CHAPTER 1: DISSAPEARANCE

355 26 2
                                    

    MABIGAT ang parehas na talukap ng mga mata ko habang naglalakad ako sa Galaxy street kung saan nakalokasyon ang high school na pinapasukan ko. Mayroon pa akong ten minutes na paglalakad bago ako makarating sa school kung saan nasa dulo ng street na ito.

Isang mahabang paghikab ang kumawala sa bibig ko. Pangdalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos. Dahilan iyon ng misteryong pagkawala ni Muggy last Sunday. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta o kung ano ang nangyari sa kaniya.

Sumulyap ako sa wristwatch ko at nakita ko ang Wednesday na nasa tabi ng nagbi-blink na oras. Mukhang male-late na naman ako.

Isang bulletin board ang madadaanan ko at parang naging magnet ang mga mata kong napatingin doon. Nakita ko ang mukha ng kaibigan ko na nakaplaster sa di ko mabilang na dami ng papel. Ang iba nga ay nahulog na at naapakan ng mga dumadaan. Isang seryosong mukha ni Muggy ang napili ng Town Authority na gawing missing poster.

This is really happening. She really disapperead that night. Nilampasan ko ang town bulletin namin na karaniwan ay nakadikit ang mga daily news tungkol sa iba't ibang bagay. I never thought na ang isa sa kaibigan ko ay magiging balita sa buong town namin.

Nag beep! ang phone na nakalagay sa school shorts ko kaya naman kinuha ko iyon agad. Binuksan ko ang message na galing kay mama.

Mama: Sorry honey for not taking you to school. Go home straight after your class end. Huwag ka nang pumunta pa kung saan-saan. Love you Jes.

I let out a sigh after kong mabasa ang text. Bago ako umalis ng bahay, ilang beses siyang humingi ng sorry sa akin dahil sa hindi niya ako maihahatid sa school. It's okay though. I can handle myself. I'm eighteen-okay, seventeen.

Simula noong mawala si Muggy, naging isang parang epidemya ang pagiging praning ng lahat ng mga magulang sa town na ito. Iyong ibang magulang na buong buhay nila'y wala silang naging pakialam sa anak nila, bigla nalang nagkaroon ngayon. Hindi ko alam kung magic ba ang naging pagkawala ni Muggy or kung mabuti ba yon para naman makaramdam kami sa mga magulang namin na mahal pa nila kami.

"Yow, Jes!"

Nadinig ko ang boses ni Lei (Ley) kaya naman tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakita ko siya sa kabilang kalsada ng street. Gaya ng nakaugalian, kitang-kita mo kung gaano siya kalinis lalo na sa uniform na suot niya hanggang sa black shoes niyang wanted yata ang gabok. May kasabay siyang isang lalaki na sa mukha ko lang nakikilala. May sinabi siya sa kasama niya bago siya tumawid ng kalsada at sabayan ako sa paglalakad.

"You should not leave him like that dude," sabi ko kay Lei gamit ang naglolokong boses. "that's called abandonment." sabi ko pa.

Napatawa si Lei pero pansin ko sa mga maya niya na malungkot siya. Alam kong iisa lang ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito.

"Abandonment... like how Muggy did to us."

"Hindi bagay sa 'yo mag-english." pagbibiro ko at pagsasawalang-bahala sa sinabi niya tungkol kay Muggy. Kung maaari, gusto ko munang kalimutan ang nangyari.

"She left us." bulong ni Lei.

"Hindi."

"She left us with some mental-lunatic guy she's always talking about."

"Grabe ka sa lunatic." I sigh. "Alam mo naman na hindi tayo iiwan nalang basta ni Muggy para run lang."

"Well she just did. She dissapeared. She left."

And just like that. Iniwanan ako ni Lei at naglakad ng mabilis.

Bakit ba parang kasalanan ko?


  TUESDAY morning nang malaman ng halos buong town ang naging pagkawala ng nag-iisang anak ni Mr. Mark Helms. Noong monday kasi, akala namin na absent lang siya.

Kilala ang pamilya ni Muggy dahil sa pagiging mayaman nila rito sa lugar namin. Ang ibig kong sabihin sa 'mayaman' ay literal na mayaman. Like... a royal-kind of rich. Pero ang masakit lang na katotohanan ay hindi talaga sila mismo concern sa pagkawala ni Muggy; iyon ay dahil sa apat na rason.

Una, ayaw sa tao ni Muggy Helms. Siguro lilipas ang buong taon na kami lang tatlo na kaibigan niya ang kakausapin niya. Pangalawa, hindi sila close ng dad niya. Pangatlo, natural na taga-gawa siya ng gulo lalo na rito sa school. At pang-apat, alam ng lahat na... suicidal siya.

Kaya sa tingin ko, at sa tingin din ng dalawa ko pang kaibigan, hindi talaga malungkot o concern ang mga tao rito sa pagkawala ni Muggy. We know what they're thinking. That someone like Muggy is just a waste of this town— a waste of their precious time. Kaya kahit alalahanin manlang nila si Muggy, hindi nila magawa. Idinaan nalang ng Town Authority ang concern nila sa paggagawa ng missing poster ng kaibigan namin na idinikit nila sa lugar na hindi naman makikita ng madaming tao.

Naunang nakarating si Lei sa room ng first subject namin. Unfortunately, magkatabi kami kaya hindi niya ako puwedeng hindi imikan. Nang makaupo ako sa upuan ko sa second row, tiningnan niya ako at binigyan ng isang shy-smile. Napabuntong hininga na lamang ako.

Inalis ko ang bag ko sa aking likuran at ipinatong iyon sa aking arm chair.

"Hey, Jes." tawag sa akin ni Lei. I look at him.

"Tuesday sent me a text. Wala siyang pasok ng first class."

Alam ko na itong sinasabi niya. At gusto ko ring magcutting ng class ngayon.

"Let's go somewhere." sabi ko.

LurkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon