Entry #58

478 19 5
                                    

Entry #58


Dear Diary,

Pangatlong araw na namin sa ospital nang biglang akong sugurin ni James dito sa silid ni Kuya. Katatapos lang naming mananghalian at hindi ko maiwasang mag-alala dahil hindi pa rin nagigising si Kuya. Kasi nga kapag hindi pa siya nagising ngayong araw, may chance na 'di na siya bumangon pa.

And that scares me.

Bigla akong naputol ang iniisip ko nang may nagsalita.

"Magandang hapon po!" bati ni James kay Mama, "James nga po pala. Kaibigan ni Zyra," pakilala niya. Nagkamayan pa silang dalawa ni Mama.

"Nice to meet you, hijo. Tawagin mo nalang akong Tita Lauren," ani Mama na sinamahan ng ngiti.

"Nice to meet you rin po," James replied the he looked at me, "p'wede ko ho bang mahiram si Zyra saglit? Mag-uusap lang po kami."

What? Is he asking me on a date?

Okay, h'wag assuming. Narinig mo naman, 'di ba? Gusto ka raw makausap, Zyra. Hindi date. Kaya maghunos-dili ka.

"Sige. Mag-iingat kayo. Huwag kayong papagabi," aniya sabay ngiti nang makahulugan sa akin.

Naalala ko iyong nangyari kahapon.

Shet. Ang awkward tuloy.

O ako lang 'to?

Malamang ako lang 'to. Ako lang naman 'yung nagbibigay ng malisya sa nangyari.

"Let's go, Zy?" James told with a smile.

Feeling ko namula ang buong mukha ko.

"A-Ano bang pag-uusapan n-natin?" Fudge Zyra! Bakit ka nauutal? Kalma, girl. Kalma!

"Just some things..." he answered.

"Sa'n tayo pupunta?"

"Malalaman mo rin mamaya. Basta sumunod ka nalang."

Nang malakabas kaming ospital, pumara siyang jeep papuntang bayan.

"Sakay na! Huwag kang mag-alala, libre ko na pamasahe," aniya.

"Oo na, eto na, sasakay na!" tapos inirapan ko siya.

"Galit ka pa rin ba? Sorry na! H'wag ka nang magselos!" nakangisi niyang sambit.

Aba't ang gago! Nagawa pa akong asarin!

"Che!" Hinampas ko siya sa braso bago kami sumakay ng jeep.

Tahimik lang kami buong biyahe. Hanggang sa pumara siya sa tapat ng sementeryo. Bumaba na kami pagkatapos at nagsimulang maglakad papasok sa nasabing lugar.

"Anong gagawin natin dito?" itinanong ko.

"May dadalawin lang ako."

Wait, parang nangyari na 'to, ah? Deja vu?

Maya-maya, tumigil siya sa harap ng isang puntod. Tumigil din ako sa paglalakad at pinagmasdan ang lapida nito.

Elaiza Faye J. Diaz

December 21, 19XX - February 17, 20XX

Rest in Peace

You are forever in our hearts.

"Who is she?" I asked absent-mindedly.

"She's my ex-girlfriend," he replied in a sad voice.

My jaw almost dropped.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon