BAGO pa man dumating ang teacher namin sa first class na si Ms. Love, umalis na agad kami ni Lei sa room gamit ang back door ng classroom. Tinanong pa kami ni Vash, isa sa mga kaklase ko, kung saan kami pupunta pero hindi ko na nasabi pa sa kaniya ang sagot dahil sa nagmamadali kami na baka kami mahuli. Minutes nalang kasi at magsisimula narin ang klase, means baka dumating na anytime si Ms. Love.
"I hate what's she's teaching. Masyadong nakakasabog ng utak. Do I care on living organisms and shit?" inis na sabi ni Lei patungkol sa subject namin kay Ms. Love na Biology. Mas mahal pa niya ang Basic Math kaysa roon.
"Dude, chill. Subject lang 'yon." medyo natatawa-tawa kong sabi. Tumahimik naman na siya habang nagte-text sa kaniyang iphone.
Paisa-isa nalang ang studyanteng nadadaanan namin dito sa malawak na hallway ng first building ng school namin. Our school named Valencia Private High School. It consists of two big buildings at nasa main building kami, nasa right side if nakaharap ka sa kalsada papasok ng school. Hindi naman kalakihan ang school namin dahil para lang ito sa mga pamilya na nakatira rito sa town ng Valentia.
Isang lalaking tumatakbo ang mabilis na dumaan sa harapan namin dahilan para masanggi niya si Lei. Tumalsik ang iphone ni Lei at lumanding iyon sa lapag.
"Are you seriou - hoy!" pagtawag niya sa lalaking nakabunggo sa kaniya. Hindi manlang lumingon sa amin ang lalaki para mag-sorry. Ni hindi nga niya yata napansin na nakabunggo pala siya.
"Why everyone such an ass? Latest iphone pa naman 'to."
Nagkibit-balikat na lamang ako sa sinabi ni Lei. I don't know either. Kinuha ni Lei ang phone niya sa lapag at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. But then suddenly... she came on my sight. The girl who kept visiting in my dreams. Nakalugay ang curly dark brown niyang buhok na hanggang balikat lang niya. Tulad ng uniform ni Lei, planstadong planstado iyon at wala ni duming makikita roon. May hawak siyang libro na sinulat ni Rachelle Dekker na may pamagat na The Calling at isang History book ng town namin na sobrang kapal. I don't know pero pag nakikita ko siya, auto scan ang mata ko.
Nagtagpo ang paningin naming dalawa at bigla na lamang bumagal ang paglalakad na ginagawa ko. Inalis ko ang paningin ko sa mga mata niya at bumaba iyon sa kaniyang kamay kung saan niya hawak ang novel na The Calling. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kamay niyang kulang ng isang daliri, itinago niya iyon sa kaniyang likuran at mabilis na naglakad papalayo sa amin ni Lei.
"So weird." bulong ni Lei. Hindi ko alam na napansin niya rin pala si Amalie. Gusto ko sana siyang ipagtanggol laban sa sinabi ni Lei pero wala akong mahagilap na isang salita. Tama naman kasi si Lei. She's... weird.
I don't know why she kept on coming in my dreams. Ilang beses ko narin siyang napanaginipan at ang lahat ng panaginip na 'yon ay nakatungkol sa isang putol niyang daliri sa kaliwang kamay. Medyo naiirita na nga ako e. LI don't give a fck about her. Oo medyo cute siya pero I would never. Those dreams became my nightmare.
"I'm still wondering why her hand is missing a finger." bulong ni Lei sa sarili niya na halos hindi ko narinig kung 'di lang malakas ang pandinig ko. Ibinaba niya ang phone niya at isinuksok iyon sa school shorts. "Tuesday's coming. Gusto niyang pumunta tayo sa Valentia's."
Valentia's Ice Cream Parlor. Ang palagi naming tinatambayan lalo na kapag tapos ng klase.
"Lei! Majesty!"
I cringe when he called my full name. Halos kalalabas lang naming dalawa ni Lei ng main building nang makasalubong namin si Tuesday na galing naman sa second building na nasa left side. Pawisang pawisan siya kaya naman bakat na bakat ang pawis niya sa kaniyang school uniform na alam kong noong grade seven niya pa gamit. Grade ten na kami ngayong taon na ito.
"Musta." bati ko kay Tuesday nang makalapit siya sa amin. Sabay-sabay kaming naglakad paalis ng school.
Ipinaypay ni Tuesday ang itim na notebook na hawak niya sa kaniyang mukha na puno rin ng pawis. "Kailan kaya uulan?" sabi niya.
"Wala akong payong kaya h'wag mo nang hilingin pa." sabi ko naman. Walang guard ang school namin kaya naman malayang nakakalabas at pasok ang sinumang studyante rito. It's okay though.
"So... about Muggy..." panimula ni Tuesday. Alam kong si Muggy ang paguusapan namin ngayong oras ng pagka-cut namin ng klase kahit na ayaw ko. Sa grupo naming apat, noong nandito pa si Muggy, si Tuesday ang information ng samahan namin. Si Muggy naman ang banker dahil mayaman siya. Si Lei ang planner at ako naman ang... glue. Hmm, you know what I mean.
Ako ang tagapag-ugnay ng grupo namin. No matter what happens, even if our group have some war or whatever, kailangan naming hindi magwatak-watak. That is my place in our group.
But, things happened at ang pagiging glue ko ay naging isang walang kwentang bahagi ng samahan namin.
"What about her?" tanong ni Lei. Bakas sa boses niya ang inis. I understand na masakit padin ang loob niya.
"Let's find her." sabi ni Tuesday.
We all stop and look at each other.
BINABASA MO ANG
Lurkers
HorreurWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...