Entry #14

767 19 0
                                    

Entry #14

Dear Diary,

Kaninang recess, may pumuntang outsider sa school. Ang ganda niya, ang puti, ang tangkad at halatang anak mayaman! Guess what kung sinong sadya niya sa school? Si James.

Oo, walang iba kundi ang new-found-nerdy-friend ko lang naman.

Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari kanina. Shocking talaga, Diary!

Let me tell you what happened.

Nasa cafeteria kaming dalawa ni nerd kanina at abala sa pagkain ng lunch nang may biglang lumapit na babae sa table namin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Maganda? Check.

Matangkad? Check.

Maputi? Check.

Makinis? Check.

Maamo ang kaniyang mukha, may mahahabang pilik mata at mapupulang labi. Kulay brown ang mahaba niyang bulok na umaabot hanggang baywang. Naka-suot siya ng pink floral dress na hanggang tuhod with matching white sandals. She looked like a model. Anak-mayaman siguro! Hindi ko napigilang humanga sa ganda niya.

Ang ganda niya talaga, as in! Pero mas maganda pa rin ako sa kaniya, Diary. Hahaha! S’yempre, ako pa! Wala atang tatalo sa beauty ko! Charotations!

“Russel! Waaah! Na-miss kita!” aniya sabay yakap sa kasama ko.

And I was like…woah! Don’t tell me…may girlfriend talaga si nerd? Shacks! Sa itsura niyang ‘yan? (Hahaha! Sorry James!) I mean, ‘di kasi halata! ‘Di ko ma-imagine na ang isang geek na kagaya niya ay may girlfriend. And hindi lang basta ordinaryong girlfriend! Isang good-looking model-like girlfriend! Talo ako! Shet! Hahaha!

“B—bitaw! Hi—hindi ako makahinga…” James uttered. Kaagad namang bumitaw sa pagkakayakap itong si whoever-her-name-is.

“Sorry naman! Hehe…” sabi ni uhm, tawagin nalang natin siyang cute girl.

“Anong ginagawa mo rito? ‘Di ba may pasok ka ngayon? Nag-cutting ka na naman ba, ha?” James asked.

Wow ha, parang wala ako rito. Kung mag-usap, parang silang dalawa lang ang nasa cafeteria. Duh! Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao rito! Mostly boys! Agaw-eksena kasi itong si cute girl! Ako naman, sige lang sa pagkain.

“Eeee! Tinatamad akong pumasok! Saka miss na kita,” cute girl said and then she pouted. Pa-cute ha! Cute ka na kaya ‘wag nang magpa-cute! Hahaha!

“Parang ‘di tayo nagkikita araw-araw ah! Ako na naman malalagot nito kina Mama. Tsk! Pasaway ka talaga,” sabi ni nerd sabay batok kay cute girl.

Nakaka-out-of-place naman dito! Shet! Ano ba ‘tong napasukan ko? Nasa’n ba si Lloyd? Sa kaniya na lang ako sasabay sa pagkain! Huehue!

“Ehem, ehem,” pang-iistorbo ko. Napatingin silang dalawa sa ‘kin. “Mawalang galang na ha, sisingit ako sa usapan. Kating-kati na kasi akong itanong ‘to…” wika ko sabay tingin kay James, “Sino ba siya? Girlfriend mo?” I asked.

“Hahaha! Girlfriend? Seriously?” natatawang sagot ni nerd.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinabing, “Tinatanong kita nang maayos, oy! Sumagot ka nang matino.”

“She’s my sister,” James answered. Sister…? Weh?

“Weh, ‘di nga?” hindi makapaniwala kong sabi.

Pinagmasdan ko ulit ang pagmumukha ni cute girl. Oo nga! May hawig silang dalawa!

“Actually, kambal kami,” singit ni cute girl.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon