Tunog ng telepono ang gumising kay Lucien na halos ka tutulog lang dahil sa mag damag na pag hihintay sa tawag ng mga taong binayaran nya para sundan ang yateng sinasakyan ng asawa.
"Hello." Mainit ang ulong sagot nya sa telepono
"Mr. Cortez, si Detective Cruz ito." Pa kilala ng nasa kabilang linya.
"Yes Detective, anong balita sa asawa ko?" Na wala ang antok na tanong nya.
"Good news at bad news sir, alin ho ang gusto nyong unahin ko?" Derektang sagot ng detective sa kabilang linya matapos tumikhim.
"Which ever." Sagot nya.
"Maybe I should start with the bad news sir, your wife was involved in an accident around two a.m this morning, may sumabog ho sa yateng sinasakyan nya, nag ka butas ito at lumubog." Derektang sagot ng detective.
"Oh my God! Ang asawa ko? Nasan ang asawa ko?" Sinakmal ng panic na pa bulalas na tanong nyang na patayo mula sa pag kaka upo sa gilid ng kama.
"The good news Mr. Cortez is we found your wife just in time, pero may sugat ho sya sa ulo at kasalukuyang nasa provincial hospital at hindi pa nag kakamalay." Pag bibigay impormasyon ng detective.
"Anong hospital at anong probinsya?" Mabilis na tanong ni Lucien.
Nang sagutin ng detective kung anong ospital at probinsya ay agad na nag bilin ang lalaking ipahanda ang transfer ng asawa nya at darating sya para sunduin ito, saka pinutol ang tawag at mabilis na tinawagan ang piloto at nag pa sundo sa isla. Hindi nag lipat ang isang oras at lulan sya ng private helicopter na lumipad patungo sa ospital kung saan naka ratay si Celina.
Lumipas ang mahigit kumulang isang oras ay lumapag ang helicopter sa isang plaza di kalayuan sa ospital at nag mamadaling bumaba si Lucien na agad sinalubong ng detective na nag batay sa asawa nya at dinala ito sa ospital. Nanlumo sya sa nakitang itsura ng ospital na luma na at giray, pero lalo syang nanlumo sa itsura ng asawa na pasaan at may bendang naka paikot sa ulo.
Agad nyang kinausap ang mga taong dapat kausapin sa nasabing ospital at agad na ipinahanda ang transfer para sa asawa at dahil pera ang nag salita ay mabilis nilang na ilipat si Celina kasama ang isang doktor at dalawang nurse kahit pa mas kailangan ng ibang pasyente sa ospital ang serbisyo ng mga yon. Ibinilin nya rin sa detective na takpan nito ang mga dapat takpan sakaling may media na dumating at mag cover ng nangyaring aksidente.
Matiwasay na nai transfer sa isang sikat at mamahaling hospital sa Maynila Celina na hindi pa rin nagka -kamalay. Ipinasya ni Lucien na ilihim sa mga beyanan ang tungkol sa nangyaring aksidente, dahil sa duda nyang pag tatago ng mga ito sa asawa sa nag daang kung ilang buwan. Pero sa kabila ng pagkaka tagpo sa asawa ay hindi nya pinutol ang serbisyo ng mga taong inupahan nya para hanapin ito, sa halip pina imbestigahan nya ng lihim ang nangyaring sakuna at ang mga taong involve sa aksidente.
Makalipas ang isang linggo ay nagkamalay din ito, pero parang wala ito sa sarili at nag si sisigaw at tinatawag nito ang pangalang Dana. Para kumalma si Celina ay kinailangan pa itong turukan ng pampa kalma. Kinabukasan ng magising ito at magisnan sya sa tabi ng kama nito ay ewan nya kung nag da drama lang ba ito o hindi dahil hindi daw sya nito kilala. He called the doctor and the doctor explained that she might be suffering from a short term memory loss dahil sa sugat nito sa ulo, bagay na ayaw nyang paniwalaan, pero wala syang nagawa kundi sakyan ang kung ano mang trip nito.
And with a very believable expression on her face she asked who he was and he have no choice but to introduce him self.
"I'm Lucien, Lucien Riccard Cortez, Celina." Sagot nya.
BINABASA MO ANG
HUWAD (EDITING)
RomanceDalawang babae ang umibig at nag hangad sa iisang lalaki, ang isay pinakasalan at ang isay patuloy na umiibig at nag hahangad. Sa mundong punong -puno ng mga taong ganid at maka salapi, masaktan na ang masaktan at masagasaan na ang masagasaan. Sa...