Kabanata 13

4K 67 0
                                    


Dahil sa sinabi ni Rita ay maghapon syang ka kaba-kaba, gusto nya sana burahin ang ginagawa nya pero mahahalata rin kasi kung gagawin nya iyon, bukod sa dudumi lang ang papel. Hanggang mag hapunan ay kinakabahan sya, naka hinga lang sya ng maluwag matapos kumain, hindi kasi dumating si Lucien at hindi naman ito pumapasok sa kwarto nya, o Mas tamanag sabihing kwarto nito at ni Celina.

Sinadya nyang maagang umakyat, naligo sya at pagkatapos mag apply ng lotion sa katawan at mag bihis ay na higa na sya. Gusto nyang maka tulog agad para kung sakaling dumating si Lucien hindi na sya gisingin ng katulong kapag nagalit at sa umaga naman mag papatanghali na lang sya ng bangon. 

Ang tagal nya ng naka higa pero hindi sya dinadalaw ng antok, sinubukan nya na lahat ng trick na pampa antok daw, gaya ng pag baliktad ng unan, pag tatalukbong at pag bibilang ng pa baliktad pero wala parin. Kating -kati syang lumabas sa veranda kung saan naka gawian nya ng tumambay at magpahangin bago matulog, kaso iniiwasan nya ngang makita sya ni Lucien sakaling magawi ito sa tapat ng veranda nya.

Sa aga nyang na higa mga bandang alas doce na yata sya dinalaw ng antok, kaso sakto namang agaw tulog na sya ay parang na ramdaman nyan may tao sa paligid. Pinilit nyang imulat ang mga mata at pilit inaninag sa dilim kung may tao nga. Saktong baling nya sa may pinto pa luwas sa veranda ay sya namang pasok ng kung sino sa kwatro nya, sa pag -aakalang si Lucien ang pumasok ay ipinikit nya na lang ang mga mata.

Unti-unting lumapit ang anino sa gilid ng kama at pigil hiningang nagkunyari syang tulog. Ipinikit nyang mabuti ang mga mata at pinagtiim nya ang mga bagang sa pagpipigil na huwag lumikha ng ano mang ingay na mag kakanulong gising sya. Lumakas ang kabog ng dibdib nya ng maramdaman nya ang pag lundo ng kama, marahil ay naupo ito, pero ewan nya kung bakit pero iba ang pakiramdam nya, parang may mali, biglang naging alerto ang mga pandama nya. Hanggang sa maramdaman nya ang lapit ng mukha nito sa kanya at na amoy nya ang pinag halong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga nito. Hindi nya ito na kikita pero na titiyak nyang hindi si Lucien ang pangahas.

"Nag balik ka na nga Celina." Anas nitong lalo pang nag pa kalat ng amoy ng alak at sigarilyo, at amoy ng kung anong hindi nya mabigyan ng pangalan, gusto nyang maduwal pero pinigil nya.

"Miss na miss na kita" Muling anas nito at hindi nya inaasahang pang yayari ay bigla nitong hinila ang kumot at dinaklot ang dibdib nya. 

Sindak na napa hiyaw sya sa bahagyang pagkaskas ng magaspang nitong mga daliri sa punong bahagi ng dibdib nyang hindi na takpan ng pantulog at ang gaspang ng palad nitong agad na tumakip sa bibig nya dahil sa pagsigaw nya.

"Shhhh...Celina, wag kang sumigaw ako to, hindi bat ito ang gusto mo, yong dinadaan ka sa dahas, yong bagay na hindi ginagawa sayo ng asawa mo." Sindak sya sa narinig. Ibig sabihin kilala ni Celina ang pangahas.

"Huwag kang matakot ako to, paliligayahin kita sa magdamag." Anitong mariing pinisil ang dibdib nya, nang hilakbot sya sa takot at pandidiri.

Pero ewan kung saan nya na kuha ang lakas para gumalaw, kinagat nya ang kamay ng lalaki at dahil na saktan ito ay na alis nito ang kamay na naka takip sa bibig nya at sinapo ng isa pang kamay ang nasaktan, sinamantala nya ang pagkakataon at mabilis syang bumalikwas at bumaba sa kama. Akmang tatakbo sya sa gawi ng pinto ng maka bawi ang lalaki at mabilis syang hagipin. 

Na hagip nito ang likurang ikab ng damit nya at gumadgad sa balat nya ang mga kuku nito, dahil sa biglang pag salakay ng hapdi ay may kung anong na buhay sa katawan nya. Mabilis ang naging pag kilos nya at bago pa sya magawang yakapin ng lalaki ay isang malakas na tadyak ang sumalubong sa tyan nito at na sundan pa ng isa. Dahil naka inom ay mabuway ang lalaki at na tumba ito at dahil hawak panito ang likurang bahagi ng pantulog nya ay na punit iyon at halos mapa tumba rin sya dahil sa bigat nito. Mabuti na lang at agad syang naka bawi at mabilis na naka takbo palabas ng silid.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon