Entry #19
Dear Diary,
Huhuhu! Naiiyak ako! I’m damn tired, exhausted and depressed. Feeling na one point nalang, kinapos pa? Pasado na sana! Haysz! Bumagsak kasi ako sa long quiz kanina sa Physics dahil nalimutan kong mag-review kagabi. Nawili kasi ako masyado sa pag-i-stalk kay Lloyd sa social networking sites accounts niya kaya nawala sa isip kong may quiz nga pala kami kinabukasan. Idagdag mo pa na mahina ako sa Physics and everything na may kinalaman sa numbers. And so I failed the quiz.
Ganito lang ‘yan ka-simple.
Hindi nag-review plus mahina sa subject equals bagsak sa quiz. <///3
How sad.
Dinagdagan pa nang pagka-bad trip ko kay Francine na walang ginawa kanina kung hindi ang pag-initan ako sa gym habang nagpa-practice! Malapit na kasi ang cheer dance competition kaya puspusan kami sa pagti-training lately. Sa kasamaang palad, siya ang lead ng cheering squad kaya ako ang kawawa. Saklap. Last year lang ako nakasali sa cheering squad ng school and hindi pa siya ang leader that time kaya wala akong problema. Pero ngayon! Hayst! Kainis talaga! Pinaulit-ulit niya kasi sa ‘kin ang isang dance step kasi hindi ko raw magawa nang ayos, hindi raw maganda ang galaw ko, mali raw ang position ng feet ko at kung anu-ano pang palusot na wala namang katotohanan. Ang ayos-ayos kaya ng mga galaw ko! Ni hindi nga ako nagkamali miski isa! Hindi naman sa pagmamayabang (actually parang gano’n na rin hahahaha) pero ang galing-galing ko kayang sumayaw! Ilang beses na kaya akong nanalo sa mga dance competitions. Kung isampal ko kaya mga medals at trophies ko sa kaniya nang makita niya? Tangina talaga! Abuse of power! Masyadong name-mersonal ang walang ‘ya! Porque inis siya sa ‘kin, pag-iinitan niya na ‘ko sa court? Gano’n? Fuck her and her insecurities! (Oops, h’wag gagayahin mga bata! Sorry po Diary! Na-carried away lang).
That was so damn embarrassing! Never pa akong napahiya nang gano’n sa buhay ko! B’wisit talaga! Nakakahiya, as in! Kasi kanina, nasa kabilang side ng court sila Lloyd at nagpa-practice ng basketball. Malapit na rin kasi ang basketball tournament na magaganap sa school namin kasabay ng cheer dance competition kaya nagpa-practice na rin sila lately. So malamang nakita niya/nila akong pinahihirapan ng bruha. Rinig na rinig pa naman ang boses ng bruha sa buong court dahil sa lakas nang sigaw niya every time na pinupuna niya ako. Pinagtitinginan tuloy ako kanina!
And the look on their faces! Para bang sinasabing ‘ano ba ‘yan, napaka-walang k’wenta naman nito, dancer ba talaga ‘yan?’ cheverness! Feeling ko nga, pinag-uusapan at pinagtatawanan pa ako ng iba behind my back. Siguro, hanggang ngayon…iniisip nila kung pa’no ako nakasali sa cheering squad kung gano’n ako sumayaw, blah-blah-blah. Kung hindi lang ako nahiya, sinugod ko na si Francine at sinabunutan on the spot! Pasalamat siya maraming tao! Pasalamat siya, nando’n si Lloyd kanina kung hindi—nako! Ayaw ko naman kasing isipin ni my loves na war freak ako, walang delikadesa, palengkera at kung anu-ano pa kaya pinalampas ko nalang ang nangyari. Kahit nanggagalaiti na ako sa galit, tiniis ko nalang. Sa susunod nalang ako babawi! Humanda siya!
Akala ko, buong araw na akong sisimangot dahil sa mga kamalasang nangyayari sa buhay ko—pero! Pero may magandang nangyari bago ako umuwi.
Pauwi na sana ako kanina, kalalabas ko lang ng gate nang nakasalubong ko si Lloyd my loves na mamasa-masa pa ang buhok dahil katatapos niya lang mag-shower. Dahil pagod ako, I just smiled at him. Hindi siya umimik kaya tumalikod na ako’t nagsimulang maglakad pauwi.
Tahimik lang ako at mag-isang tinahak ang landas pauwi. Absent kasi ulit si James kanina so solo flight na naman ako. Binilisan ko ang paglalakad para kaagad akong makauwi sa bahay. Mahirap na! Delikado pa namang maglakad mag-isa para sa isang magandang kagaya ko lalo’t gabi na, baka ma-rape pa ‘ko. Hahaha! #Narcissistic
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang diretso ang tingin sa dinaraanan nang bigla akong napalingon. Nagulat ako kasi kasabay ko na pala si Lloyd! Kumurap-kurap pa ako kasi I thought, nagha-hallucinate lang ako dahil sa sobrang pagod. Hindi ako nakuntento kaya kinurot ko pa ang pisngi niya para lang makasigurado. Saka ko napatunayang hindi ako nananaginip nang gising kasi bigla siyang sumigaw right after that.
“Aray!” he yelped. Napatalon ako dahil sa gulat. Naku, napalakas ata ang pagkakakurot ko! Saka lang ako natauhan. Kaagad ko namang inialis ang aking kamay mula sa kaniyang mukha.
“T—totoo ka?” I mumbled, almost a whisper.
His forehead creased. He gave me the ano-bang-pinagsasasabi-mo-malamang-totoo-ako-nababaliw-ka-na-ba look. I smiled at him awkwardly. Nakakahiya! Ang shunga ko talaga! Ako na weird, maganda…lahat na! Hahaha!
“S—sorry,” I said and chuckled nervously.
Hindi siya nagsalita, bagkus ay muling nagpatuloy sa paglalakad. And so I did the same.
Tahimik lang kami habang magkasabay na naglalakad. Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang pagpipigil ngumiti. Pero hindi ko rin napigilan kinalaunan. Kyaa! Kinikilig ako! Shacks! Dahil sa kaniya, biglang napawi ang aking pagod at unti-unting nawala ang pagka-inis ko. Instant good vibes! \m/
Kahit tahimik lang kami kanina habang magkasabay na naglalakad, masaya na ako. Ang makasama lang siya, sapat na. What more ang makasabay siya umuwi? Buo na ang araw ko! <3
Ang bilis ng oras. Namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Bubuksan ko na sana ang gate nang narinig ko siyang magsalita.
“Uh, sige. Good night! Bukas nalang ulit,” aniya sabay ngiti. I think I just melted.
“S—sige! S—salamat sa…sa paghatid,” I answered with a sweet smile.
Shacks! Ibang level na ‘to! Baka bukas, makalawa…kami na! Hahaha! Sana talaga!
“Walang anuman. Hindi ko naman kayang hayaan kang maglakad mag-isa pauwi lalo’t gabi na, baka mapaano ka pa. Siya, sige. Una na ‘ko. Good night, Zyra,” he said and with that, he went home.
Ako naman, na-speechless. Nabato na ata ako dahil sa sobrang kilig. Kyaa! Bakit ba gan’yan ka, Lloyd? Masyado mo ‘kong pinapakilig! Lalo tuloy akong nahuhulog sa ‘yo! <3
Ikaw na! Ikaw na gentleman! Lahat na!
Pinanood ko lang siyang maglakad paalis at nang mawala siya sa paningin ko, saka ako pumasok ng bahay. Gravity! May bago na naman akong iisipin gabi-gabi!
Love. Love. Love.
<3 <3 <3
- Zyra
PS: Hindi ako makatulog Diary! Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon! Thank God it’s Friday! Carry lang kahit umaga na ‘ko makatulog, wala namang pasok bukas! Hahaha! I’m bored, what should I do?
PPS: Okay, magco-computer na nga lang muna ‘ko. I-status ko ‘to sa Facebook para naman may mapaglabasan ako ng kilig; para maipagmalaki sa lahat na inihatid ako ni Lloyd my loves pauwi. At para ipagmayabang kay Francine na naungusan ko na naman siya. Bwahaha! Mamatay siya sa inggit! Itu-tweet ko na rin para mas masaya. Hahaha! Sige, good night na Diary! ;)
***
BINABASA MO ANG
Diary ng Assumera (Completed)
Teen Fiction(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera!