Start writing your story
Siguro dahil sa trafic ay halos isang oras din ang ipinaghintay ni Lucien sa labas ng hospital suite, bago nya namataang hangos na paparating ang isang may edad ng lalaki na sa kabila ng edad ay matikas parin ang katawan. Nang makarating ito sa tapat nya ay nagsalita ito.
"Excuse me sir, I'm Fausto Sullivan, Margareth's father." Anitong nag lahad ng kamay, na pa tayo si Lucien sa pagkakaupo at tinaggap ang palad ng may edad na lalaki.
"Lucien Cortez ho Mr. Sullivan, Your daughter is inside." Aniyang bahagyang pinisil ang palad ng matanda.
"I don't know how to thank you enough mr. Cortez, but thank you for saving my daughter's life, I been searching for her all this time, umaasang buhay pa sya sa kabila ng mga buwang nag daan at hindi parin sya matagpuan." Bakas ang pasasalamat at relief sa boses na sabi ng matanda.
"You don't have to thank me mr. Sullivan, being with your daughter all those times was something I should be thankful for, pasensya na ho kayo kung nag alala kayo sa kanya sa mga panahong yon, pero huwag ho kayong mag alala she was well taken cared of during those times, until what happened last week dahil wala ako sa tabi nya." Sabi ni Lucien na bakas ang lungkot sa mga mata.
"At hindi na ho ako magpa paligoy-ligoy pa, gusto ko hong malaman nyo na mahal ko ang anak nyo at mahalaga sya sakin, sa buhay namin ng anak ko. Dangan nga lang at magulo pa ang buhay ko ngayon." Dagdag nyang tumitig ng tuwid sa mga mata ng matanda na halatang pinipigil ang emosyon.
"Anong ibig mong sabihin mr. Cortez?" Tanong nya kay Lucien.
"Ayoko hong mag sinungaling, kasal ako sa iba at may anak kami, pero mahal ko ho ang anak nyo at sa oras na maka laya ako sa kasal ko, gusto ko syang maging akin." Deretsang sagot ni Lucien sa matanda.
"Mali ba akong isiping may na mamagitan sa inyo ng anak ko?" Deretsahan at nag tatagis ang mga bagang na tanong ng matanda.
"Mahal ko ang anak nyo, mali man ang naging relasyon naming dalawa, pero walang mali sa pag mamahal ko." Puno ng determinasyon at katapatang sagot nya,
"Magulo ho ang isip nya ngayon at ayaw nya kong nasa tabi nya, at kung pwede ho sana kung ano mang matuklasan nyong dahilan kung bakit sya nandito ay wag nyo syang saktan, she had suffered enough, hinihingi ko ho ang pang unawa nyo at hinihiling ko hong sana alagaan nyong mabuti si Margareth habang inaayos ko ang buhay ko at gusto ko pong malaman nyong kahit saan kayo mag tago, hahanapin at hahanapin ko sya oras na pag pasyahan nyang pag taguan ako." Dagdag nyang may pag susumamo sa tinig pero may bakas rin ng pag babanta.
Lalong nag tagis ang mga bagang ni Fausto pero hindi sya nag salita, na natili lang syang naka titig kay Lucien at pilit kinakalma ang sarili. Sa likod ng isip nya ay gusto nyang durugin sa suntok ang mukha ng lalaking ito, gayon pa man ay pinipigil ng katotohanang ito ang dahilan kung bakit buhay pa ang anak nya.
"Wag ho kayong mag alala hindi ko sya guguluhan hanggat hindi maayos ang buhay ko, pangako ho yan at tumutupad ho ako sa pangako. At para naman ho sa may gawa nito, wag ho kayong mag alala under custody na ho ang may sala at tinitiyak ko hong mag babayad sya ng mahal." Sabi pa ni Lucien na nag tagis ang mga ngipin, saka dinukot ang wallet sa bulsa at nag labas ng isang tarheta at ini abot sa matanda.
"Kung may kailangan ho kayo, maliit man o malaki, wag ho kayong mag da dalawang isip na tumawag." Aniya pag ka abot ng tarheta sa walang imik na matanda saka walang paalam at walang lingon likod at mabigat ang dibdib na nag lakad palayo. Ayaw nyang lumingon dahil oras na gawin nya baka hindi nya mapigil ang sarili at maglakad sya pa balik at hindi na sya umalis kahit na ayaw pa syang manatili doon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
HUWAD (EDITING)
RomanceDalawang babae ang umibig at nag hangad sa iisang lalaki, ang isay pinakasalan at ang isay patuloy na umiibig at nag hahangad. Sa mundong punong -puno ng mga taong ganid at maka salapi, masaktan na ang masaktan at masagasaan na ang masagasaan. Sa...