Entry #6

1.1K 31 14
                                    

Entry #6

Dear Diary,

Hanggang ngayon, bad trip pa rin ako sa nangyari sa ‘kin kahapon. Hindi pa rin ako maka-get over sa sinapit ng kamay ko. </3 Huhuhu! Nag-isip nalang ako ng positive and happy thoughts para naman gumaan ang loob ko kahit papa’no. Paulit-ulit ko ring sinabi sa ‘king sarili na may next time pa naman. Na ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga. </3 Come to think of it, kapag naging kami na naman ni Lloyd my loves…p’wede ko nang hawakan ang kamay niya anytime. Holding hands pa! Holding-hands-while-walking-pa-sway-sway-pa para mas matindi! Oh! Lalo tuloy akong ginanahang mapasagot—este mapa-in love slash mapa-amin si Lloyd sa feelings niya para sa ‘kin! \(*O*)/

Pagkarating ko sa school kaninang umaga, sinauli ko agad kay nerd iyong pinahiram niyang extra shirt sa ‘kin. S’yempre, nilabahan ko muna kahapon bago ko isinauli. Ibinalik niya na rin iyong blouse kong natapunan ng juice.

“O, ayan na. Gaya nang sinabi mo, pina-laundry ko pa ‘yan,” aniya pagkaabot sa ‘kin ng paper bag na naglalaman ng blouse ko. Kaagad ko naman iyong kinuha. Saka ko inilabas sa bag ang pinahiram niyang shirt sa ‘kin na naka-plastic pa at iniabot sa kaniya nang walang imik. Hindi na rin siya nagsalita matapos no’n kasi dumating na ang teacher namin.

Wala kaming imikan buong umaga. Hindi ko siya pinansin at hindi niya rin naman ako kinausap. No big deal since hindi naman kami close. Saka, sino ba siya para pansinin ko? We’re not even friends!

Hanggang sa sumapit ang lunch break.

Bago pa man makalabas ng classroom si nerd, pinigilan ko siya kaagad.

“Kung inaakala mong napatawad na kita, p’wes nagkakamali ka. Hindi biro ang ginawa mo. May utang ka pang dapat bayaran.,” I said sabay hatak sa kaniya palabas ng classroom.

“Oy, teka! Sa’n mo ‘ko dadal’hin? Anong gagawin natin? Saka anong utang ang pinagsasasabi mo?” tanong niya habang naglalakad, hatak-hatak ko pa rin siya. Ang ingay ng walang ‘ya! Ang dami tuloy napatingin sa ‘min. -____-

“Manahimik ka na nga lang, p’wede?” pagtataray ko sa kaniya. That made him shut up.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

“Ano namang gagawin natin dito? Ba’t mo ako isinama? Close ba tayo?!” react ng kumag na kasama ko. Fudge. Tinatanong pa ba ‘yan?

“Malamang hindi! Ni hindi nga tayo magkaibigan,” I answered and glared at him. Ha! Makuha siya sa tingin!

“E bakit mo ako dinala rito?” he asked.

“Kasi pagbabayaran mo ang atraso mo sa ‘kin,” I answered with a frown.

Saka ko lang siya binitawan nang nakarating na kami sa harap ng counter.

“Ibili mo ako n’yan, no’n pati rin pala nito,” wika ko matapos ituro ang mga pagkaing pinabibili ko sa kaniya.

“At bakit naman kita bibilihan ng mga ‘yan? Ano mo ako, sugar daddy?” he answered. And I was like…what the hell dude! Eww-ness overload! Please lang ha!

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Ha! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo,” I said. “Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa—”

“Oo na, oo na! Ibibili na kita kaya tumahimik ka na!” He gave up. Ha! I won! Mwahaha! Ako ang batas. \m/

Um-order din siya ng pagkain para sa kaniya. Sasabay nalang daw siya sa ‘kin sa pagkain. Since nilibre niya naman ako, sige na! Pinagbigyan ko na!

Matapos naming um-order, naglabas siya ng pera mula sa kaniyang pitaka. Kuminang ang mga mata ko pagkakita sa laman ng wallet niya. Panat one thousand peso bills ang laman! Ang yaman! *Q*

‘Di ko inakalang rich kid pala itong si nerd, Diary! Hindi naman kasi halata sa itsura niya. Hahaha!

Nang makuha na namin ang mga pagkaing in-order, saka kami pum’westo sa isang bakanteng table for two. Nilantakan ko agad iyong spaghetti na libre este bayad niya sa ‘kin. Wala pa atang limang minuto nang maubos ko ‘yun. Sunod ko namang nilantakan ‘yung chocolate cake.

“Parang hindi ka pinakain ng isang linggo, ah? Lakas lumamon!” side comment ng epal na kasama ko.

“Paki mo ba?! E sa gutom ako! Idagdag mo pa na hindi ako nakapag-almusal kanina. Kaya nga muntik na akong ma-late,” I retorted. Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi. Magdamag kong inisip ang nangyari kahapon. As in. So stress plus insomnia equals puyat. Kita niyo naman ang result, ‘di ba?

“Bakit? Magdamag mong iniyakan—” Siniringan ko muna siya at saka ako nagsalita.

“Isa pa! Itutusok ko na ‘tong tinidor sa mata mo!”

“Oh~ scary!” pang-aasar niya pa. Inambaan ko nga ng tinidor. “Sabi ko nga, tatahimik na,” pagsuko niya. Kaka-high blood ang putek!

Nang maubos ko iyong cake, French fries naman ang aking pinapak. Kain lang ako nang kain habang iyong kasama ko naman, panay ang silip sa kaniyang phone. May ka-text? Girlfriend? ‘Di nga? Sa itsura niyang ‘yan? Okay ang bad ko. Hahaha! Ano sa tingin mo, Diary?

And then namalayan ko nalang na naubos ko na pala iyong French fries. Andami ko nang nakain pero parang hindi pa rin sapat. Gutom pa rin ako. Kaya naman…

“Hoy ner—este James!” tawag ko kay nerd. Muntik pang madulas! Malaman niya pa ang pet name ko sa kaniya! Hahaha!

“Ano?” sagot niya sabay inom ng soft drinks.

“Akin nalang ‘to, ha?” nakangiti kong sabi sabay kuha sa isang bowl ng kwek-kwek. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad iyong nilantakan.

“Kulang pa ‘yon sa ‘yo? Anong klaseng t’yan mayro’n ka? Babae ka ba talag—” Ang ingay niya kaya pinasakan ko nga ng kwek-kwek sa bibig.

“Ingay mo! Kumain ka na nga lang!” saway ko sa kaniya.

Biglang napagawi ang malikot kong mga mata sa kabilang dako ng cafeteria, ‘di kalayuan sa p’westo namin. There I saw Lloyd, eating and laughing with his friends. Napatingin din siya sa ‘kin saka sa kasama kong abnormal. Ilang seconds din kaming nagkatitigan bago siya umiwas nang tingin. Saka lang nag-sink-in sa ‘kin ang nangyari.

Kyaa~! Nagkatitigan kami ni Lloyd my loves! For almost five seconds! Feels like heaven! Wait—nakita niya ako so it means…nakita niyang kasama ko si nerd. Fudge! Kaya ba siya umiwas nang tingin? I—I can’t breathe! Oxygen please! I need oxygen!

- Zyra

PS: Nakita niya kaming dalawa ni nerd na magkasama. Kaya ba siya umiwas nang tingin kasi…kasi nagselos siya sa ‘min ni nerd? Gosh! I knew it! He was jealous! Ano pa nga bang ibang dahilan? Obviously it’s because he likes me, too!

PPS: Wait! Pa’no ‘yan? I mean, baka ma-misunderstood ni Lloyd ang nakita niya. Baka isipin niyang wala na akong gusto sa kaniya. Worst, baka akalain niyang kami ni nerd! Eww lang! Tapos baka panghinaan siya ng loob kaya susuko nalang siya at hahanap ng iba. Oh no~! Hindi p’wede! Masisira ang love life ko! Ayaw ko ng tragic ending! Tulungan mo naman ako, Diary! Anong gagawin ko? Huhuhu! Help!

***

Diary ng Assumera (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon