"MAJESTY, Tuesday!" bati sa amin ni Mrs. Violet. I literally hugged the old lady nang salubungin niya kaming tatlo sa main door ng mansion na bahay nina Lei. Sa bahay nina Lei kami dumiretso after seeing Chief Dayholt doon sa Valentia's Ice-Cream Parlor. Kailangan muna naming magpalamig pagkatapos naming mag-apoy kanina.
Mrs. Violet isn't Lei's mom. Siya ang head maid ng mansion nina Lei. Yes, you heard me right. Mansion. Kung si Mr. Helms ang pinakamayaman sa buong town namin, hindi naman papahuli sina Lei. They're not competing pagdating sa pagiging mayaman pero it's just the way it is. Kapag naisip mo kung gaano kayaman sina Muggy, sunod mong maiisip automatically ang pamilya ni Lei. Just like that.
"Ngayon nalang ulit kayo napadalaw."
Napakamot ako sa ulo ko. "Oo nga po e." sagot ko kay Mrs. Violet. Nauna nang tumaas sa pangalawang palapag sina Lei at Tuesday. Palagi nalang bang ako ang maiiwan para gumawa ng excuse?
Hinagod ko ng tingin ang receiving area ng mansyon nina Lei. Damn, kung ganito siguro ang tinitirhan ko, hindi na ako aalis pa ng bahay. I can even die here smiling. And my last words would be, "i shall be back here with my new soul". Just kidding, pinaka huli kong decision ang mamatay.
Kumikinang na chandelier ang bubungad sa iyo kapag pumasok ka ng mansion. Laging nakabukas ang ilaw niyon kahit na umaga. Ni hindi ko pa nga yata nakikitang nakapatay ang ilaw nito. Katapat ng main door ang malaking hagdanan papuntang itaas. That big stair consist of two ways, right and left, at sa left matatagpuan ang kwarto ni Lei. Sa right yata yung mga entertainment rooms.
"Tapos na ba ang klase niyo, hijo?"
Ngumiti ako ng pilit kay Mrs. Violet at tumango, "Opo. May pina-take home quiz lang po. Dito nalang po namin gagawin."
"Si Tuesday, wala naring klase?"
Oh shoot, muntik ko nang makalimutang hindi nga pala namin kaklase si Tuesday.
"Ma, stop making lot of questions! Jes, taas ka na."
Parehas kaming napalingon ni Mrs. Violet sa itaas ng hagdanan kung saan nandoon si Lei. Nakasimangot siya at halatang halatang bored. Ngumiti ako kay Mrs. Violet bago ko siya iwanan at sundan si Lei papaitaas ng hagdanan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha ng paulit-ulit kapag nandito ako sa itaas. Once you got here at the second floor, may receiving area rin sila rito na may full set ng cream color sofa at malaking wall bookshelf na puno ng libro. Kailangan mong gumamit ng hagdan kung gusto mong basahin yung mga librong nasa itaas. Novels, history, autobiographies mostly ang mga books.
Factory man ng mga mura ang bibig ni Lei, I'm proud to say na halos half siguro ng mga books na nasa shelf ay kaniya. Me? I don't even have a single damn book.
May malalaking painting na nakasabit sa bawat wall dito sa taas. Landscapes rito sa Valentia's ang karamihan sa mga nasa paintings. Iyong iba namang hindi landspaces ay vintage house. Pinakapaborito ko sa lahat ng mga paintings ay iyong painting ng Valentia's small lake na located sa huling street ng town na ito. Nakasabit ang painting ng lake malapit sa pader ng kwarto ni Lei. Nauna nang pumasok si Lei sa kwarto niya, kung saan nandoon nadin sa loob si Tuesday, pero nanatili akong nakatayo sa harapan ng painting.
Hinawakan ko ang painting. Ramdam ko ang gaspang niyon sa hintututo ko. Gustong-gusto ko ang painting na ito dahil gayang-gaya nito ang totoong lake ng Valentia. Pero wala akong ibang nakikita sa painting na ito kung 'di lungkot. Purong lungkot na para bang ginawa ito ng paintor habang umiiyak siya. Bumaba ang tingin ko sa painting at binasa ko ang signature ng gumawa nito.
"Ardeur." bigkas ko.
"Pinagsasasabi mo dyan?"
Napabuga ako ng hangin nang magulat ako sa biglaang pagsasalita ni Lei. Sinabi ko sa kaniya na wala lang at pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto niya.
Normal na kwarto lang ng isang lalaki ang ambiance ng kwarto ni Lei. Kung mala-palasyo ang ambiance sa receiving areas sa labas, iba rito sa loob. Isa ito sa nagustuhan naming dalawa ni Tuesday kay Lei. 'Yung pagiging realistiko niya sa mga bagay-bagay even the way he lives.
Lei doesn't like the idea of him being rich. Hindi siya iyong tipong ipangangalandakan niya sa ibang tao na mayaman siya. One time, someone asks Lei's surname and he said he's from Simon family. It's my damn surname, not his. Kaya lang naman ayaw ni Lei ng pagiging mayaman niya ay dahil doon nawalan ng oras sa kaniya ang mom at dad niya. Nawalan ng oras ang mga magulang niya dahil sa pagpapayaman. Not knowing they lost their true wealth-their son. Pero alam ko namang gumagawa sila ng paraan para makasama nila si Lei. They want Lei to go with them sa main city which is never yatang gagawin ni Lei.
I never met Lei's parents ever since na naging magkaibigan kami. Wala ka ring makikitang kahit na isang picture nila rito sa mansyon. Even sa phone ni Lei, wala. I convinced Lei one time na sumama siya for vacation sa mama niya sa main city para naman magkaoras silang tatlo ng dad niya. That one time became a history of war for us. Hindi ko na ulit siya kukumbinsihin tungkol sa bagay na iyon.
"Kung gusto natin siyang hanapin, kailangan natin ng plano." panimula ni Lei. Nakahilata na siya sa ibaba ng double deck habang si Lei naman ay nasa King size bed niya na left wing ng kwarto. This double deck belongs to us ni Tuesday at Muggy kapag nagi-sleep over kami rito. Ako sa itaas at si Muggy at Tuesday naman sa ibaba. Sa aming tatlo, kay Tuesday pinaka-close si Muggy. Minsan, bro ang tawag ni Muggy sa kaniya.
Umakyat ako sa itaas ng deck at doon umupo. Ibinitang ko muna ang bag ko. Hinayaan kong nakasabit ang paa ko sa labas ng deck na agad namang hinila ni Tuesday na nasa ibaba kaya napasigaw ako.
"Yung paa ko hoy! Kapag ako nahulog dito tingnan mo!" sigaw ko habang mahigpit na nakakapit sa railing ng deck. Agad namang binitawan naman ni Tuesday ang binti ko.
"What if we make a website? The headline would be 'HELP US LOOK OUR FRIEND'." sabi ni Lei.
"The Authority will be on our neck." sabi ko.
"Tama si Jes. Hindi tayo titigilan ng Authority. Ayaw nga nilang makialam tayo 'di ba?" sabi ni Tuesday sa ibaba ko. Humiga ako sa deck at ipinikit ang mga mata ko.
"Mabilis nalang madiscover ngayon ang web kung sino ang gumawa. Mate-trace rin nila tayo." sabi ko.
"They believe Muggy runaway kaya gayon nalang 'yung pagbabalewala nila sa kaso. Ayaw nilang maging big fuss 'to. Gusto nila, masaya, tahimik, at isang ligtas na town. You know what happened to Valentia nang malaman nila na nawala ang anak ni Mr. Helms. Sobrang nabahala ang pamilya ng mga nakatira rito sa 'tin."
Tuesday's right. Pati si mom sobrang naging over protective sa akin kahit na hindi naman siya ganoon dati. Ewan ba pero parang naghihintay ang town ng lecture tapos kaming mga anak yung mga studyante.
"Ayaw ng Authority 'yung ideya na may nangyayaring masama rito sa Valentia. So pinitik nila ang kaso ni Muggy na parang isang butil ng kanin na nalaglag sa malinis nilang uniporme."
What a speech Tuesday.
"Tangina! Agh, tangina talaga nila!" malakas na sigaw ni Lei. Natatakot akong baka marinig kami ni Mrs. Violet dito.
There's no way na maglayas si Muggy kahit na sobrang ayaw niya sa poder ng dad niya. Hindi siya iyong tipong iiwan nalang kami ng walang sinasabi. Kahit nga kay Tuesday, hindi nagpaalam si Muggy.
"Jes. Alam naming ikaw ang huling nakasama ni Muggy sa ating tatlo noong sunday."
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at bumaba sa deck. Naglakad ako ng naglakad sa loob ng kwarto ni Lei habang nakahawak sa ulo ko. Parehas silang nakatingin sa akin.
Am I going to tell them?
BINABASA MO ANG
Lurkers
HororWhen Muggy mysteriously dissapeared three days ago without a trace, the people of the small town, Valentia, got petrified. The people of the town, even the Town Authority don't have a clue on what happened to her. But Muggy's friends do. Majesty, Tu...