NAKARATING na kaming tatlo sa universe street. Kakaiba talaga ang aura kapag tumatapak ka na rito sa street na ito. Kaya walang may gustong magbahay dito e. Pinakahuling street kasi ito sa buong town. Hindi masyadong napupuntahan ng mga tao at madaming sabi-sabi na delikado raw mag-isa rito kasi puwede kang ma-salvage. Well, iyon ang chismis ng matatanda para sa aming mga teenager dito despite of the low rates of crime here. Panakot lang kumbaga.
Kaunti lang ang may bahay rito at malayo pa sa isa't isa. Kung may bahay man, parang walang tao. Sarado ang mga bintana.
"Creepy talaga rito." sabi ni Lei. Lumilingon-lingon siya na para bang naghahanap ng tao. Kami lang ang tao rito ngayon. Tumigil kami sandali sa tapat mahogany tree at sumilong.
"Saan nga 'yun?" nagpalinga-linga rin si Tuesday. Hinahanap niya iyong hunted house I mean, abandoned house.
Ako, hindi ko alam kung nasaan at hindi ko rin talaga gustong malaman. Kung hindi lang talaga dahil kay Muggy, hindi mo ako mapapapunta rito.
Halos thirty minutes na pala kaming naglalakad at hindi pa namin nakikita iyong bahay.
"Malapit na tayo." sabi ni Lei. Pinakita niya sa amin ang phone niya. Nakaopen doon ang isang app kung saan makikita ang map ng town. "Google earth. Kalma, ako lang 'to." nakangisi niyang sabi.
Naglakad na ulit kaming tatlo habang sinusubaybayan naman ni Lei ang phone niya. Maya-maya, natanaw na namin ang bahay na hinahanap namin. Nasa pinakadulo talaga siya ng universe street at iyon lang ang bahay na nandoon. Sa pinakadulo ng road, mga talahib na at gubat.
"That's the house!" sinaway ko si Tuesday nang ituro niya ang kamay niya sa bahay.
"Huy 'wag kang magtuturo gago." sabi ko. Na-realized naman ni Tuesday ang ginawa niya kaya nag-sorry siya.
"Grabe ang creepy." sabi ni Lei.
Tumigil kami sa mismong harap ng bahay ng abandunadong bahay. Nanindig ang mga balahibo ko sa braso habang tinitingnan ang bahay.
Tuyo na ang bermuda grass sa yard at ang mga halaman sa gilid at sa mga nasa paso ay patay nadin. Lubak lubak na ang pintura ng white gate sa harapan at napansin ko na bukas iyon. Kita ang buong kabuuan ng bahay mula rito sa labas. Two story ito at gawa sa kahoy at samento. Sobrang luma na nito pati narin ang style ng bahay. Parang bahay pa ng mga lolo at lola. Walang balcony sa ibaba ng bahay at terrace na karaniwang mayroon sa mga bahay. Mga bintana lang ang nakikita namin at pinaka entrance na pintuan papasok ng bahay. Napansin ko na iyong ilan sa mga bintana ay basag na.
Napakuno't ang noo ko nang mapansin ko na parang may nakasilip na mukha sa isa sa mga basag na bintana. Grabe ang kaba ko at tibok ng puso.
Tumingin ako kina Lei at Tuesday. "B-Boi may n-nakasilip." sabi ko. Itinuro ko agad ang bintana sa second floor pero nang tingnan ko iyon ay wala na roong nakasilip.
"Tangina mo, nananakot ka pa!" mura sa akin ni Lei.
Tiningnan ko pa ang ibang mga bintana na basag pero wala na roon ang nakita ko. Nagdedelusyon lang siguro ako dahil natatakot ako. Tama, imahinasyon ko lang iyon. Imposible namang may tao sa loob.
"Tangina 'di talaga ako papasok dyan!" ramdam ko sa boses ni Lei na takot din siya gaya ko. Sino ba namang hindi matatakot sa ganitong itsura ng bahay. Para talaga itong hunted. Naisip ko si Muggy at napatanong sa sarili, pumasok ka ba talaga d'yan?
"We need to find clues. Baka ito ang hili niyang pinuntahan." sabi ni Tuesday. Hindi siya takot at para bang interesadong interesado pa siya. Tuesday, wala tayo sa school.
Tumabi sa akin si Lei at inakbayan ako. "Boi, 'di ba hihintayin nalang natin si Tuesday dito sa labas? 'Di ba?"
Tumango-tango ako at parehas kaming tumingin kay Tuesday.
"Mga duwag ampotek." tumatawa nitong sabi. "Tirik na tirik ang araw, ano ba kayo?"
Tumingin ako sa langit at inisip na walang mangyayaring masama. Kumalma ako dahil doon at lumakas ang loob. Hangga't kasama namin si Tuesday, matapang ako. Siya ang unang kukuhanin ng multo habang kami ni Lei ay tumatakas. Tama, tama.
Nauna nang naglakad si Tuesday patungo sa gate kaya naman sumunod agad ako sa kaniya. Narinig ko si Lei sa likod namin na minumura kami.
"Papatayin ko talaga kayo kapag namatay ako rito." sabi niya.
Hindi tumunog ang gate nang buksan namin iyon. Officially trespassing na ito pero para kay Muggy, gagawin namin. Sana lang talaga huwag magpatrol ang town authority ngayong oras na ito dahil kapag nakita nila kami rito, talagang dadalhin nila kami sa police station. Thinking of it makes my heart beat double. Ayokong maging issue sa buong town pati narin sa school.
Nakita ko ang mga vandal sa iba't ibang bahagi ng pader ng bakuran at bahay. May mga mura ang iba at iyong iba naman ay drawing. Napako ang paningin ko sa isang malaking vandal na kulay pula na nasa pader ng bahay.
WITCH
"Grabe, may nag-vandal nadin pala rito. It means, hindi lang talaga tayo ang pumupunta rito." sabi ni Tuesday.
Sinundan naming dalwa ni Lei si Tuesday papunta sa main door. Pinihit iyon ni Tuesday at nanlaki ang mata niya nang malamang bukas iyon.
"Lucky." sabi ni Tuesday. Dahan dahan itong pumasok sa loob at hindi na kami hinintay dalawa.
Nagkatinginan kami ni Lei, "Lucky ang potek." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Lurkers
HorrorWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...