Entry #2

2.4K 48 20
                                    

Entry #2

Dear Diary,

Two weeks na ang nakalilipas at hindi pa rin ina-accept ni Lloyd my loves ang friend request ko sa kaniya sa Facebook. Siguro ayaw niya akong maging friend…kasi gusto niya akong maging girlfriend! Ayaw niya na friends lang kami—gusto niya, more than friends! Tama! Gano’n na nga! Ang talino ko talaga! It makes sense naman, ‘di ba? And hindi niya pa rin ina-accept ang relationship request na ni-send ko sa kaniya. Siguro kasi hindi pa siya handa. Kasi gusto niya…liligawan muna niya ako bago maging kami officially, right? Ang gentleman lang nang dating! Gusto niya kasi, paghihirapan niya muna akong makuha bago kami magkatuluyan. Slowly but surely, ika nga. ‘Yan ang tunay na lalaki! Hindi talaga ako nagkamali nang pagpili sa kaniya.

Kyaa! Ayan tuloy, kinikilig na naman ako. Kainis nga lang kasi andaming babaeng umaaligid sa kaniya. Mga mahaharot! Akin lang si Lloyd my loves! Grrr! Well, I can’t blame him. Sad’yang g’wapo, mabait, matalino, sporty, talented and likeable lang talaga si Lloyd kaya gano’n. Natural lang na maraming nagkakagusto sa kaniya. Ang galing nga, eh! Andami niya na agad friends! ‘Yung mga siga slash pa-cool kong classmate na lalaki, ka-tropa niya na rin! Friendly and approachable talaga siya! Lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya! :”> Charotations!

Nakaka-bored makinig sa lecture kanina—lalo na nung Math ang subject! Kaya ang ginawa ko, nag-doodle lang ako ng kung-anu-ano sa likod ng notebook ko. Doodle ng anime, calligraphy ng pangalan ko at kung anu-ano pang chenes! Pati nga pangalan ni Lloyd, naisama ko pa! Lagi kasi siyang laman ng isipan ko kaya pati pangalan niya, naisusulat ko na sa papel nang walang kamalay-malay.

Sinulat ko ang buong pangalan ko na dinugsungan ng apelyido ni Lloyd my loves:

Zyra Lorraine Alonzo-Castillo

O ‘di ba! Bagay talaga! Nilagyan ko rin ng heart shape sa baba. Sabay sulat ng pangalan ni Lloyd sa baba ng heart shape kaya ganito ang kinalabasan:

Zyra Lorraine Alonzo-Castillo

<3

Lloyd Ysaac Elomina Castillo

Tapos may biglang umepal sa tabi ko.

“Crush mo si Lloyd?” tanong nitong katabi ko.

Tanda niyo pa ba ‘yung nakabangga ko nung first day of school? The not-so-cute nerdy guy? Siya ang katabi ko! ‘Di ko nga in-expect na magiging classmates kami kasi hindi ko naman siya kilala. Transferee rin kasi pala siya, gaya ni Lloyd. And worst, naging seatmates pa kami. Bakit kasi alphabetical ang seating arrangement?! Kainis! At sa lahat ng p’wedeng maging seatmate…bakit si James Russel Alvarez pa? Buti sana kung normal lang siya kaso he’s a nerd! So uncool! Hindi ko tuloy naging seatmate si Lloyd. </3 Sayang opportunity! Tsk!

“Paki mo ba? Mind your own business,” mataray kong sagot sa kaniya sabay irap. Ha! Ang ayaw ko sa lahat, chismoso! Ka-lalaking tao!

“Tsk! Sungit,” he muttered. And then itinuon niya nalang ang atensyon sa teacher naming nagle-lecture.

Sumapit ang uwian. S’yempre, tumayo agad ako at kaagad na lumabas ng classroom para maabutan si Lloyd. Balita ko kasi, sa iisang village lang kami nakatira kaya sasabay nalang ako sa kaniya sa pag-uwi.

“Lloyd! Sandali lang!” sigaw ko habang hinahabol siya.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kaya binilisan ko lalo ang pagtakbo.

“Lloyd! Saglit lang! Pasabay naman—” and poof! Bigla akong nadapa. Plakda! Lecheng bato ‘yan! Ngayon pa humarang sa daan!

Napaangat agad ang ulo ko nang may narinig akong tumatawa.

“Hahaha! Tatanga-tanga kasi! Weird na nga, lampa pa!”

Si Lloyd pala! Kyaa! Ang cute niya tumawa! Lalo siyang naging cool sa paningin ko! Na-i-in love na ata ako sa kaniya. Why so handsome?

First time ko lang siyang nakitang tumawa kaya napatulala ako. Napatawa ko siya. Napatawa ko siya! Ang galing mo talaga Zyra! You’re a genius! Ikaw na! Worth it ang effort ko! Kahit ang sakit ng tuhod ko, carry lang! Busog na naman ako sa tawa niya pa lang.

“Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinaraanan mo nang hindi ka mapahiya,” dagdag niya pa sabay ngisi. Saka siya tumalikod at naglakad palayo.

‘Yun na ata ang pinakamahaba niyang sinabi sa ‘kin! May bonus pang ngiti! Ang s’werte ko naman!

Masyado ata akong na-mesmerize sa kag’wapuhan ni Lloyd kaya hindi ko napansing may nakaharang na palang nilalang sa harapan ko. Si nerdy guy! Anong ginagawa niya rito?

“Ayos ka lang?” he asked sabay lahad ng kaniyang palad na wari ba’y tutulungan akong tumayo.

“I don’t need your help! Kaya p’wede ba, ‘wag kang epal!” I said sabay tayo at pagpag sa sarili. Hindi siya nakaimik kaya tumalikod na ako’t naglakad palayo. Ayan tuloy, nawala si my loves sa paningin ko! B’wisit talaga! Kainis! Humarang pa kasi ang nerd na ‘yun! Argh! ‘Di bale na. At least, napatawa ko si Lloyd. Achievement! Bukas nalang ako sasabay sa kaniya sa pag-uwi.

- Zyra

PS: Nga pala, may number na ako ni Lloyd my loves! Nakuha ko sa isa naming classmate. Makapag-unli na nga para mai-text ko na siya! Excited na ‘ko, kyaa! <3 <3 <3

***

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon