I can't sleep.
I roll on my bed to find the best position para makatulog ako. Isang oras na yata akong ganito. Nakahiga sa kama, nakapikit pero hindi makatulog. I open my eyes at una kong nakita sa loob ng kwarto ko ang kaunting liwanag na kulay dilaw na nanggagaling sa labas-sa street light. Tuwing six in the evening, binubuksan na lahat ang street light sa buong town.
That's why hindi na ako nag-open ng kahit na anong ilaw dito sa buong bahay. Ako lang mag-isa ngayon at doon daw si mom mago-overnight sa ospital like her usual routine. Halos 2 days lang kami nagkakasama rito sa bahay in a week. I don't have any problem to that.
I feel free when I'm alone. I am me when I'm alone.
After dad passed away, lumayo na ang loob ko kay mom. I can't seem to find the courage to open up about that to my friends so I keep it to myself. Pakiramdam ko nga, ang dami kong tinatago sa kanila samantalang sila, open na open sa akin. I feel guilty pero kapag dumadating sa point na gusto kong sabihin ang problema ko sa kanila, natatakot akong baka i-judge nila ako.
Dahil jina-judge ko si Muggy pero in reality, magkatulad lang kaming dalawa na ayaw sa magulang namin. Na para kaming hayop na hindi makaalis sa kulungan kapag kasama sila sa iisang bahay. Iyong kahit na anong gawin mong paga-adjust na makapalagayan sila ng loob, hindi talaga kaya. Bumabalik ang lahat sa kung anong mali—sa kung anong ginawa nila.
She pay our bills, food, expenses, so I'm still thankful. I talk to her and still respect her as my mom. I love her but I'm not the Majesty that she knows anymore.
Umalis ako sa bed at pumunta sa bintana. I grab my phone and small pillow and then I open the window and walk outside. I immediately felt the cold roof tile on my feet. Ito ang nagsisilbi kong hide-out minsan kapag midnight at hindi ako makatulog. Tumingin-tingin ako sa paligid at wala akong nakitang tao.
Peaceful.
Patag ang roof at hindi ito pa-slant. One thing din na nagustuhan ko rito sa bahay. Kinuha ko ang unan kong dala at humiga. I don't care if the roof is dusty, or the night's air is cold, I do this everytime.
I open my phone and the 11:33 PM flash in my eyes. I click the messenger app at nakita kong may unread message pala sa group chat namin. Nakita ko rin na online yung dalawa.
Lei the Great: jes absent nalang tayo bukas. Kakatamad e
I chuckled. Kung aabsent si Lei, aabsent nalang din ako. Anong gagawin ko sa klase kung wala si Lei? Ayokong maiwan kasama ang kaklase kong mga itlog.
Majesty Your Highness: Gegege
Lei the Great: ❤️
Lei the Great: absent ka nalang din taba
Tuesday: inamo
Tuesday: di pede, mapapagaliyan ako.
Tuesday: mapapagalitan*
Lei the Great: isang araw lang naman e
Tuesday is typing...
Tuesday the Great: isang kondisyon
Lei the Great: nu yon?
Tuesday: pupunta tayo sa universe, maghahanap tayo ng clues sa creepy house
A cold shiver run down on the back of my head down to my tail bone. There's no way that I will go there! Hindi naman sa takot ako—well oo takot ako, pero kakaiba talaga ang bahay na iyon. I'm always sticking to a safe place kung saan hindi ako mapapahamak. Pero iyong bahay na yon? Pure threat. Kumbaga sa video games, den ng boss.
Lei the Great: pass. fcking creepy
Tuesday: duwag ka lang
Lei the Great: nah boi
Lei the Great: baka trespassing tayo don
Tuesday: tingin nyo may pake pa ang police don? abandoned house yun
Lei the Great: kaya nga inabanduna kasi may something e, tapos pupuntahan natin?
Tuesday: this is for Muggy
Tuesday: she's our friend. We don't abandon a friend
Lei the Great: what a cliché, sya nga tong umalis
Tuesday: pero kailangan natin siyang mahanap.
Lei the Great: ok ok
Tuesday: Majesty?
Napabuntong-hininga ako. Tama si Tuesday. This is for Muggy. Kung si Muggy inabanduna kami, hindi namin gagawin iyon sa kaniya. I'm sure she has reasons kaya siya nawala o umalis.
"Gusto mo?"
"Kung ayaw mo, akin na."
"Gusto ko."
"Alam kong ayaw mo niyan."
I can't help but to smile when I remember our moment doon sa playground. I want to see her again. I know that she's alive, I just know it. I need to be brave if I want to see her again.
I replied see you tomorrow to our group chat and I turn my phone off after. I close my eyes and I think of Muggy.
BINABASA MO ANG
Lurkers
TerrorWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...