Kabanata 4

3.4K 51 3
                                    


Samantala bilang pag hahanda sa gagawin nyang pag-dalo sa mga pag titipon ay pinag-enroll sa isang kilalang finishing school sa Quezon City si Mags, bilang si "Karina Sebastian", kung saan tinuruan sya at ang kapartner nya palang si Dana o "Geline Ocampo"kung pano mag-ayos at mag dala ng sarili pati na ang tamang pananamit, pananalita at pag kilos.

 They both used assumed names as part of the mission at nasa ikalawang linggo na sila ng lessons, kasabay silang tinuturuan ng mga babaing beauty queen wanna be o aspiring model. A talent scout asked her if she wants to join the up coming Mutya ng Pilipinas Pageant pero magalang nyang tinanggihan. 

Na i enjoy nya sana ang mga lessons kung hindi lang sobrang tindi ng traffic na sina salubong nya araw-araw sa pag pasok, mabuti na lang talaga at dala nya ang motor nya, kung nagkataong hindi ay araw-araw syang embyera sa layo ng Mandaluyong sa Quezon City. Nag dadala na lang sya ng extrang damit at na liligo sa provided na shower rooms sa loob ng school at doon na lang rin nag aayos.

Araw -araw sikang required na mag soot ng heeled shoes, pero today hindi lang basta heeled shoes ang kailangan nilang soot habang tinuturuang lumakad ng tama, kundi six inches yata ang taas na stiletto shoes, isang oras lang naman ang inabot ng lesson pero feeling nya mag hapon na ang daan, sobrang sakit kasi ng mga paa nya't binti. Kahit naman kasi sanay syang mag sapatos, iba naman ang combat shoes sa high heeled stiletto shoes, na ewan kung bakit type na type isoot ng mga babae. 

"Ang sakit ng mga binti ko." Reklamo nya kay Dana na mukhang bali wala ang soot na sapatos. 

"Ano ka ba, masasanay ka rin." Sagot nito na animoy model pang kuminding -kinding at umikot sa harapan nya. 

"Sanay ka talaga mag heels no?" Puna nya.

"Mags, I mean Karina pala, ikaw ba naman ang ipanganak na ganito ka liit sakin, di ka ba hahanap ng alternative para tumaas man lang?" Anitong bahagyang tumirik ang mata matapos hagurin ng tingin ang sarili sa salaming dingding ng changing room.

Hindi na lang sya nag komento sa halip, tinangka nyang hubarin ang soot na sapatos. 

"Ops! Don't remove that yet, Bakit di ka na lang sumama mag malling sakin? Kahit dyan lang sa Trinoma or sa SM? Tapos Bakit di tayo mag bar hopping mamaya para practice na rin?" Pigil nito sa ginagawa nya.

"Mag malling at mag bar hopping ngayon? Seryoso ka eh ang sakit-sakit na ng mga binti ko at feeling ko mag kaka laptok ang mga paa ko." Bulalas nya.

"Duh! Kung ngayon pa lang suko ka na, pano pa pag gabi-gabi mo ng soot yan?"  Sabi ni Dana na muling tumirik ang mata.

"Saka ko na po problemahin yon kapag nandyan na." Sagot nya.

"Gaga! Dapat nag pa practice ka na ngayon pa lang at sa mall ang magandang pag practisan mag soot ang mga ganitong sapatos, walang lubak, walang bako-bako, ingat ka nga lang sa mga paang nag hambalang kasi baka ma patid ka or baka maka tapak ka!" Pa singhal pero nag bibiro naman Ang boses na sabi ni Dana, may point naman ito, lalo nat di naman ka lakhan ang condo nya para don magpa ikot -ikot.

"Okay may point ka naman, pero kung sa sama kasi ako sayo today may dala akong motor pano ako mag mo motor sa six inches shoes na to aber?" Tanong nya.

"Problema ba yon di balikan na lang natin ang motor mo dito bukas."Sagot ni Dana.

"Eh wala tayong pasok bukas remember?" Sabi nyag tuluyan ng hinubad ang sapatos.

"Oo nga pala no, na kalimutan ko." Bulalas ni Dana.

"Bukas na lang tayo mag malling, sa Glorietta o kaya sa the Fort, sunduin mo ko sa bahay, total may car ka, para ma iwan ko yong motor, tapos don na tayo gumimik." Suggestion nya.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon