Wala akong ma alala sa mga nangyari nang magkamalay ako sa ospital, at sa malas wala din akong ma alala maliban sa eksena na parang sirang plaka na paulit -ulit na nagre-replay sa utak ko, kung saan pilit akong lumalangoy at tinatawag ang pangalang Dana. Tapos ang eksena kung saan ipinakilala ko ang sarili kong Karina Sebastian, kaya kahit sabihin ng doktor at ng lalaking nag pa kilalang asawa ko na Celina ang pangalan ko ay hindi ko magawang paniwalaan. Mas maniniwala ba ako sa kanila kung ako mismo ang nakita ko sa panaginip ko at nag papakilalang Karina?
Bukod sa pangalang Celina na ramdam kong hindi akin, pati ang lalaking asawa ko raw na bagamat pamilyar sakin ay pakiramdam ko ding hindi ko asawa. Girls might think I'm crazy para tanggihang asawa ang lalaking ito na nag ki claim na asawa ko, dahil bukod sa obvious na kagwapuhan ay obvious ding mayaman, pero masi-sisi mo ba ako kung yon ang pakiramdam ko? Na walan lang naman kasi ako ng memorya pero hindi ako tanga para basta -basta sumang-ayon sa sinasabi ng mga tao sa paligid ko.
I don't know kung anong ginawa ng Celina na yon para pa lagyan pa ng gwardya sa labas ng hospital suite ko, pero kung hindi siguro sila nag lagay malamang tumakas ako. I rather risk my life outside knowing the truth about my self, than sit or lay down all day doing nothing and pretending I am someone i think and felt I am not. Kaso hindi ako maka labas bukod sa madalas kumirot ang ulo ko.
Ayokong sumama sa lalaking ito pauwi sa bahay nya, pero gwardyado ako at wala akong choice kundi sumama. Sa totoo lang mukhang mabait naman sya, pero hindi kasi ako komportableng kasama sya, ewan ko pero pakiramdam ko kasi na papaso ako sa hawak nya at parang laging sa sabog ang puso ko sa lakas ng kalabog pag nasa malapit sya. Pakiramdam na bago at hindi pamilyar sakin. At ayoko nang mga ganitong uri ng pakiramdam.
Tama nga ang hinala kong mayaman ang lalaking ito, bukod kasi sa sosyal at mamahaling ospital kung saan ako nagkamalay at nag pagaling ay may private helicopter din at heto naman ang mala mansyong bahay at naka linyang mga katulong. The house looked great from the outside, I was impressed. The maids looked nice and courteous and maybe a bit scared? Yeah parang takot sila sakin o kung hindi man eh parang nag aalangan maliban sa isa na tinawag ng "asawa ko" na Nanay Tessa.
And the child who looked a little over one year old looked super cute at parang ang sarap kurutin at panggigilan pero hindi ko magawa, kasi hinawakan ko pa lang sa kamay umiyak na agad at kinuha ni Lucien mula sa matanda para aluin. He introduced her as Vivien, a beautiful name, pero what really caught my attention was the word "our daughter". So ngayon hindi na lang pangalang Celina at salitang asawa ang mali sa pakiramdam ko, pati salitang our daughter ay mali rin. Pero hindi ko na isinatinig, wala naman kasing pinaniniwalaan sa mga sina sabi ko ang "asawa" kong ito.
Pag pasok namin sa loob ng bahay ay higit akong na impress sa architecture sa loob, maliban na lang sa mga gamit na obvious na mahal pero parang hindi bagay sa theme ng architecture, they seem to clash, na ba baduyan ako kahit maganda at sosyal ang mga gamit. Sino ba naman kasi ang mag lalagay ng red velvet sofa sa isang beach house? I think earth and beach vibe furnitures will be more suitable, kesa sa velvet na mukhang pang Middle Ages.
If the furnitures caught my attention, the portrait hanging on the wall caught me off guard. the word big is under statement, the right term should be massive! Pano ba naman life size na nga, ang wedding gown pang soot "ko" bigger than life. Hindi na kasi ako na gulat na kamukha ko ang babaing nandon, kasi sabi nga ni Lucien hindi sya bulag, so ibig sabihin lang hindi ko lang basta ka hawig kundi kamukha ko pa ang "Celina" na asawa nya.
What truely caught me off guard was the dress, or the "wedding dress." It looked like a copy if not the original wedding dress of princess Diana. You may say I am mean, pero sa totoo lang hindi ko sya type. Sa sobrang pag ayaw ko sa damit, hindi ko tuloy mapigilang isipin kong ako ba talaga si Celina at kung ako nga, pinilit ba nila akong isoot ang wedding gown na to? Wala, kahit titigan ko ang mukha nyang kamukhang - kamukha ko na medyo na kaka takot nga sa sobrang pag ka katulad, Eh wala parin akong ma alala. Kahit titigan ko ang wedding portrait na to wala akong ma alala kahit isang detalye sa kasalang to. Hay! Eto na naman, sumakit lang ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
HUWAD (EDITING)
RomantizmDalawang babae ang umibig at nag hangad sa iisang lalaki, ang isay pinakasalan at ang isay patuloy na umiibig at nag hahangad. Sa mundong punong -puno ng mga taong ganid at maka salapi, masaktan na ang masaktan at masagasaan na ang masagasaan. Sa...