CHAPTER 12: OFFERINGS

125 9 0
                                    

    WHEN Lei and I got inside the house, I immediately felt that something is wrong. Like really wrong.

Pagpasok naming tatlo mula sa main door, tumambad agad sa amin ang isang malungkot na bahay. Kulob ang hangin sa loob na para bang hindi ito nakakalabas. Sinarado namin ang pinto dahil baka may makakita sa labas na nakabukas ito.

Makalat sa loob ng bahay kaya napagtanto namin na nalooban na ito ng mga taong nauna sa amin na pumunta rito. Hindi ko maisip kung bakit ginagawa nila ang mga ganitong bagay. Iyong pagaadventure sa mga abandoned places. I don't find it interesting. Lalo na ang pagnanakaw.

Kung hindi lang talaga para kay Muggy, wala kami rito. Kaya pasensya na talaga sa may-ari ng bahay na ito, kailangan lang naming maghanap ng kasagutan sa mga tanong namin. Baka sa bahay na ito, may mahahanap kami.

Pagpasok mo ng bahay, may isang malawak na reception area na may napakalaking cream colored sofa. Siguro twelve seater yun sa sobrang laki. Basag ang table na nakapalibot sa sofa at nagkalat ang bubog sa sahig.

Maingat kaming naglakad sa white tiled floor ng bahay. Marumi na ang tiles dahil nadin siguro sa madaming pumupunta rito. Napansin namin na halos kakaunti na ang mga gamit sa bahay na para bang ninakaw na ng mga taong nagtrespass dito.

Gaya ng sala, malaki rin ang kusina na nasa left wing ng bahay. Madaming basag basag na plates at nagkalat ang mga utensils doon. Katabi ng kusina ang hagdan na papunta sa itaas ng bahay.

"Grabe, sayang naman 'tong bahay na 'to. Bakit kaya umalis ang may-ari nito?" tanong ni Tuesday. Bakas sa mukha niya ang panghihinayang habang tinitingnan ang mga silver utensils na nagkalat sa kitchen counter. Nakabukas din ang ilan sa mga wall cabinet na nasa itaas ng sink.

Sa totoo lang nanghihinayang din ako. Kung may ganito kaming klase ng bahay, aalagaan namin nang maayos. Maliit ang bahay namin kumpara rito na halos double size. Lalo na iyong bahay ni Tuesday na halos kasing laki lang ng first floor nitong bahay.

Nakita ko si Lei na nasa harap ng bookshelves na nasa tabi ng sala. Madaming libro roon na para bang hindi naibo magmula pa noong iwanan ito ng may-ari. Sino ba namang magiinteres sa mga libro?

Nilapitan ko si Lei, "Even Dogs In The Wild by Ian Rankins." basa ko sa title ng librong hawak niya.

"Maganda 'tong book na 'to." sabi ni Lei.

"Gago balik mo 'yan." saway ko sa kaniya kaya naman binalik agad niya ang libro kung saan niya iyon kinuha. Naglakad kami papunta kay Tuesday na ngayo'y ine-examine ang loob ng ref. Takaw talaga.

"Tangina, gutom ka na naman?" kantyaw ni Lei na ikinatawa ko. Minura kami ni Tuesday at sinabing hinaan namin ang boses namin.

"Tara sa taas."

Sumunod kaming dalawa kay Tuesday at sabay sabay kaming tumaas papunta sa second floor. When we got upstairs, a big painting in the wall caught our eyes. It's a painting of a lady wearing a elegant green fitted dress. It suits very well on her curved body. Her pose is very well mannered. Seryoso ang mukha ng babae at mukhang nasa 40s na ito. Siya siguro ang may-ari ng bahay.

Napalunok ako ng laway dahil nai-intimidate ako sa tingin niya. I look away to the painting at sumunod kina Lei at Tuesday na pumasok sa unang room sa right side.

Maaliwalas ang kwartong pinasukan namin. Wala itong gamit kundi ang kama lang at ang cabinet. Pumunta kami sa ibang kwarto at kagaya ng naunang room, wala rin itong mga gamit. Nang pasukan namin ang pinakahuling room, nagulat kami sa nakita namin.

"What the fuck?" Lei said.

"What is this?" sabi naman ni Tuesday. Yumuko ito at may kinuha sa mga bagay na nasa lapag.

Walang kagamit-gamit rito sa kwartong ito pwera nalang sa napakadaming bagay na nasa malawak na lapag ng kwarto. May sealed foods, closed gifts, letters, at kung ano ano pa. Literal na mga regalo na ibibigay mo sa special na tao. Pero bakit may mga ganito rito sa isang bahay na abandunado? Walang bintana sa kwartong ito at halos masuffocate ako dahil sa kawalan ng hangin. Parang masusuka ako.

"The fuck is this things?" sabi ni Lei.

"Parang alay ang mga 'to." sabi naman ni Tuesday habang tinitingnan ang letter na nasa kamay niya. Nakaribbon ito at naka-candle sealed pa. Unfortunately, walang nakalagay na sulat sa labas niyon kaya wala kaming mabasa, hindi rin namin puwedeng buksan iyon. I don't dare na humawak sa kahit isang nasa lapag. So damn creepy.

"Tingnan niyo 'yung nasa harapan." itinuro ni Tuesday ang isa niyang kamay at tumingin naman kami roon. Gago talaga ito e, turo ng turo ampota.

Medyo malayo ito kaya pumunta kami sa harapan. Dahan dahan kami sa paghakbang dahil napakarami talagang mga bagay ang nasa lapag. Nanlaki ang mga mata ko at nandiri pagkakita ko sa cutting board na may bahid ng dugo. May kutsilyo sa tabi niyon na mukhang matalas.

"What the fuck!" sabi ni Lei. Nagtago siya sa likuran ko.

"Is this blood?" tanong ni Tuesday habang maiging tinitingnan ang cutting board. Halos idikit niya ang daliri niya roon.

"Hoy huwag mong hawakan 'yan!" saway ko na agad naman niyang sinunod.

Grabe sa lakas ang tibok ng puso ko. Ito siguro iyong nararamdaman ko pa kanina na unusual.

"Boi, tingnan niyo 'to."

Nilingon ko si Lei na nakayuko habang nakaturo sa bagay na nasa lapag. Bakit ba ang hihilig ng mga ito magtuturo?

Napatingin ako sa hindi kalakihan na brown bunny bear. Pamilyar ang stuff toy na iyon dahil iyon din ang binigay ko kay Muggy noong nagbirthday siya last year. Sobrang nagustuhan niya iyon kaya minsan, dinadala niya kapag nago-overnight kami kay Lei.

"Kay Muggy 'yan, ah?" lumapit agad sa amin si Tuesday. Kinuha niya ang bear at tiningnan.

Paanong nandito ang bear? So, pumunta talaga rito si Muggy. Pero nasaan na siya ngayon?

"Pumunta talaga siya —"

May nadinig kaming yabag sa labas ng kwarto kaya naman nagtinginan kaming tatlo.

"Tao ba 'yon o multo?" tanong ni Lei. Takot na takot ang ekspresyon  ng mukha niya. Nilagay niya ang dalawa niyang palad sa kaniyang bibig. Lumapit naman sa akin si Tuesday at nagtago sa likod ko.

Tao o multo, kailangan naming magtago!

LurkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon