Entry #5

1.2K 31 8
                                    

Entry #5

Dear Diary,

Tatlong araw na ang nakalilipas at hindi ko pa rin naibibigay kay Lloyd ang love letter na ginawa ko. Hindi dahil sa nahihiya ako, natotorpe or what! Alam niyo namang makapal ang mukha k—este nag-uumapaw ako sa confidence, ‘di ba? Ganito kasi. Last Thursday, hindi ko pala nailagay sa bag iyong love letter kaya hindi ko naibigay sa kaniya. Then last Friday, absent naman si Lloyd kaya hindi ko na naman naibigay. Dumaan ang Saturday and Sunday pero hindi ko pa rin naibigay sa kaniya kasi nga, hindi naman kami nagkita dahil walang pasok every weekends. Buti sana kung alam ko ang address ng bahay nila. Tss! That gave me an idea! Mai-research nga ang address nila para alam ko na sa susunod. Stalker ang peg—este admirer pala dapat ang tawag sa ‘kin kasi maganda ako. Chos!

Kaya naman kanina, habang nasa cafeteria ako…sinamantala ko ang pagkakataon upang maisakatuparan ang aking not-so-hidden agenda. Pagkatapos kumain ng lunch, bago pa makaalis si Lloyd ay agad ko siyang nilapitan. Kasama niya ang kaniyang mga ka-tropang sila Harold, Klein at Oliver na panay mga kaklase ko rin.

“Lloyd!” I called. Kaagad naman siyang napatigil sa paglalakad at napalingon sa ‘kin. Pati mga kabarkada niya, napatingin din sa ‘kin. Ang ganda ko kasi. All eyes were looking at me. Inggit na inggit siguro ang fan girls niya sa ‘kin kasi nakausap ko siya. Ha! I’m such a lucky girl! Haba ng hair ko! Okay, seryoso na.

“What?” Oha, oha! Umi-English si my loves! Kyaa! Ang cute lang! May accent pa! *O*

“M—may ibibigay lang sana ako sa ‘yo…” Bigla akong kinabahan dahil sa sobrang excitement. Shemay! Moment ko na ‘to!

“Ano ‘yun? Pakibilisan, nagmamadali ako,” aniya. Kaagad ko namang kinuha ang sulat mula sa ‘king bulsa. Since nagmamadali siya, hinawakan ko agad ang kamay niya at ipinatong sa kaniyang palad ang love letter.

“Para sa ‘yo. Pakibasa nalang! Sige, salamat! Una na ‘ko. Laters, baby,” I said with a wink. Matapos no’n ay agad akong tumalikod at naglakad palayo.

Yes! Success! Woohoo! Naka-score na naman ako! For the first time, nahawakan ko ang kamay ni Lloyd my loves! Gravity! Heaven~! Another achievement! Kyaa! Ang saya! Lalalalalalala~

Pa-hum hum pa ako habang naglalakad palabas ng cafeteria. Ang lambot ng kamay ni Lloyd, Diary! Parang kamay ng babae. Ang sarap hawakan. Sana pala, ‘di ko muna agad binitawan. Dahil d’yan, hindi ko na huhugasan ang kamay ko ever!

And then suddenly…sa isang iglap, nasira ang araw ko. Boom panes! Peste!

“Shit! What the fuck have you done?!” I screamed.

Tangina talaga! Panira ng araw ‘tong si nerd! Banggain daw ba ako? Natapunan tuloy ako ng juice na hawak niya! And I was like…ang kamay ko! Oh no~! Nabasa ang kamay ko. <///3 Wala akong paki kung nabasa man ng juice ang blouse ko at kahit nanlilimahid na ako sa lagkit. Ayos lang naman sana kung hindi niya lang nabasa ang kamay ko! Ang kamay ko na kani-kanina lang ay nakahawakan ang malamot na palad ni my loves. My goodness! Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa ako minalas?! Letsugas!

“S—sorry! ‘Di ko sinasadya! Sorry talaga,” aniya saka siya naglabas ng panyo at pinunasan ang blouse kong nabasa ng juice.

“Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo? The damage has been done! Hindi ko kailangan ng sorry mo!” I exclaimed. Nagulat siya pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagpunas sa blouse ko.

“Sorry na nga, ‘di ba? Para natapunan lang ng juice! Ang OA mo! Pahihiramin nalang kita ng extra shirt, okay? Pa-laundry ko na rin ‘yang blouse mo kung gusto mo,” he offered. OA?! OA na kung OA! Palibhasa—

“Hindi mo naman kasi naiintindihan…” I muttered.

And then hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng aking mga luha. Oo na! Alam ko, ang babaw ng iniyakan ko! Siguro nga, para sa inyo mababaw. Hindi naman kasi kayo ang naghirap para lang makuha ang atensyon ni Lloyd. Hindi naman kasi kayo ang napahiya, nasaktan at nahirapan. Ang drama ko, ‘no? Sorry naman kung ang babaw ko. Mababaw na nga ang kaligayahan, mababaw pa ang luha.

“Hala! Ba’t ka umiiyak? Sorry na! Hindi ko naman sinasadya! Uy! Tahan na, ‘wag ka nang umiyak,” pag-aalo niya. Lalo lang tuloy akong napahagulgol. Wala akong paki kung pagtinginan man ako ng mga tao. Paki ba nila? Pagtsismisan nila ako hangga’t gusto nila, I don’t give a fuck.

“Nakakainis ka talaga!” I cried and then saka ako tumakbo palayo habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Argh! Dahil do’n, na-late tuloy ako sa klase. Natural, napagalitan ako ng teacher. Napahiya pa tuloy ako kay Lloyd. <///3 Ugh! Baka ma-turn off siya sa ‘kin. Baka isipin niya, napaka-irresponsible ko kasi nagpapa-late ako. Na ganito, gan’yan. No~! Ang image ko! Ang reputation ko! Hindi p’wede ito!

Ang malas talaga! Huhuhuhu! Laslas na. Kain bubog.

- Zyra

PS: I really, really hate you James Russel Alvarez! Sinira mo ang araw ko! Damn you! Lintik lang ang walang ganti! Grr!

***

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon