NINE in the morning nang umalis ako sa bahay. Hindi na ako nakapagpaalam dahil tulog si mom galing sa kaniyang nightshift work. Sometimes, I pity her for working so much for the both of us. She's giving me too much allowance and I save almost half of it everytime. Siguro, doon nalang siya bumabawi sa lahat ng oras na hindi niya maibigay sa akin.
I look up in the sky and I smile when I saw the beauty of it. Cumulus clouds. Fluffy like a cotton balls. I remember studying it and I'm proud knowing it. I laugh on how silly I am.
I'm a nature lover kaya naman kahit small things lang about the nature, it makes me so happy. I think the clouds make my day already. The sun is bright pero hindi ito masakit sa balat. Bagay na bagay ang friday sa araw na ito.
I look at my brown arms and I feel the sun light creeping inside it-giving me the nutrients that my body needs.
I don't bother to wear our school uniform dahil hindi naman kita ni mom na umalis ako. And I think, okay lang sa kaniya na umabsent ako paminsan-minsan. She's not strict and she gives me my time because she always said that I'm the owner of it. She also said na I need to make sure na hindi ko napapabayaan ang academics dahil para rin ito sa future ko. I agree. Kahit na ganito ako, I'm still in the top 10 in the whole grade ten classes.
Unfortunately, hanggang grade ten lang ang kayang i-commodate ng school namin kaya sa next year lilipat na kami ng school for the year grade eleven and twelve. Sana magkakasama parin kami.
Nalungkot ako nang ma-realize kong kapag hindi namin nahanap si Muggy o kapag hindi na siya bumalik, then watak na talaga kami officially. This friendship of ours means a lot to me.
Nakita ko si Tuesday na kakalabas lang sa Neptune street kung saan siya nakatira. Magkasing kulay lang kami, kayumanggi. May katabaan nga lang siya at may buhaghag na buhok na akala mo laging may bahid ng oil. Minsan na aamoy ko iyon at hindi ko gusto ang amoy. Pero mahal na mahal ko si Tuesday.
Napalingon si Tuesday at kumaway siya agad sa ere nang makita niya ako. Kumaway din ako pabalik. Binilisan ko ang lakad para makarating agad sa kaniya.
"Wow, napakagood boy talaga!" asar ko dahil naka-uniform siya. Tumigil din ako agad sa pang-aasar nang mapansin na nahihiya siya. Nagkakamot siya ng ulo at hindi makatingin sa akin. Alam kong ayaw niyang madissapoint ang mama niya dahil katulad ko at ni Muggy, nag-iisa narin ang magulang niya.
Mahirap ang buhay ni Tuesday pero ni minsan hindi namin siya jinudge about it. Open din siya sa amin sa lahat ng bagay at minsan, nanghihiram talaga siya ng pera kapag kapos na kapos sila. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nag-iipon ako ng madami, para kapag nangailangan siya, may maiibigay ako agad.
Limang magkakapatid sina Tuesday at siya ang panganay. I think, ang bunso ay 4 or 5 years old. Mama nalang niya ang natira sa kanila kaya doble kayod talaga ito para sa kanila. Mabuti nga pinapayagan pa si Tuesday na umalis ng bahay at minsan ay magovernight sa amin o kina Lei. Mabait naman si Mrs. Rosie at binibigyan din naman niya ng kalayaan si Tuesday. Pero minsan talaga, kailangang unahin ang pamilya.
"Nakakaguilty magsinungaling. Kawawa si mama." malungkot na sabi ni Tuesday.
Tinapik ko siya sa malaman niyang balikat, "Hayaan mo na, kasali ka pa naman sa top 5 pagbalik natin sa monday." sabi ko. Umaasa na sana hindi na siya maguilty. Naaawa rin talaga ko rito kay Tuesday e. Hindi na nakakapagtaka na mas kapalagayan siya ni Muggy ng loob.
"Para kay Muggy naman 'to." sabi niya.
"Oo, para kay Muggy." sabi ko.
Magkaakbay kaming naglakad ni Tuesday sa ilalim ng tirik na araw. May pailan-ilan na tao na naglalakad sa iba't ibang bahagi ng daan. Iyong iba ay kakilala ko at iyong iba naman ay hindi.
Iba't ibang estado ang nakatira rito sa town. Mahirap, mayaman, may kaya, o 'di kaya naman ay nangungupahan. Isa sina Tuesday sa nangungupahan. Alam kong mabigat ang upa dahil maganda ang town na ito at low risk sa krimen. Matagal na naming property ang bahay namin kaya expenses nalang talaga ang need na i-budget. Hindi gaya nina Tuesday na kailangang magbayad monthly, I think.
Sa di kalayuan sa kanto ng Venus street, nakita namin si Lei na nakabike. Gamit niya ang paborito niyang road bike na pure black. Tumigil siya nang makita niya kami. Nakasuot siya ng red na short sleeves polo at brown shorts. May kumikinang na relo sa left wrist at nakasapatos siya ng black converse chuck. Dala dala niya ang super rich na ambiance. Taob na taob ang pabango ko nang maamoy namin iyon parehas ni Tuesday. Humangin kasi ng malakas.
"Kaibigan ba talaga natin 'yan?" tanong ni Tuesday habang nakaturo ng bahagya sa direksyon ni Lei. Halos kuminang-kinang na parang diamond ang maputing balat ni Lei dahil sa araw. Umiling-iling ako. Alam ko Tuesday, alam ko.
Nang makarating kami ni Tuesday sa tapat ni Lei, nai-lock na niya ang bike niya sa metal pipe ng bike parking sa tabi ng daan. Naglakad na kaming tatlo papunta sa Universe street after that.
Pinagpag-pagpag ni Lei ang damit niya dahil sa init kaya amoy na amoy namin ang pabango niya. Minsan talaga nakakahili itong si Lei e. Napakaperfect. Mayaman, good looking, mayroong white glowing skin at iba pa na wala kami ni Tuesday.
"Inang 'yan, paka init!" mura ni Lei. Binabawi ko na pala. Curse factory nga pala ang bibig niyan.
"Kaibigan nga natin." bulong sa akin ni Tuesday.
Napangiti ako. I love this two so much. May sari-sarili man kaming problema, kapag nagkasama na kami, nawawala iyon at napapalitan ng saya. Kung mawawala pa ang isa sa kanila, baka hindi ko na makaya. Kailangan naming mahanap si Muggy at maibalik siya rito sa Valentia.
BINABASA MO ANG
Lurkers
TerrorWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...