Kabanata 18

3.1K 68 7
                                    


Matuling lumipas ang mga araw at ang pag sasama nina Lucien at Mags na hindi parin na kaka alala ay mas lalo pang tumamis. Mag mula kasi ng sakyan ng dalaga ang kabayong si Storm ay araw-araw na itong sumama kay Lucien sa rancho at wiling -wili na i ikot-ikot ang kabayo sa rancho, sa niyogan at sa palayan.

Kung ang tunay na Celina ay hate na hate ang buhay rancho si Mags naman ay gustong -gusto ito, wala itong paki alam kung halos tan na ang dating ma mula-mula nitong balat. Walang pag sidlan ng saya si Lucien na aminado sa sariling tuluyan ng nahulog sa estrangherang dalaga at tuluyan nang nabura ang dating damdaming tanging laan sa asawa na hanggang ngayon ay pinag hahanap pa ng P.I nya.

Nag tagpuan na kasi nito ang dating pinag  tataguan ni Celina pero wala na doon ang babae at ang kalaguyo nito dahil nagawa ng mga itong maka takbo bago pa matuklasan ng P.I kung sino ang lalaki, pero nag iwan naman ang mga ito ng sangkatutak na videos at s*x gadgets na kinuhang lahat ng inupahan nya at ipina dala sa kanya. Watching the videos made him so angry, pero hindi na sya masyadong na saktan.

Pero pakiramdam nya durog na durog ang ego nya, gayon pa man ay malaking bagay na nasa piling nya si Mags na hindi man sabing mahal sya ay hindi naman nag kulang sa pag paparamdam kung gano sya nito ka mahal. Kung hindi lang sya kasal kay Celina ay hindi nya na ito ipahahanap pa, pero dahil nga kasal sila ay ipinahahanap nya ito para ma proseso ang annulment ng kasal nila.

At oras na ma annulled ang kasal nila ay wala itong makukuha kahit isang kusing sa kanya at kung mag habol ito ay sisiguraduhin nya munang dadaan ito at ang kung sino mang gagong abogado nito sa butas ng karayom bago pa may makuha sa kanya. At sa oras na malaman nya kung sino ang kalaguyo nito ay pag babayarin nya rin ng mahal dahil sa pang gagago ng mga ito sa kanya.

Kasalukuyang ginaganap ang annual board meeting ng kompanya ngayon pero wala sa meeting ang utak nya. Kundi na kay Mags sa isla na sigurado syang gising at naka ligo na sa mga oras na ito at marahil nakiki pag laro kay Vivien sa hardin o sa play room ng anak nya, o kaya naman ay nag a almusal at masayang nakikipag usap sa mga kawaksi.

Alam nyang hindi na lihim sa loob ng bahay na hindi ito si Celina, pero walang nag sa salita at walang may lakas ng loob na mag tanong at kompirmahin. Maging si nanay Tessa ay na natiling tahimik at nag mamasid pero halatang mas boto ito sa babaing nasa bahay nya kesa kay Celina na syang tunay nyang asawa.

Nang pansamantalang mag break para sa meryenda ay agad syang tumayo at idinayal ang number ng dalaga, pero naka ka ilang ring na ay hindi pa ito sumasagot. Tinawagan nya si Nanay Tessa at itinanong kung na saan si Celina pero ang sabi nito ay maagang umalis ang "asawa" nya at itinawag daw ni Ramil na nag wawala si Storm sa kwadra at kapag nag wawala ang kabayo ay si Mags lang ang naka ka pagpakalma dito.

Kinakabahan sya at gusto nyang tumawag sa rancho pero mag re resume na ulit ang meeting kaya muli syang na upo sa upuan nya at nag handa sa pakikinig.

Samantala sa rancho ng umagang iyon ay nag mamadaling dumating si Mags sakay ng pick-up ni Lucien at patakbo pa syang pumunta sa kwadra ng mga kabayo, pero laking pag tataka nya ng madatnang wala ni isang taohan sa kwadra at tanging si storm lang ang kabayong naroon. Agad nyang nilapitan ang kabayo at inisip na marahil ay iniwan ito ng mga taohan ng magwala at inilayo ang ibang kabayo para huwag madamay sa pag wawala nito.

Nilapitan nya ang kabayo at hinaplos haplos ang mukha buhok nito sa ulo, humalinghing ng mahina ang kabayo, nasisiyahang kinausap nya ito na parang tao, hanggang sa ma pag pasyahan nyang kunin ang saddle, naisip nya kasing sa halos apat na araw na wala si Lucien ay ganon ka tagal na ring hindi lumalabas ng kwadra si storm kaya marahil nag wala.

Akmang ikakabit nya ang saddle ng marinig nya ang pag sara ng pinto ng kwadra na yari sa yero, na pa tingin sya sa pinto at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata nya ng mapag sino ang nag sara ng pinto ng kwadra.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon