FLASHBACK
I headed towards Muggy at umupo ako sa bakanteng swing sa tabi niya. I really love to be near her because I always feel that I'm not alone, that she's always there for me—like this.
Muggy have this brown almost hazel eyes na namana niya kay Mr. Helms. They almost have the same eyes pero mas lighter ang kay Muggy. Nakita ko na kasi sa picture si Mr. Helms but not in person. Ang mga mata ni Muggy ang pinaka nagustuhan ko sa kaniya. She have short brown hair and fair skin. Not brown, not white. She always wore fake eyelashes and eyeliner that suits very well on her. Her lips were small and always in colored gloss, I think.
I glanced at her at pansin kong malalim ang iniisip niya. I also notice her eyes na parang kakaiyak lang. I feel bad to myself to be happy na makasama siya samantalagang siya, malungkot. I bet nag-away na naman sila ng dad niya.
May kinuha si Muggy sa bulsa ng black niyang hoody at nakita kong mint iyon. "Gusto mo?" alok niya. Kinuha ko ang candy sa palad niya at isinuksok iyon sa pants ko. Napatawa si Muggy ng bahagya at tinulak ako sa balikat.
"Kung ayaw mo akin na."
"Gusto ko."
"Alam kong ayaw mo niyan."
"Gusto ko nga." giit ko.
Naalala ko ang drawer ko sa kwarto kung saan ko nilalagay ang mga candy na inaalok ni Muggy sa akin. I don't mind having a collection of different candies if galing naman iyon sa kaniya. I want to remember every single moment with her kaya hindi ko kinakain ang mga candies na iyon.
"Busy pala si Tuesday kaya ako ang tinawagan mo." pagsisimula ko ng usapan.
Napakunot ang noo niya at tumingin sa akin, "Idiot, syempre gusto rin kitang makita."
I fight the urge to smile dahil baka mahalata niya. "Bakit ka nga pala absent no'ng Friday?" tanong ko.
"Ayun, nag-away na naman kami ni daddy." may bahid ng pagod sa boses ni Muggy na para bang sawa na siya sa palagi nilang pag-aaway.
I really feel her kasi madalas din kaming magkaroon ng away ni mom. Minsan humahantong talaga sa hindi namin pag-uusap ng ilang linggo. Minsan nga gusto ko nalang siyang awayin para hindi kami magkausap. Less usap, less problem. But nowadays, maayos naman kaming dalawa.
"Lilipas din 'yan." sabi ko.
"Kung nandito lang sana si mommy, hindi sana ako ganito." umatras siya ng kaunti at nag-swing. Nanatili akong nakahinto at nakaupo lang. Matagal ng patay ang mom ni Muggy. Hindi namin alam kung anong dahilan dahil kapag tinatanong namin iyon sa kaniya, nag-iiba ang mood niya.
"Mabait ba ang mom mo?" tanong ko. Alam kong babaguhin niya ang usapan pero bahagya akong nagulat nang sagutin niya ako.
"Sobrang bait. Maganda, matalino, maasikaso... mapagmahal." tumigil siya sa pagswi-swing at nakita ko sa mukha niya na inaalala niya ang nakaraan niya sa mom niya. I like this part of Muggy na sweet. Ang mukha niya kasi sa public ay parang symbol of death. Ganoon siya lagi kaseryoso. Kung hindi ko siguro siya kaibigan at nakita ko siya ng first time, baka matakot ako.
"Kabaligtaran mo pala." biro ko sa kaniya. Agad niya akong sinabunutan kaya napasigaw ako ng kaunti.
"Aray! A-Aray!"
"Idiot."
"Joke lang e. Alam mo dapat palagi kang nakangiti na parang kagaya niyan." tinuro ko ang mukha niya na malapad na nakangiti. Agad na sumeryoso ang mukha niya at ngumuso. Sana pala hindi ko nalang sinabi.
"Alam mo Jes, kapag pinakita mo sa tao na friendly ka, masayahin, o mabait, aabusuhin ka nila." sabi niya. May halong pagmamalaki ang boses niya na para bang alam niya na tamang tama siya. Which is I really admit na tama naman talaga.
"Tingnan mo 'ko, walang nagkakamali na kausapin ako. Good for me dahil ayaw ko ng istorbo." she said, proud.
"Pero palagi mo kaming tinatawagan para may kasama ka." I said while laughing. It's too late to notice what I've just said. I immediately look at Muggy na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Oh shit, I should've chose my words right.
"Muggy I'm sor—"
Itinaas niya ang isa niyang kamay. "No, you're right. Palagi nga akong tumatawag sa inyo 'pag may kailangan ako. Don't worry, I think this will be the last time." she said. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Una na ko." she left after she said that.
Fck you Majesty. I said to myself.
BINABASA MO ANG
Lurkers
HorrorWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...