Kabanata 24

3.4K 72 25
                                    

Alam ko hindi ako Diyos para para maningil ng buhay ng may buhay, pero hindi ko lang kasi matanggap na may nanakit ng ganon sa anak ko, anak kong iningat-ingatan ko sa loob ng mahigit dalampung taon. Kaya naman matapos kong makuha kay mister Cortez ang impormasyon tungkol sa taong nanakit sa anak ko ay agad akong tumulak papunta sa kinaruroonan nya, pero sadya yatang ayaw akong pagkasalahin ng Panginoon dahil pagdating ko sa lugar patay ko ng dinatnan ang hayop na lalaking yon.

Inflammation of internal organs daw ang ikinamay or kung hindi man marahil tetanus, sobrang luma na kasi ng ospital at mukhang maging ang mga kagamitan. Anyway bagay lang sa kanya ang nangyari, kung tutuusin kulang pa nga kompara sa pinag dadaanan ngayon ng anak ko, anak kong mukhang mawawala na rin sakin. Kung bakit kasi pinili kong itago sa kanya ang katotohanan, gayong alam kong di mag tatagal matutuklasan nya rin naman.

Dama kong galit sya,  ngunit imbes na ako ang pag buntunan nya ng galit ay pinili nyang manahimik at kimkimin sa dibdib ang galit nya. Galit na unti -unting sumisira sa kanyang sarili. Na alala ko tuloy nong bata pa sya, nong unang beses na masilayan ko sya sa libing nina Dr. Sebastian at Karina, tahimik lang sya, hindi umiiyak at naka tingin sa malayo. I only heard her cry ng mag -isa na lang sya at umalis na ang lahat ng nakipag libing. Right there she captured my heart, na katulad ng batang puso nya ay nagluluksa din sa pag panaw ng tanging babaing minahal nito.

Dr. Sebastian's sudden death left a vast amount of assets for the young Katrina and with no one to protect her but just the maids in the mansion, maraming nagka interes sa minana ng bata. People conspired against her towards their own personal gain. At dahil mag isa na lang ang batang si Katrina sa mundo malaki ang pusibilidan na nasa panganib sya sa kamay ng mga mapag samantalang kasosyo at taohan ni Dr. Sebastian, or worse matuklasan ng pamilya Rivas ang tungkol sa kanya at gamitin rin sya para sa ika yayaman pa ng pamilyang iyon na ganid sa yaman, kung kaya naman bago pa sila maka gawa ng hakbang naisip kong dukutin si Katrina.

Marahil dala pa ng shock sa pagkawala ng mga magulang at sa batang gulang nya ay madali pa syang naka limot sa katotohanan ng buhay nya, bagay na sinamantala ko, pina niwala ko syang  ako ang tunay nyang ama at sa tulong ng isang child psychologist ay nagawa kong ma brain wash ang isipan nya, burahin ang mga alaala, paltan ng bago gamit ang hypnotherapy. Kasabay noon ay ang pagpapalit ko sa pangalan nya. Isinilang si Margareth Sullivan at ako ang kanyang ama, pero pinanatili ko saisip nyang si Karina ang kanyang ina, hindi ko kaso maatim sa puso kong burahin ng tuluyan sa isip at puso nya ang babaing tangi kong minahal.

Katulad ng kanyang inang kababata ko ay napaka bait nyang bata, kung kayat sa pangalawang pagkakataon ay natutong tumibok ang puso kong dati ratiy laan lang sa kanyang ina. Ang pagkakaiba lang ang pagmamahal ko sa kanya ay yong pagmamahal ng isang ama na laan para sa anak. Pag mamahal na ibinalik nya saakin ng higit pa sa inaasahan ko.

Kay Katrina/Margareth umikot ang mundo ko at ginawa ko ang lahat para maging mabuting ama sa kanya. Kinalimutan ko na ang pag aasawa, sapat na sa akin si Margareth. Hindi ko man sya kadugo pero sa bawat himaymay ng puso ko, anak ko sya at walang sino mang maaring kumwesyon sa pag mamahal ko sa kanya. Kung may isa akong bagay na pinag sisisihan iyon ay ang pag lilihim ko sa kanya ng tunay nyang pagkatao. Paglilihim na maaring sumira sa samahan naming mag ama at sa pagtitiwala nya sa akin. At na sasaktan akong isiping maaring mawala sya sa akin after all these years.

**

Pag -uwi ko galing sa firing range ay nadatnan ko sa sala ng condo si Tatay, may hawak na alak at tila malalim ang iniisip pero bahagya syang nag taas ng ulo ng maramdaman ang pag dating ko, pero hindi sya nag salita. Bahagya lang syang tumango para i acknowledge ang presensya ko. Marahil tulad ko na hindi pa handang makinig, sya naman ay hindi pa handang magpaliwanag.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon