CHAPTER 4: LITTLE WAR

193 19 3
                                        

   CHIEF Price Dayholt. Pangalan palang mabango na at bigatin. Siya ang head of police ng town authority. Kasalukuyan siyang nakatingin sa amin mula sa labas.

"Shit! What is he doing here?" bakas ang pagiging histerikal sa boses ni Lei. Sa aming tatlo, siya lagi ang nagmumura. Ewan ba, mula siya sa pinakamayaman na pamilya sa buong Valentia pero bakit ganoon.

"Pakay niya talaga tayo." sabi naman ni Tuesday. Inilapag ko ang ice-cream bowl ko sa counter at tinitigang maigi si Linda. I badly want to know the missing piece of her sentence earlier.

"Please, Linda. We need to know. Anong napansin mo kay Muggy last Sunday?" pagpupumilit ko. Pero nanatiling nakapako ang paningin ni Linda sa labas ng parlor. Hindi ko alam kung crush niya ba si Chief Dayholt dahil halos mag puso yung mga mata niya o takot lang siya sa taong iyon tulad din namin. I don't even care. I just want answers.

Bumukas ang glass door ng Valentia's at otomatikong napaharap kaming tatlo nina Lei kay Chief Dayholt na kakapasok lang ng parlor. Naka-complete police uniform siya kahit saan man siya magpunta. I never saw him wearing a casual shirt and jeans or shorts na karaniwan mong makikita sa mga tao rito sa Valentia. All black ang uniform color ng town's authority dito sa Valentia. Sobrang nakaka-intimidate ang aura nila.

"Shit shit shit shit." Nadinig ko ang mahinang mga mura ni Lei habang naglalakad papalapit sa amin si Chief Dayholt. Suot-suot niya ang ekspresyong akala mo'y laging galit at tututukan ka ng baril anomang oras. I step one backward nang makalapit siya sa mismong harapan ko. Medyo may katangkaran ako kaya taas noo ko siyang hinarap. Hindi ko alam kung anong gusto niya sa amin, at kung bakit ayaw na ayaw niya kaming tumulong sa paglutas sa kaso ni Muggy.
Palagi lang sinasabi ng Town's Authority na wala raw kaming magagawa lalo na't menor de edad palang kami at kasalukuyang nag-aaral pa. Ituon nalang daw namin ang atensyon namin sa school. Fucking shit, we're not twelve. We're not babies.

"Oh, C-Chief! Maga-ice-cream po pala kayo. Hehe." natatarantang sabi ni Tuesday. Pasimple niyang pinahid ang pawisan niyang noo gamit ang kaniyang braso. Imbis na bumati ang police officer sa amin bilang tugon, pinanliitan niya kami ng mata isa-isa. Pagkatapos niya kaming hagudin ng tingin, kinausap niya sa Linda na nasa counter na at sinabing kailangan niya kaming makausap na tatlo na kami lang. Agad namang nawala si Linda na parang bula. Ni hindi ko nakuha ang gusto niyang sabihin kanina. Kung hindi lang sana dumating ang tao na 'to.

"As long as I can remember, you three, have classes in this exact hour." itinaas ni Chief Dayholt ang kaniyang kanang braso kung saan nakalagay ang kaniyang wrist watch.

At paano naman niya nalaman na may klase kami ng ganitong oras?

"As long as I—we can remember, wala kayong karapatang manghimasok sa kung ano bang ginagawa namin." mapait na sagot ni Lei. Gusto kong sapakin si Lei kaso siguro mamaya nalang.

"May progress na po ba ang kaso ni Muggy?" pagtatanong ko.

Bumuga ng hangin si chief Dayholt at umiling. "Wala parin kaming lead sa pagkawala ni Muggy Helms." sagot niya. Masama ang tingin niya kay Lei.

"Akala nyo ba nakalimutan na namin 'yung ginawa niyo sa'min sa police station? Marahas niyo kaming pinagtabuyan at sinabing wala kaming magagawang aksyon para kay Muggy. And now..." tumawa ng mapait si Lei at humarap kay chief Dayholt, "now, you're telling us na wala parin kayong lead na para bang bigla nalang kaming kasali sa laro?"

I saw chief Dayholt hand's touch his gun on his belt. I step one forward at tumayo sa harapan ng dalawa kong kaibigan. Lei's triggering chief Dayholt at hindi ito maganda. Alam kong maikli lang ang pasensya niya. I just know.

Hindi ko na kakayanin pag nawalan pa ako ng isang kaibigan.

"T-Thank you for the information, sir." sabi ko nang nakatungo.

"Ano, Jes? Thank you?" halos sumigaw na si Lei. Nakita ko mula sa aking peripheral view na kinabig ni Tuesday ang braso ni Lei para patahimikin ito.

"Muggy... she's our best friend. And we lost her. It's not our fault kung gusto man naming tumulong sa paghahanap sa kaniya," My heart's beating so fast na halos hindi na ako makahinga nang maayos. Parang bigla ko nalang gustong maupo. "but you are right. The Authority's right. We're just minors at kapulisan kayo. Kung hindi kayo makahanap ng lead kay Muggy... paano pa kami?"

Rinig ko ang mahinang pagmura ni Lei sa likuran ko. Nilunok ko ang mabahong salitang sinabi ko.

"Thank you, Majesty."

"You're welcome, chief. Sa inyo po namin ibinibigay ang tiwala namin na makikita niyo si Muggy. M-Mauna na po kami." hindi ko na hinintay pa ang magiging reply ni chief at naglakad na papalampas sa kaniya. Sumunod sa akin sina Lei papalabas ng Valentia.

"Ang gago mo, Majesty! What was that? Ano, nag-utak itlog ka narin tulad nila?" agad akong minura ni Lei pagkalabas na pagkalabas namin ng Valentia. Mabibilis ang lakad naming tatlo papalayo sa store. Naglakad ako papunta sa Venus St. habang sinusundan naman nila akong dalawa.

"Stop it, dude!" pananaway ni Tuesday.

"Hoy Majesty! Ano 'yon, ha? Ulitin mo nga 'yung sinabi mo 'run sa gagong pulis na 'yon!"

Mas binilisan ko pa ang lakad. I don't have an idea kung saan kami papunta pero gusto ko lang maglakad nang maglakad. Hindi ko meant ang sinabi ko kay chief kanina. Sa puso ko, hindi ko kailanman sila papasalamatan sa ginawa nilang pantataboy sa amin doon sa police station.

"Majesty!" may humigit sa braso ko kaya naman napaharap ako sa kanilang dalawa.

"I don't want to see you guys bleeding on the floor! Sa tingin mo ba Lei, hindi ka niya kayang barilin kanina dahil sa pinagsasabi mo? Kahit pamilya mo pa ang pinakamayaman dito, wala silang sinasanto." I shouted at his face. Napatungo si Tuesday, inihilamos niya ang kaniyang palad sa mukha niya at tumalikod sa amin ni Lei.

"Head ng police 'yung sinabihan mo ng ganoon. Head ng police ng town natin. Hindi lang siya basta tao na makikita mo rito sa tabi-tabi. Have some manners. I didn't mean what I said earlier, okay?" unti-unting bumagal ang matinding bilis ng puso ko kanina. Naging okay na ulit ang paghinga ko nang mailabas ko ang mga salitang iyon. We're like this when we're fighting.

"Sorry, Jes. 'Di ko lang talaga mapigilan dugo ko kanina.

Hinigit ko ang balikat ni lei at niyakap siya ng bahagya. Tinapik naman niya ako sa likod pagkatapos.

"Sorry din." sabi ko.

Natigilan kaming dalawa nang may madinig kaming umiiyak. Nang tingnan namin si Tuesday, nagpapahid na siya ng luha niya sa mukha gamit ang palad niya. Takot siguro siya na pati kaming tatlong lalaki magkahiwa-hiwalay. Takot din ako.

Napatawa nang malakas si Lei at agad niyang niyakap nang mahigpit si Tuesday.

"Gagong 'to, umiyak na naman. 'Pag nakita ka ni Lucy, aakalain nun na bakla ka!" pagbibiro ni Lei. Si Lucy kasi ang ultimate crush ni Tuesday simula noong grade seven palang kami hanggang ngayong grade ten na kami. Mahal na nga niya yata si Lucy na kapitbahay lang namin.

"May klase 'yun, cutting naman tayo." sagot ni Tuesday. Hindi na siya umiiyak ngayon. "Kung hindi nawala si Muggy... hindi naman tayo ganito. Nasaan na ba kasi siya?"

If only I can have the answer, Tuesday.

LurkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon