Entry #63

426 15 2
                                    

Entry #63


Dear Diary,

Sa halos araw-araw na pagpa-practice para sa pageant tuwing hapon pagkatapos ng klase, palagi nalang akong nakakarinig ng panlalait sa partner ko. Minsan ay tinatapunan pa kami nang mapang-insultong tingin. Hindi rin nagkulang sa paalala si Miss Denice tungkol sa porma ni James. Kesyo magpagupit daw ito, mamiling magagandang damit, magsuot ng contact lense at kung anu-ano pa para umayos ang pananamit nito.

Hindi nalang namin sila pinapansin kahit na samut-saring tukso pa ang inabot namin sa ibang estudyante. Kumalat kasi iyong larawan ng candidates sa underground school website. Pinagpyestahan tuloy kami ng mga estudyante sa comment section. May ilang matino, mayroon ding pamba-bash at pang-iinsulto sa partner ko. Kesyo ang nerd daw at baduy pumorma. Kesyo sayang daw kasi medyo may itsura pa naman kaso ayun nga, baduy manamit.

Well, I don't care. Wala akong paki sa panlabas na anyo. Basta gusto ko siya. At kahit anong mangyari, kahit sino pa siya, at kahit ano pang itsura niya, gusto ko pa rin siya.

Kaya tuloy agang-aga, namumroblema ako. After lunch na kasi iyong photoshoot namin para sa pageant. Kukunan kaming litrato para sa promotional pictures naming mga candidates. Pagagawan din kaming tarp na siyang isasabit sa harap ng school. Tapos magsisimula na ang third period ng klase pero hindi pa rin dumarating ang partner ko.

Huwag naman sana siyang magback-out! Walong araw nalang bago ang kapanapanabik kuno na pageant kaya sana huwag niya akong indyanin kundi malalagot kami pareho!

"My goodness! Asan na ba iyang partner mo? Tawagan mo na nga!" pati si Gianne, nagpa-panic na, "dali! Habang hindi pa dumarating si Ma'am!"

"Nakailang tawag na nga ako, pero hindi naman sumasagot ang bruho!" natataranta kong sagot.

"Loko ba siya? Mamaya na kaya iyong photoshoot niyo! Subukan lang niyang huwag sumipot, mabebengga ko siya!" bulalas ni Gianne.

"Huwag ka ngang ano riyan! Pupunta siya, okay? Huwag mo naman akong pakabahin!" wika ko habang panay pa rin ang dial sa number ng partner ko.

"Hypothetically speaking lang naman. Pero wait, nagri-ring ba?"

"Oo, nagri-ring!" I told, "ay pucha binaba 'yung tawag! Yari talaga siya sa akin mamaya!"

Meanwhile, nagkakagulo ang mga kaklase naming babae pati ang ibang nasa labas dahil sa hindi malamang kadahilanan.

"Anong meron? Ba't sila nagkakagulo?" tanong ko kay Gianne.

"Ewan. Basta ang narinig ko, may gwapo raw na transferee ang dumating. Nakita nila sa hallway kanina. Ayun, dinumog ng mga estudyante," she replied.

"Seryoso? Transferee? Ngayong January? Pwede ba iyun?"

She shrugged, "who knows. Baka yayamanin kaya pinayagan?"

Biglang may pumasok sa room. Nagtilian ang iba kong kaklase. Samut-saring bulungan ang maririnig sa silid. Lahat ay nakatingin lang sa bagong dating na lalaki. Matangkad siya at nakasuot ng uniform ng school na sakto lang sa kaniya. Maputi, makisig at maayos ang tindig. Naka-clean cut at kumikinang ang suot na black earring.

Oh. My. God.

Ang g'wapo! Tangina! Siya na yata ang pinakag'wapo sa buong campus.
Pero James pa rin.

Maangas nitong hinawi ang malagong buhok habang naglalakad palapit sa...palapit sa amin? His biceps flexed. Damn. And those smoldering eyes!

Tumigil siya sa harap namin ni Gianne at nagsalita.

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon