Entry #64

372 15 0
                                    

Entry #64


Dear Diary,

Dahil hindi ako makatulog, ikuk'wento ko nalang 'yung kasunod na nangyari kanina.

"Pa'no kung sabihin ko sa 'yong nagugustuhan na rin kita? Anong gagawin mo?"

Parang pansamantalang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang mga katagang iyan.

"H-Ha?" nanginginig kong sagot, "anong sinabi mo?" paninigurado ko.

Unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin, at kasabay nang paghinto ng ulan, bumitaw siya sa akin.

"Wala. Pasensya na sa inasal ko," ang sabi niya, "nilalamig ka na. Tara, iuuwi na kita."

Tangina.

Imagination ko lang ba ang lahat ng 'yun?

Tell me, Diary.

Sabihin mong imagination ko lang 'yun.

Sa tingin ko kasi, hindi.

At tangina, ayaw ko nang umasa pa sa wala.

Pero kahit ano pang pampalubag loob ang sabihin ko, alam kong totoo 'yun.

I knew it was real.

I heard it.

I fucking heard it all.

Tapos tangina, bigla niyang babawiin? Bigla niyang puputulin? Bigla nalang niya akong bibitinin?

Dahil ano? Dahil natatakot siya?

Duwag pala siya, e!

Wala siyang paninindigan.

Tulad ko, hindi niya magawang harapin ang mapait na katotohanan. Na nahuhulog na ako sa kaibigan ko.
Kailanman, hindi ko ito ginusto.

Oo na, kami na ang duwag.

Masisisi mo ba kami, Diary?

Hindi naman ganu'n kadali ang lahat. Hindi naman 'to isang telenobela kung saan may happy ending ang bawat isa.

Hindi ako kumibo. Gamit ang natitira kong lakas, malungkot kong binaybay ang daan pauwi.

Magkasabay naming tinahak ang landas na walang kasiguruhan, puno nang takot at pangamba sa hinaharap.
Hinayaan ko siyang maglakad katabi ko. Pareho kaming walang imik habang nakayuko at hindi makatingin sa isa't-isa.

Totoo pala talagang mahirap umibig sa isang kaibigan.

Mawawasak na nga ang puso mo, pati ba naman pagkakaibigan niyo?

Matapos ang ilang minutong paglalakad, sa wakas ay narating din namin ang bahay namin.

Salamat nalang talaga at gawa sa plastic itong bag ko kaya hindi nabasa ang aking minamahal na phone.

Binuksan ko ang gate at saka humarap sa aking kasama.

"Pasok ka. Magpatuyo ka na muna dito at baka sipunin ka pa, James," wika ko at saka ngumiti kahit gustong-gusto ko nang umiyak.

Ito ang gusto mo, hindi ba?

Sige, kalilimutan ko nalang ang sinabi mo.

Kalilimutan ko ang nangyari.

Kalilimutan ko na ring mahal kita.

Mula ngayon, kaibigan nalang kita.

Kaibigan nalang kita, kahit ang sakit-sakit na.

"Hindi na, Zy. Ayos lang ako," malungkot niyang sagot sabay tingin sa malayo, "uuwi na ako. Sorry sa nangyari."

Damn it.

Stop saying sorry, James.

Stop making me feel that loving you is such a crime.

Stop making feel this way.

At kahit na masakit, tulad nang nakagawian, ngumiti ako kahit hindi umabot sa mga mata ko ang saya.

"Ano ka ba. Wala 'yun," I told as I grabbed his arm and dragged him inside our house, "We're friends, right?"

"Yeah, just friends."

Ah, that was a hard blow.

Why so cruel, James?

"Right, kaya umupo ka na muna," wika ko sabay muestra sa sofa, "Malapit na ang pageant, bawal magkasakit. Dito ka na muna at magkape. Mag-shower ka na rin pagkatapos ko. Pahihiramin nalang kitang damit ni kuya para may pamalit ka."

Sakto namang biglang bumaba si Kuya sa hagdan.

"O, anyare? Ba't basang-basa kayo?" aniya sabay tabi kay James.

"Pasensya na, 'tol. Inabutan kaming ulan sa daan. Wala kaming dalang payong," ani James.

Nagawa niya pang makipagtawanan sa kuya ko na parang walang nangyari.

Tama.

Wala naman kasing nangyari.

"Sige, magsho-shower na muna ako," paalam ko.

Patakbo akong umakyat ng hagdan kasi hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko.

Pagdating sa banyo, wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak nang tahimik. Siguro, mga 30 minutes din ang lumipas bago ako natapos maligo. Pagkatapos ko, si James naman ang naligo.

"May problema ba kayo, Zyra?" bungad ni kuya pagdating ko sa living room. Nakabukas ang TV at kasalukuyan siyang nanonood ng isang movie about sa zombies.

"Ha? Problema? Wala naman," tanggi ko.

Bigla akong kinabahan. Pa'no niya nahalata? Mukha bang katatapos ko lang umiyak? Tiningnan ko sa salamin ang mukha ko bago lumabas ng banyo, hindi naman mapupula ang mga mata ko.

"Sigurado ka?" wika niya na may nalalaman pang pagtaas ng mga kilay.

I smiled briefly and said, "I'm perfectly fine, Kuya. Stop being such a worry-wart."

Matapos mag-shower ni James, nagkape muna kami habang nanonood ng movie na sinamahan ng kaunting chikahan. We talked about the upcoming pageant and programs. We talked about the photoshoot, about acads and everything under the sun.

We talked like nothing just happened.

And it hurts, seeing him act like everything's fine.

It hurts seeing him act like my feelings didn't matter at all.

It hurts pretending I'm just a friend.

It hurts being just friends with him.

My heart just broke as I bid him goodbye before he went home.

He didn't said anything.

He just smiled and with that, he was gone.

He was gone, but my feelings didn't fade away.

My foolish heart just can't stop loving him.

I'm such a fool, right, Diary?

- Zyra.

***

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon