo ang dapat nyong I handa doktor at kami na ang bahalang maghanap ng taong mag bibigay ng puso para sa asawa ko." Taas ang babang sagot ni Donya Celestina, sabay tayo at nag paalam sa doktor bago umalis kasama ng mga anak.

Sandali nilang sinilip ang naka ratay na Don bago sila lumabas ng ospital at sumakay sa magara nilang sasakyan na nag hinintay sa labas ng ospital sakay ang tsuper.

Habang daan ay usapan ng mag -iina ang tungkol sa pamalit na puso at nag ta tanungan sila kung saan sila ma aaring kumuha ng pamalit. Tahimik lang na nakikinig ang tsuper habang patuloy na nag mamaneho.

Makalipas ang ilang oras, sa isang maliit na tahanan sa labas ng mansyon ay seryosong kinausap ng ama ang isang magandang dalaga.

"Gaano mo ka mahal si Rodrigo, Karina?" Tanong ng ama sa kanyang anak na batid nyang matagal ng umiibig sa anak ng kanyang amo.

"Mahal na mahal po itay." Walang gatol na sagot ng dalaga.

"Pero bakit nyo ho na itanong itay?" Tanong nya sa amang bahagyang nag isip.

"Na ngangailangan ang kanyang ama ng taong maka pag bibigay sa kanya ng bagong puso para maligtas ang kanyang buhay." Sagot ng ama sa anak.

"Iniisip kong ibigay ang puso ko, kapalit ng pag papakasal sayo ni Rodrigo." Walang gatol na dagdag pa ng ama sa kanyang sinabi.

"Pero itay kapag ginawa nyo ho ang binabalak nyo ay kayo naman ang ma mamatay, di bale na hong mahalin ko sa malayo si Rodrigo bastat kapiling ko lang kayo." Na baghang sabi ng dalaga na bahagya pang na pa hikbi.

"Nag kaka edad na rin ako Karina at hindi mag tatagal, mag kaka sakit rin ako at papanaw, gusto kong bago ako pumanaw malaman kong naiwan kita sa maayos." Buo ang loob na sabi ng ama.

"Pero itay mas gusto ko kayong maka sama higit kanino man." Umiiyak ng sabi ng dalaga.

"Huwag kang hanggal anak, hayaan mong i sakripisyo ko ang sarili kong buhay para sa kaligayahan mo, at para na rin maligtas ka, katulad ng Don ay may sakit ka rin na habang tumatagal ay unti-unting lumalala. Hindi mag tatagal at mararatay kang katulad nya, pero hindi ko kakayaning bayaran ang mga gastosin para madugtungan ang buhay mo, bakit hindi natin I sakripisyo ang buhay ko, para sa kaligtasan ng Don, kaligayahan mo at kaligtasan mo rin, mayaman sila at sa sandaling lumala na ang sakit mo kapag kasal ka kay Rodrigo may pag- asa ka na ring gumaling." Sansala ng ama sa anak.

"Pero itay!"

"Wala ng pero-pero Karina, buo na ang pasya ko at kapag pumayag si Donya Celestina sa kasunduan, i handa mo ang sarili mo at ipakakasal ka namin sa anak nyang si Rodrigo.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon