Kabanata 1

5.9K 54 5
                                    

Kasalukuyan:

"Congratulations Spo4 Sullivan!" Naka ngiting bati ng isang may edad na opisyal ng pulisya sa isang maganda at batam-batang opisyal.

"Maraming salamat ho Kapitan." Naka ngiti ring sagot ng binati.

"Siguradong matutuwa ang tatay mo kapag na lamang na promote ka na naman." May ngiti paring sabi ng mag naka tatanda.

"Naku tiyak ho yan, alam nyo naman si tatay proud na proud sa unica hija nya." Naka ngiti paring sagot ng dalaga.

"Pwede na ho ba akong, umalis? Dadalawin ko na rin ho ang tatay sa ospital." Pa alam nya.

"Oo naman, basta ikaw alam mo namang malakas ka sakin, pero bukas ihanda mo ang blow out ha?" May halong birong pag payag ng opisyal.

"Ayos na po ba sa inyo ang tanghalian galing sa Kainato o mag padeliver pa ako ng crispy pata sakay ng bicol express sa Bob Marlin sa Naga?" Pa birong sagot nya.

"Maski gurano ka siram ang crispy pata ni bob marlin kung bicol express ma deliver mayo ng siram pag abot igdi." Na tawang sagot ng opisyal na ang ibig sabihin ay kahit gano daw kasarap ang crispy pata sa sikat na bob marlin restaurant sa naga na paborito nito ay siguradong hindi na raw masarap kung sakay ng mabagal na tren.

"Ma Kainato na lang po lugod kita." Na ngiti paring sabi ng dalaga na ang ibig sabihin ay sa "Kainato" restaurant na lang sila mag pa deliver. Kainato is a native dish restaurant na kilala sa Legazpi Albay kong saan sya naka assign.

"Maski sain basta dae sa kalye dilaw" Sagot ng opisyal, na ibig namang sabihin ay kahit saan huwag lang galing sa kalye dilaw kung saan sabi-sabing marumi ang mga tindang pagkain sa karinderya.

"Syempre hindi po." Sagot ng dalaga.

"Sige lakad na, baka kanina pa nag hihintay ang tatay mo sayo." Pag tataboy ng may edad na opisyal na kaibigan rin ng ama.

Naka ngiti syang umalis matapos sumaludo.

Makalipas ang ilang sandali ay sakay ng motorsiklong dumating sa isang pribadong ospital ang dalaga. Matapos saluduhan ang mga gwardya ay bitbit ang isang bag na may tatak ng isang sikat na kainan na tuloy -tuloy syang pumasok sa loob kung saan pansamantalang naka confine ang amang si retired senior superintendent: Fausto Sullivan.

"Hi tay! Kumusta hong pakiramdam nyo?" Bungad nya sa ama ng madatnang itong naka upo sa kama at nag babasa ng kung ano sa hawak iPad.

"Mabuti na, gusto ko ng umuwi, lalo akong nag kakasakit dito sa ospital, kung bakit i kononfine mo pa ako eh ni hindi nga ako na balian ng buto." Sagot nitong bakas ang pagkabagot sa mukha saka ibinaba ang hawak na gadget.

"Pansamantala lang naman tay, gusto ko lang matiyak na okay lang kayo." Sagot ng dalagang maagap na hinagkan sa pisngi ang ama.

"Ano yang bitbit mo? Kanina pa ako gutom nak." Tanong nitong sinulyapan ang bitbit nyang supot.

"Ano pa di paborito mong pancit at siopao tay, sandali lang at i hahain ko." Sagot nyang ipinatong ang supot sa ibabaw ng maliit na mesa at hinila iyon palapit sa kama, saka mabilis na inihain ang mga pagkain.

"Kumusta ang maghapon?" Kaswal na tanong ng ama.

"Ayos na ayos tay, alam nyo bang dahil don sa mga na tiklo na min sa pier na promote na naman ang anak nyo? Spo4 na ang anak nyo tay!" Naka ngiting kwento nya sa ama.

"Wow talaga? Kung ganon congratulations anak!" Maluwang ang ngiting bati sa kanya ng ama.

"Spo4. Margareth " Mags" P. Sullivan, bagay na bagay di po ba tay?" Masayang bigkas nya sa buong pangalan.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon