CHAPTER 13: HIDE

103 9 0
                                    

     LUMABAS kaming tatlo ng kwartong iyon at nagtago sa katapat na kwarto na bakante. Sinaraduhan namin ang pinto ng mahina at ni-lock iyon.

Maya maya, nakarinig na kami nang mga yabag na umaakyat ng hagdan. Madami ang mga yabag at nag-uusap ang mga taong iyon. Sa pagkakadinig ko, mga babae sila.

"Buksan mo para marinig natin."

"Oo nga."

"Gago baka makita tayo rito!" mahina kong sabi.

"Hindi 'yan. Papakinggan lang natin." sabi ni Lei.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto nang mapapayag nila ako. Maliit lang ang kawang na halos nakasara parin. Kapag talaga nahuli kami rito, babanatan ko sila parehas.

"D'yan na kayo sa labas. Ang sabi ni freak, kailangan daw mag-isa lang sa loob 'yung mag-aalay."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Dinig na dinig namin ang sinabi ng babae. Sumarado ang pinto sa kabila. Alay? So, tama si Tuesday sa naisip niya na alay ang mga bagay na nasa lapag ng kabilang kwarto.

Nagkatinginan kaming tatlo. This is so fucked up. Kanino naman sila nag-aalay? Hide-out ba ng kulto ang bahay na ito?

"Tama ako, nag-aalay nga sila." bulong ni Tuesday. Agad ko siyang pinatahimik dahil baka marinig kami rito na nagtatago.

"So, nag-alay din si Muggy?" pabulong na tanong ni Lei.

"Mamaya na tayo mag-usap." sabi ko. Pinanlisikan ko sila ng mata kaya naman agad silang tumango at tumahimik.

"Anong i-wiwish mo?" tanong ng babaeng nasa labas. Kausap niya yata ang kasama niya. Hindi ko alam kung ilan sila dahil kapag sumilip kami, talagang makikita kami rito.

"Sana makapasa ako sa finals." sagot naman ng babae. Tumawa ito ng bahagya na parang nahihiya.

"Ako, ang iwi-wish ko, sana maging crush din ako ni Majesty."

Nagulat ako sa sinabi ng babae. Ako ba ang pinaguusapan nila?

"Iyong nasa star section?"

"Oo. 'Yung moreno na gwapo na matangkad."

"Ah oo! Alam mo bang crush din ni Emily 'yon?"

Mas nagulat ako sa narinig. Si Emily, iyong kaklase kong nakasalubong ko noong nakaraan?

"Talaga? My God, lahat nalang."

Napahagikhik si Lei sa tabi ko kaya naman binatukan ko siya. Yumuko siya at pigil-pigil ang tawa. Ako lang naman ang Majesty na nasa star section sa school kaya for sure, ako ang tinutukoy nila.

"Narinig mo ba 'yon?" tanong ng babae sa labas.

Shit! Naghanap agad si Tuesday nang matataguan pero walang gamit dito kung 'di kama at mga cabinet. Yumuko siya para magtago sa kama pero dahil mataba siya, hindi siya nagkasya. Napamura siya ng mahina. Si Lei naman, mas lalong nagpigil ng tawa.

"Alin?" tanong ng babae sa labas.

"Parang may nadinig ako dito sa kabilang kwarto." sabi ng babae.

Patay talaga kami kapag nakita kami rito!

"Anong ginagawa niyo? Tara na."

Narinig kong bumukas ang pinto kung saan pumasok kanina yung kasama nilang babae. Nag-usap pa sila ng kaunti at umalis nadin agad.

Pinagpagan ko ang short ko dahil hindi ko namalayan na napaupo na pala ako kanina sa maruming sahig.

"Grabe, muntik na tayo ro'n!" sabi ni Lei.

Napatawa nalang ako sa sinapit namin. Kahit na ganito kami, na parang hindi seryoso sa buhay namin... seryoso naman kami pagdating sa pagkakaibigan. Kahit na humantong na kami sa ganito. Wherever you are Muggy, we will find you.

We will find a way.

LurkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon