Kabanata 25

2.8K 56 11
                                    

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari inisa-isa ko sanang tignan ang mga files na kinuha ko noon sa inuupahang condo ng anak ko, di sanay hindi nya malalaman ang mga bagay na inililihim ko sa kanya. Ang mga papel na itong na datnan ko na sa ibabaw ng mesa ang dahilan ng ilang araw ng panlalamig sa kin ng anak ko at ng ilang araw na kalungkutan nya. Sinadya kong burahin sa alaala nya ang naka raan nya dahil gusto kong maging normal ang paglaki nya. Para na rin isipin nyang hindi sya nag iisa sa mundo at higit sa lahat gusto ko syang iligtas sa maraming panganib na naka amba sa buhay nya. Pero aminado ako sa sarili kong mas ninais kong burahin ang mga ala-ala nya para tuluyan syang maging akin, para ako lang ang kilalanin nyang ama.

Nooy lagi akong may kahati sa puso ni Karina, una si Rodrigo, at ang ikalawa si doktor Sebastian. Sobrang mahal ko si Karina kaya ipinag paraya ko sya kay Rodrigo na alam kong mahal na mahal nya, yon nga lang hindi sinuklian ni Rodrigo ang pag mamahal nya. Nang gabing itakas ko sya at palabasing patay na sya ay akala ko akin na sya sa wakas, pero kailangan ko nanaman syang ipag paraya para sa kaligtasan at lunas nya, na tanging si Doktor Sebastian lang ang maka pag bibigay. At nang ipag paraya ko sya kay doktor Sebastian, tinanggap ko ng kailan man ay hindi sya magiging akin, sapat na saking malamang buhay sya at ligtas.

Bilang pag alala at tanda ng pagmamahal ko, mali man ay inari kong akin ang anak nya, anak nya kay Rodrigo! Matatanggap ko pang kilalaning ama ni Margareth si doktor Sebastian, pero kailanman hindi ko matatanggap kung si Rodrigo ang kikilalanin nyang ama! Na alam kong sya ring nais ni Karina. Kung noon lagi akong may kahati kay Karina, ngayon makikihati nanaman ako sa pag mamahal ni Margareth, pero okay lang tatanggapin ko, huwag lang syang mawala sa akin at patawarin nya lang ako sa pag lilihim sa kanya ng lahat ng ito. At para sa ika papanatag ng loob nya handa na akong ipag tapat sa kanya ang lahat-lahat.

**

I guess I was thinking the worse nang matuklasan ko ang tungkol sa pagkatao ko, pero matapos ipag tapat sakin ni tatay ang lahat, wala na akong makapang galit o tampo para sa kanya, tanging galit na lang para kay Rodrigo Rivas na sya palang ama ko at sa pamilya nya. Marahil nga sya ang ama ko, kung ang pag babasehan ay ang dugong na nanalaytay sa ugat ko, pero sa tunay na kahulugan ng salitang ama, si Fausto ang ama ko!

Si Fausto na walang ginawa kundi mahalin ang aking ina at bilang tanda ng pagmamahal at pag -alala sa kanya ay minahal at inari akong anak at pina laki akong mabuting tao. Si Fausto na ang tanging hangad ay kaligtasan ko laban sa mga taong may masamang tangka sa buhay ko. Si Fausto na minahal at inaruga ako ng higit pa sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. At para sakin si Fausto lang ang ama ko at wala ng iba at tinitiyak kong mag babayad ang kung sino mang may sala sa pagkamatay ng aking ina. Panahon na para bigyan ng katarungan ang kamatayan nya.

At bilang paghahanda sa pag bagsak ng pamilya Rivas sa mga palad ko ay kinailangan kong gamitin ang tunay kong pangalan, "Katrina M. Sebastian". At umupong myembro ng board ng mga ospital na kabilang sa mga pag aari ni Dr. Manuel Sebastian. Hindi naka ligtas sa media ang pag lantad ko, after all naging laman ng balita ang pagkamatay ng mga magulang ko at ang pagka wala ko noong bata pa ako.

Kung naging madali sakin ang pag tanggap na hindi ako talagang kadugo ni Fausto, hindi naging ganon ka dali ang pag tanggap sakin ng board, kinailangan ko pang sumailalim sa DnA testing, para matiyak na ako nga si Katrina Sebastian. Naging kwestyonable ang ang hindi pag ma match ng DNA ko kay Dr. Sebastian, pero saglit lang rin dahil nag labas ang natatanging taohan ni Dr. Sebastian ng ilang dokomento na nag papatunay na sakin  ipina mamana ang mga ari-arian ng pamilya, at ng salaysay na nag papatunay na kailan man ay hindi mag ma match ang DNA ko sa kanya, dahil hindi nya ako kadugo. Kung kayat kinailangan lang na mag match ang DNA ko sa DNA samples ng aking ina, na sya namang nangyari.

Noong una inakala kong ganoon lang kadali maupo sa mga board meetings, pero hindi pala, hindi dahil hindi ko naiintindihan, kundi dahil bored na bored akong makinig. Dapat tinawag nila itong "bored meeting." Dahil talagang nakaka bored. Na miss kong bigla ang pagiging pulis, ang pag sama sa mga raids at ang maka ubos lakas na fitness program tuwing lunes, ang pang sasabon ng superior ko at ang pakikipag asaran ko sa mga dating kasamahan ko sa trabaho. Na mimiss ko si Dana, na mimiss ko sina Rigo at Mac at higit sa lahat na mimiss ko si tatay. Tama! Miss na miss ko si tatay, halos dalawang buwan na kaming hindi nag kikita, at ilang araw na kaming hindi nag kaka usap sa telepono. Miss na miss ko na rin ang mga luto nya at ang simpleng buhay sa piling nya.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon