Kabanata 23

3.1K 66 11
                                    

Ilang araw na ang nag daan pero wala paring malinaw na impormasyong makuha si Lucien tungkol kay Edwardo Mondragon na maka pag tuturo ng lokasyon ni Celina. Ilang ulit nyang tinanong si Aldrin ng tungkol sa kaugnayan ni Ed kay Celina bukod sa pagiging mag pinsan ng dalawa pero na natiling tikom ang bibig nito. He said its better kung sya mismo ang makakatuklas at kung sya mismo ang makaka kita.

Na iirita na sya sa bagal ng development at kating kati na ang mga paa nyang lapitan si Margareth pero na ngako sya sa tatay nito at marunong syang tumupad sa pangako, kahit sa totoo lang gustong-gusto nya ng baliin ang pangako nya. Ang tanging pumipigil lang sa kanya ay ang kaalamang mas makakabuti sa kanya kung ipapakita nya kay Fausto na may isa syang salita. Gusto nyang makuha ang tiwala ng matanda, tiwalang alam  nyang hindi nito basta basta  ibibigay.

Fausto Sullivan telephoned him a couple of days back to ask for a small favor. Pabor na kahit ayaw nyang pag bigyan ay napilitan syang ibigay dahil nasabi nya ng tumawag lang ito kung may Kailangan maliit man o malaki. It happens na si Ramil ang hiningi nitong pabor. At wala syang nagawa kundi pikit matang ibigay ang impormasyon. Handa syang ibigay lahat at minsan pang sumugal kung para kay Margareth.

Sa ngayon pilit nyang pinag ka kasya ang sarili sa pag mamasid sa dalaga mula sa malayo, katulad ngayon na kita nyang lumabas ng building si Margareth at sumakay sa taxi. Inutusan nya ang driver na sundan ang taxi kahit saan iyon  pumunta. It takes about fourty minutes bago huminto ang taxi sa tapat ng isang malaking mall at bumaba si Margareth. Di nag lipat sandali at bumaba rin sya at pasimpleng sinundan ang papalayong dalaga.

He saw her walk inside a posh Salon and when she came out again, what he saw was a different woman, her lush and long hair is gone. What she's sporting now is a short pixie hair style with a little side swift bangs to cover the scar near her forehead. She looked beautiful as always pero mas gusto nya ang mahabang buhok nito. Her long hair used to make her look sweet and seductive at the same time, oozing with feminine appeal, her short hair now gives a different vibe, fierce and at the same time sad, leaving no trace of the sweet faced Margareth he love so much.

Habang minamasdan nya ang dalaga ay hindi rin maiwasang mapuna nya ang panlalamlam ng mga mata nito, na dati ratiy puno ng kislap at sigla. Ngayon malalim at na ngingitim ang paligid ng mga mata ng dalaga, bagay na mas na emphasize sa maiksing gupit ng buhok nito. Mukhang hindi lang sya ang hindi makatulog sa gabi, mukhang maging ang dalaga ay ganon din.  Tiim bagang na napa buntong hininga sya, hanggat hindi nya na tatagpuan si Celina at hindi pa na aayos ang lahat sa kanila wala syang kakayahang paligayahin si Margareth. Just that thought makes him feel frustrated. Muli nyang sinulyapan ang dalaga na ngayon ay yakap ng isang banabae sa bungad ng salon bago sya tumalikod at mabibigat ang mga hakbangnag lakad palayo.

**

The past days was full of sadness, grieving and anger for Mags, kasabay kasi ng paglabas nya ng ospital at kaalamang nawalan sya ng anak ay ang pagkaka alam nya sa pagkamatay ni Dana. Dumalaw kasi sa kanya sa condo ng ama sina Mac at Rigo at na ikwento ng mga ito ang nangyari.

Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwalang wala na si Dana, hindi nya kasi sukat akalaing hindi ito makakaligtas sa sinapit nilang aksidente. Nang magkahiwalay kasi sila at mawalan sya ng malay ay wala na syang alam sa mga sumunod na nangyari, nang bumalik naman kasi ang ala ala nya yong parting sinagip nya nalang ito ang naalala nya, tanging sa clippings at sa ilang larawan na lang ng yate matapos ang aksidente nya na pag tangi-tagni ang mga pangyayari.

Hindi na ipinakita sa kanya nina Rigo ang mga larawan ni Dana, pero sa kwento pa lang nito ay sapat na para huwag na nyang naisin pang tignan, na iimagine nya na kasi ang kalunos-lunos na inabot nito. Di man sila matagal na nag sama ni Dana pero na pa lapit na ito sa kanya, ay hindi nya mapigilan ang sariling maging emosyonal, idagdag pa ang pagkakatuklas nya sa tunay nyang pagkatao. Pagkataong hindi nya mapaniwalaang itinago sa kanya ng kinilalang ama sa loob ng maraming taon.

At dahil sa mga yon tuwing gabi hindi sya pinapatulog ng pag-iisip at ng galit na unti-unting bumabalot sa puso nya. Galit sa mga taong dahilan ng aksidente, galit sa sarili, galit sa mga taong may kaugnayan sa kahapon nya, galit sa ama o kung hindi man galit marahil ay hinanakit, o kaya namay tampo dahil sa pag tatago nito sa kanya ng katotohanan. Katotohanang tuluyang nag buklod sa kanya kay Celina Rivas Cortez. Ang masaklap pa mukhang naulit sakanila ni Celina ang kwento ng kahapon ng mga ina nila.

Tuwing gabi halos abutin na sya ng umaga sa pag iisip ng kung ano-ano, kagaya nang kung bakit naging ganito o ganyan ang pang yayari sa buhay nya. At sa kada gabing nag dadaan ramdam nya palalim ng palalim ang galit sa puso nya. She knows it's not right, she knows its not healthy and it's not going to do her any good, pero hindi nya maiwasang hindi isiping mag higanti at pag higantihan ang mga taong dahilan ng pagkawala ng ina.

Ang tanging pumipigil lang sakanya ay ang kasalukuyang kondisyon nya, hindi pa sya ganap na malakas, nang hihina pa ang katawan nya, na imbes maka bawi sa pagkahulog dahil sa pagkaka ospital nya ay mas lalo pang na huhulog. Humpak na ang mga pisngi nya, na ngingitim ang paligid ng mga mata, putlang-putla na ang balat nya at mukha na syang tinakasan ng dugo at malaki na ang ibinawas ng timbang nya.

Kanina pag gising nya napa sulyap sya sa malaking salamin sa paanan ng kama and for the first time in days naisip nyang its about time to do something, to be strong and be her self again. After all kung mananatili syang ganitong nag mumokmok, matamlay at wala sa tamang huwesyo dahil sa sobrang pag iisip ay walang mang yayari sa kanya at hindi matutupad ang lahat ng naisip nya.

At bilang unang hakbang gusto nyang putulin ang buhok nyang na ngangailangan talaga ng gupit, hindi kasi pantay-pantay dahil sa parteng inahit noon sa ospital nong maaksidente sya. Bukod doon marami syang taong na aalala tuwing titignan nya ang mahaba nyang buhok. Mga taong gusto nyang pansamantalang kalimutan hanggat hindi pa nagiging ayos ang sarili nya.

She decided to go to the hair salon kung saan sya dinala ni Dana noon. Tootsie tend to her like the first time, pero kung noon masaya silang nag kulitan kasama si Dana ngayon kapwa sila walang imik. He only talked to her nong paalis na sya, niyakap sya nito at sinabing bumalik naman sya kahit paminsan minsan. Hindi man ito nag ungkat ng tungkol kay Dana pero may palagay syang na kwentohan na rin ito ni Rigo ng kung anong nangyari bago at matapos silang mag hiwalay ni Dana kaya siguro nanahimik na lang ito.

After the visit to a hair salon she decided to go to a cinema and there an idea came to her mind, kaya naman paglabas nya naisipan nyang dumaan sa isang gym. She wants to start the second step ng pagbabago, nag myembro sya sa isang kilalang gym na luckily may branch sa area ng condo ng tatay nya. She needs to be strong again, she needs to get back on her track and the gym will help her achieve that. 

Habang nasa daan sya pauwi naisip nyang gusto nyang bumalik ulit sa serbisyo, pero hindi pa ngayong siguro sa susunod pang mga linggo, kapag kayang kaya na ng katawan nya, kapag kontrolado nya na ang sarili, sa ngayon kasi very fragile pa ng kondisyon nya, physically at emotionally. Naisip nya ring gusto nyang bumili ng bagong armas, yong bago talaga at hindi palyado na tulad ng karaniwang issue ng opisina. Kaya naman kinabukasan iyon agad ang inasikaso nya saka sya pumunta sa isang firing range at nag insayo.

( Hmmmm...New mags po in the making.)

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon