CHAPTER 3: VALENTIA'S ICE CREAM PARLOR

248 24 1
                                    

   NINE na ng umaga nang makarating kaming tatlo nina Lei sa Valentia's Ice Cream Parlor na madalas din naming pagtambayan lalo na kapag weekends o 'di ka nama'y mayroon kaming dapat gawin na project o group project. Si Tuesday lang ang naiba ng section sa amin; 'di gaya naming dalawa ni Lei na magkaklase na simula pa noong grade seven. Pero kahit na ganoon, kahit na hindi namin kaklase si Tuesday, pantay-pantay ang tingin at pakikitungo namin sa lahat. Minsan nga hinahanap namin si Tuesday para magpatulong ng mga assignments.

Walang ibang customer dito sa Valentia's kung 'di kami lang tatlo.

"Same old flavor?" tanong ni Tuesday na nanguna na mismo sa counter ng parlor na hindi hinihintay ang sagot namin. Nagkatinginan tuloy kami ni Lei at bahagyang napatawa. Kahit kailan talaga, nauuna ang gutom ni Tuesday sa lahat.

Binati kami ni Linda, ang crew ang nag-iisang ice cream parlor sa town namin na halos dayuhin ng kasunod naming town dahil sa kakaiba nitong sarap. Si Linda na ang vendor na humawak dito magsimula pa noong ipinatayo ito ng may-ari ng Valencia's Ice Cream Parlor na hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala.

"Hey, Linda." bati ni Lei sa kaniya. Ngumiti lang ako bilang pagbati.

"Alam niyong tatlo na masama ang magcutting classes; pero ginagawa niyo parin." may halong pagtawa ang boses ni Linda nang sabihin niya iyon sa amin. Ilang beses nadin kaming nag-cutting classes at madalas na rito sa Valentia's pumupunta pero ni isa sa mga kaganapang iyon, ay hindi nakaabot sa mga magulang namin. Si Linda 'yung tipong mapapagkatiwalaan namin kahit na hindi namin siya ganoong kakilala.

Nagsiupuan kaming tatlo sa mga upuang nasa harapan ng counter. Though, I can't be still when I'm sitting. I'm more comfortable when standing. Pero I remain seated. Umorder na silang lahat ng paborito nilang flavor at ako nalang pala ang wala pa.

"Huy, Majesty." pagtawag sa akin ni Tuesday. Inilibot ko ang paningin sa mga ice-cream flavors na nasa itaas ng counter. My mind is occupied with Muggy's memory kaya hirap akong makapagdesisyon ng kahit na anong bagay. Flavor na nga lang ng icecream hindi ko pa kayang magdecide agad.

Then I remember Muggy's favorite ice cream.

"Strawberry nalang po. Ah, with kisses chocolate."

"Oh, your friend's favorite." patungkol ni Linda kay Muggy. Nakangiti si Linda nang sabihin niya iyon pero agad ding nawala ang ngiting iyon nang ma-realize niya na nagluluksa parin kaming lahat na mga kaibigan ni Muggy sa pagkawala niya. Erase the luksa, I mean malungkot.

Sinimulan na nina Lei at Tuesday ang pagkain sa kani-kanilang ice-cream dahil sila rin ang unang sinerve-an ni Linda.

"Kung nasaan man siya, I know she's okay." nakatingin sa akin si Lina when she said that. Napatingin ako sa dalawa kong kasama na tahimik lang na kumakain habang pasimpleng nakikinig ng sinasabi sa akin ni Linda. I don't know why she addressed me the lost of our friend Muggy, at hindi sa amin mismong tatlo nina Lei. Siguro dahil nadin sa kami laging dalawa ni Muggy ang madalas na magkasama kapag pumupunta kami rito sa Valentia's.

"Thanks, Linda." I answered sincerely. Kinuha ko ang strawberry ice-cream na iniabot niya sa akin. Bahagyang napataas ang puwetan ko sa pagkakaupo pero pinigilan ko ang sarili kong maging malikot. I don't want my physical flaw get the best of me.

After makuha ni Linda ang nilagay naming pera sa money plater, umalis na siya at pumunta sa back kitchen kaya nagkaroon kami ng pagkakataong tatlo nina Lei na magkatinginan at mag-usap. I don't know but I feel so heavy in here.

"Why don't we ask her a question if she sees Muggy last Sunday?" Tuesday asks. Sumubo ako ng isang kutsarang strawberry ice-cream mula sa aking bowl. Madalian kong nilunok ang ice-cream nang hindi iyon nilalasahan. I hate strawberry. I just want to remember Muggy again.

"Para saan pa? Seventeen na si Muggy guys, she's on the right mind to go away." sabat naman ni Lei. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw na ayaw niya ang ideyang hanapin namin si Muggy. Maybe because he's the least close to her.

"To go away from what? Why did she want to go away?" banat naman ni Tuesday. Napatingin ako sa bowl niyang wala nang laman bukod sa kaunting melted vanilla ice-cream. Pasimple niyang kinuhanan ang bowl ko gamit ang kutsara niya.

"How can I know? You're more than close to her." inis na sagot ni Lei.

"So, nagseselos ka lang kaya ka ganiyan?" may bahid ng kaunting pangungutya ang boses ni Tuesday dahilan para mamula ang dalawang tainga ni Lei dahil sa inis. Magsasalita na sana ako para awatin silang dalawa nang bigla nalang magsalita si Linda na nasa harapan na pala ng counter ulit.

"Tungkol sa kaibigan niyo..." panimula niya. Suddenly, the airconditioned room became hot in my feeling. Otomatiko akong napadukot sa bulsa ng aking school pants at kinuha roon ang panyo kong galing pa kay Dad noong kasama ko pa siya. Iwinakli ko ang memorya ni Dad sa isipan ko dahil hindi ito ang tamang oras para alalahanin siya. I fight the urge to just stand and don't sit.

"What about her?" ako na ang nagtanong. Natuon ang atensyon ng dalawang nag-aaway kay Linda.

"Last Sunday, nag-overtime ang parlor hanggang seven thirty pm. Past seven, bumili pa sa akin ang kaibigan niyo ng paborito niyang ice-cream."

Mas lalong naging mainit ang pakiramdam ko. Umalis ako sa pagkakaupo at pinili na lamang tumayo habang hawak hawak padin ang bowl ng strawberry ice-cream na inorder ko.

"Seven in the evening..." bulong ni Tuesday sa sarili niya habang nag-iisip nang malalim.

"Did she say something to you or may kausap ba siya sa phone niya? Is she okay that time or crying?"

"Lei." pagpapatigil ko kay Lei sa marami niyang tanong. Agad naman siyang nag-sorry.

"Linda, last Sunday din nawala si Muggy at hanggang ngayon wala parin kaming balita sa kaniya." sabi ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya na parang alam niya na kailangan namin ng impormasyon. Hindi ko alam kung nabanggit niya ba ang impormasyong mayroon siya sa Town's Authority. Afterall, ayaw din ng Town's Authority na mangialam kaming mga kaibigan ni Muggy sa naging pagkawala niya. Wala raw kaming magagawa.

"As usual nung binati ko siya hindi niya ako kinibo. Pero—"

Well, typical Muggy. Don't like people. Naghintay kami ng kasunod na sasabihin ni Linda pero para siyang naging bato na hindi nalang umimik. Lampas ang tingin niya sa amin kaya naman lumingon ako sa likuran namin para tingnan kung anong nakakuha ng atensyon niya.

Oh, there he is.

Chief Dayholt. Kung may lalaking version ng schoolmate naming si Amalie yun ay si Chief Dayholt. My second nightmare is just outside, looking directly at us.

LurkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon