Kabanata 3

3.3K 42 0
                                    

Tuluyan ng lumipat sa Maynila si Margareth at pansamantalang tumira sa isang mumurahing condo sa mandaluyong. Katulad ng karaniwang nangyayari kapag na lilipat sya ng distino sa mga bayan sa Bicol ay hindi iilang pulis ang nag palipad hangin, harap -harapang pumuri at nag pahayag ng interes sa kanya, pero ngiti at biro lang ang isinagot nya sa mga ito. 

Sa edad nyang bente sais ay at sa ganda nya ay hindi naman malabong nag ka nobyo na sya, may dati syang kasintahan na isang pulis din, si Rommel na anak ng dating hepe sa bayan nila, pero na mapa ingkwentro si Rommel at  minalas na masawi, patay na ito ng madala sa ospital. Mula noo'y isinubsob nya ang sarili sa trabaho at piniling huwag munang pumasok sa isang relasyon. Sariwa parin kasi ang sakit sa dibdib nya sa kabila ng mahigit tatlong taon na ang nag daan. 

"Ma'am uuwi na ho kayo?" Tanong ng isang gwapo rin naman at may ibubuga din naman ang katawang pulis pag daan nya.

"Oo eh, may lakad kasi ako maya -maya." Naka ngiting sagot nya.

"Hatid ko na ho kayo ma'am out na rin ho ako eh." Alok nito.

"Naku wag na, dala kong motor ko." Tanggi nya sa pulis na pa kamot na lang sa ulo.

"Saka wag mo na kong i ma'am, mukhang mas mataas pa ang ranggo mo sakin, Mags na lang." Dagdag nyang bahagyang ngumiti.

"Nice to meet you Mags, Rigo na lang rin itawag mo sakin." Naka ngiting sabi nito na inilahad ang kamay.

"Nice to meet you too Rigo." May ngiti pa din sa labing tinanggap nya ang pakikipag kamay ng lalaki. 

"Anak ng pating bilis mo talagang dumiskarte Rigorio! At may pa Rigo, Rigo ka pang na lalaman." Nang-aasar na singit ng isa.

"Mac nga pala miss beautiful!" Dagdag nitong maluwang ang ngiting nag lahad ng palad.

"Maka Mac ka wagas eh Macario naman ang pangalan mo." Ani Rigo hindi nya pa man na aabot  ang kamay ni Mac.

"Nice to meet you Mac, Margareth, mags na lang sayo." Sagot nyang tinanggap ang palad ng lalaki at ng mag bitiw silay bahagya nya itong minasdan may itsura din naman lamang lang siguro si Rigo ng tatlong paligo.

"Kung alam ko lang na magagandang katulad mo ang mga pulis sa Bicol di sana nag pa assign ako don." Naka ngiti paring komento nito sa pabirong tinig, na tawa lang sya.

"Hay sus ingat ka sa pambobola ng dalawang to pareho yang matinik sa tsiks! Dana nga pala!" Sabi ng babaing pulis na biglang sumulpot, maganda rin itong katulad nya, may pagka morena nga lang at may kaliitan.

"Sus nag selos ka naman agad bansot!" Ani Mac na inakbayan ang babae. Halatang close ang tatlo.

"Mags, nice to meet you Dana." Sabi nyang sumilay ang matamis na ngiti at tinanggap ang ini aabot na palad ng babae.

"Nice to meet you too Mags, man lilibre daw ng pizza tong dalawang kalokoy na to, ano sasama ka ba?" Sabi ni Dana na malawak din ang ngiti. Sabay namang nagka tinginan ang dalawang lalaki.

"Naku hindi na, actually pauwi na ako." Tanggi nya, nahulaan nya kasing hindi naman talaga nag-aaya ang mga lalaki.

"Sama ka na! Sa ka kuriputan ng dalawang to na madalang pa sa patak ng ulan man libre eh malamang, abutin pa ng siyam -siyam ang kasunod bago tayo ulit ma aya ng dalawang tong lumabas." Pamimilit ni Dana.

"Sige na Mags sumama ka na, maaga pa naman siguro para sa lakad mo mamaya." Mukhang hindi naman na pilitang sang-ayon at pag -aaya sa kaya ni Rigo.

"Sige na nga, ma aga pa naman." Sang-ayon nya.

Sa yellow cab pizza sa loob ng isang mall sila dumeretso, lahat sila naka motor kaya mabilis silang naka rating sa kabila ng makapal na trafic sa edsa. Umorder kaagad sila ng dalawang malaking pizza at drinks. Habang nag hihintay sa pag dating ng order nila ay marami-rami na rin silang na talakay tungkol sa isat -isa, kaya bago pa man dumating ang order nila ay hindi na sila na iilang sa isat-isa.

HUWAD (EDITING)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon