Nang pumanhik si Lucien sa itaas ay ipinasya nyang magpahinga. Nang magising sya bandang hapon ay saka lang sya na ligo at nag bihis saka bumaba dahil na gugutom sya. Agad syang ipinaghain ni Nanay Tessa, pero habang kumakain sya ay nabanggit nitong kaninang umaga pa hindi bumababa at hindi kumakain ang dalaga, na inaakala parin nitong ang asawa nya. Nang pahatdan daw nito ng almusal at tanghalian ay hindi ito sumagot at ayaw ring pag buksan ang pinto kahit na katukin.Natigilan sya at mabilis nyang tinapos ang pagkain at hiningi sa matanda ang kopya ng susi nang master's bedroom at matapos nitong ibigay ay agad syang umakyat at ilang ulit na kumatok sa pinto ng sili. Pero nang hindi sya nito pag buksan ay agad nyang ginamit ang susi. Pagbukas nya ay madilim ang silid, bagay na normal kapag naka sara ang mga kurtina. Agad na lumipad ang tingin nya sa kama at nakita nyang nakita nyang naka talukbong at balot ng kumot ang dalaga.
Agad syang na bahala ng marinig nyang umuungol ang dalaga at parang may tinatawag ito, kasabay ng bigla nitong pag galaw. Tarantang lumapit sya sa kama at inalis ang talukbong nito. Nakita nya itong pulampula at pa biling-biling habang binabanggit ang pangalang Rommel. Parang may kamay na dumaklot sa dibdib nya at piniga iyon, pero hindi nya magawang umalis at hayaan ang dalaga.
Akmang yuyogyogin nya sana ito ng madama nyang sobrang init nito at mukhang hindi lang basta na nanaginip kundi nag di dileryo na dahil sa sobrang taas ng lagnat. Mabilis nyang tinawagan sa intercom si Nanay Tessa at pinag dala ng pang banyos at gamot at mag pasunod na rin ng pagkain. Maya -maya lang ay dumating na ang matanda, na abutan pa nitong nag sa salita ang dalaga at this time hindi na Rommel ang binabanggit nito kundi tatay.
Na pa tingin sa kanya ang matanda at may pagtatanong sa mga mata, pero hindi nya magawang sagutin ang tanong nito, sa halip ay sinabi nyang iwan sya nito at sya na ang bahala sa dalaga. Pinatay nya ang aircondition at akmang pupunasan nya ito ng tumampad sa mga mata nya ang mga marka ng ginawa nya sa nag daang gabi. Para syang sinampal na na patitig sa mga iyon at hiyang-hiya na bumulong at humingi ng tawad sa dalaga.
Maya-maya'y binanyusan nya na ito at binihisan at sapilitang pina inom ng gamot. At habang nag hihintay sa pag dating ng ipanahahatid nyang pagkain ay hindi maalis sa isip nya ang mga pasa ng dalaga. Ilang ulit nyang minura sa isip ang sarili dahil doon. Saglit pa at dumating na ang pagkaing hatid ni Rita. Sapilitang pinag tulungan nilang pakainin ng sopas ang dalaga at nang matapos ay nag pa iwan sya at nahiga sa tabi nito ng mapansin nyang parang na ngingiki ito sa ginaw.
Dahil sa nangyari ay magdamag nyang binantayan ang dalaga at umalis lang sya kina -umagahan dahil kailangan nyang pag aralan ang mga inihatid ni Miguel na papeles, dahil tinawagan na sya ni Aldrin at kaylangan na daw nito ang mga iyon mamayang hapon. Nang magising tuloy ang dalaga ay hindi na sya na gisnan. At nang gumabi ulit ay tulog na ito ng pumanhik sya.
Ilang araw pa silang hindi nag papangita dahil naging busy sya sa Rancho at sa niyogan pero bago sya matulog sa gabi ay sinisilip nya ito. Hanggang isang gabing may nilalamay syang papeles ay naisipan nyang mag timpla ng kape. Na datnan nya sa kusina ang dalaga na umiinom ng gatas sa tabi ng ref na basta lang naka soot ng maiksi at manipis na pantulog. Awtomatiko syang pinanuyuan ang lalamunan at hindi nya na pigilan ang pagpapakawala ng malalim na buntong hininga.
Mukhang na rinig yata sya nito dahil bigla itong lumingon sa dereksyon nya at kahit malamlam ang ilaw sa kusina ay kita nya ang pag guhit ng gulat at takot nito pagka kita sa kanya.
"Sorry if I startled you, I just came to make some coffee." Aniya matapos mag -alis ng kuwang bara sa lalamunan nya.
Hindi sya nito kinibo sa halip ay nag -iwas ito ng tingin at may pag mamadali sa kilos na isinara ang pinto ng ref at malalaki ang hakbang na lumapit ito sa lababo at mabilisang ininom ang halos kalahating baso pa ng gatas, dahilan para masamid ito. Agad nya itong nilapitan at hinagod sa likod. Bigla itong na nigas na sinikap pigilan ang pag-ubo, habang sya naman ay parang na pasong na pa hinto.

BINABASA MO ANG
HUWAD (EDITING)
RomanceDalawang babae ang umibig at nag hangad sa iisang lalaki, ang isay pinakasalan at ang isay patuloy na umiibig at nag hahangad. Sa mundong punong -puno ng mga taong ganid at maka salapi, masaktan na ang masaktan at masagasaan na ang masagasaan. Sa...