Entry #56

411 16 2
                                    

Entry #56


Dear Diary,

Muntik na yata akong atakihin sa puso nang tumawag sa akin si Mama at sabihing na-aksidente si Kuya. I was about to sleep that night when she suddenly called and delivered the news. Halos magkandaugaga ako sa pagmamadali para puntahan ang ospital kung saan sinugod si Kuya. Ni hindi ko na nga nagawang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagmamadali. Wala akong paki kung pinagtitinginan na ako nu'ng mga kasakay ko sa jeep dahil sa get-up kong pantulog. Ang mahalaga ay malaman ko kung ligtas ba si Kuya.

Agad akong sinalubong ni Mama nang marating ang nasabing ospital.

"Kamusta si Kuya? Napa'no siya? Ayos lang ba siya?" naiiyak kong itinanong habang nasa labas kami nu'ng emergency room.

Hindi ko naiwasang mapatingin sa damit ni Mama. Her scrubsuit was covered in blood stains.

"He's in critical condition..." Mom answered.

"What happened?" was all I could say.

Biglang nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namuo. Kulang nalang ay sumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Naaksidente silang magbabarkada, 'nak. Lasing daw ang Kuya mo habang nagda-drive. Sumalpok ang sinasakyan nila sa isang 10 wheeler truck. Wasak na wasak 'yung kotse nila, 'nak. Dead on arrival 'yung isa nilang kasama. 50-50 naman ang Kuya mo..." she explained then she broke into tears.

Please tell me that this is just a dream...

Hindi ko kakayanin kung mawawala si Kuya.

Niyakap ko si Mama.

"He'll be okay. I know, kaya ni Kuya 'yan. Hindi basta-bastang sumusuko 'yan. Malakas yata 'yang si Zyrel, 'di ba, Ma?"

"Kung nakita mo lang kanina, 'nak. Ang dami nang dugo ang nawala sa kaniya. Ang sabi pa nu'ng doctor, baka ma-comatose siya at 'di na magising pa..." she cried as I tightened my hug.

"Hindi mangyayari 'yan, Ma. Hindi papayag si Kuya. Hindi niya tayo iiwan," nabubulol kong isinagot.

"May awa ang Diyos, 'nak. 'Di Niya tayo pababayaan."

Maya-maya ay dumating din si Papa.

"Anong nangyari? Kamusta si Zyrel?" ang bungad niya agad sa amin.

Nag-usap muna sila ni Mama habang ako naman ay umupo sa bench, at tumulala.

Hindi ko in-expect na mangyayari 'to. Sobrang nagulat talaga ako. Hindi ako makapaniwala na anytime at that moment, p'wedeng mawala ang Kuya ko. Parang kahapon lang nagmu-movie marathon pa kami at nagtatawanan tapos ngayon, biglang ganito? Kung alam ko lang sana na maa-aksidente siya e 'di sana hindi ko na siya pinayagang umalis at pumuntang bar.

Siya na nga lang ang kapatid ko, tapos kukunin pa? Hindi ko kakayanin.

Yumuko ako at taimtim na nagdasal.

Please, iligtas Niyo po si Kuya. Huwag Niyo po muna siyang kunin sa amin. Promise magpapakabait na po ako simula ngayon. 'Di na po ako magpapasaway. Mag-aaral na po akong mabuti. 'Di na po ako makikipag-away. Sorry po kung naging masamang anak ako. Alam ko naman pong marami akong pagkukulang. Pero gagawin ko po lahat para makabawi. Handa po akong gawin ang lahat, basta iligtas Niyo lang po si Kuya.

Buong magdamag kaming naghintay na matapos ang operasyon ni Kuya. Buong magdamag din akong nanalangin na sana ay maligtas siya. Salamat dahil dininig ng langit ang hiling ko.

Yes, the operation was successful.

But the downside is, he was in coma. Ayon sa doktor, kapag hindi siya nagising within three days, may possibility na hindi na siya magising habambuhay.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon