Entry #10
Dear Diary,
Hindi pa rin ako makapaniwalang may nakabasa ng mga diary entry ko. Huhuhu! Kung alam mo lang Diary, nag-panic talaga ako kahapon nang malamang naiwala pala kita. Bumalik pa nga akong school para lang hanapin ka. Nakapag-general cleaning pa ako sa bahay nang wala sa oras! Itinaktak ko na rin ang bag ko pero wala pa rin. Sobrang kinabahan talaga ako kagabi! Akala ko, hindi na kita mahahanap. </3 Buti nalang, pagpasok ko kanina sa school, nakita kita sa ilalim ng desk ko. Nakapagtataka nga lang kasi wala ka naman do’n nang bumalik ako sa school kahapon. Anyway, never mind that. Ang mahalaga, nahanap na rin kita sa wakas! Sorry very much, Diary! Na-miss talaga kita! Huhuhu! Sorry kung naiwala kita. Napakapabaya kong owner. Hindi ako nararapat para sa ‘yo. Chos! Ang drama. ‘Di nga. Sorry talaga kung ang burara ko. Mag-iingat na talaga ako sa susunod! Hindi na mauulit! Promise! Cross my heart.
Hindi pa rin talaga ako maka-get-over sa nangyari! May kung sinong hinayupak ang nakabasa sa diary ko. Nalaman niya ang mga pinakatatago kong sikreto! Pinakialamanan niya ang Diary ko! Sinulatan pa! Putapete! Buti sana kung maganda ang handwriting niya kaso mukha naman kinahig ng manok! OC pa naman ako. Argh! Nakaka-high blood siya! Tanginang Mr. Secret ‘yan! Pa-mysterious effect pa ang walang ‘ya! Humanda talaga siya sa ‘kin! Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino siya. Ha! Once na makilala ko siya, I’ll make his life a living hell! Mwahaha! >:)
Okay, enough said. Isi-set aside ko muna ang problema ko about that. Let’s focus on the brighter side. Maiba tayo.
Alam mo ba Diary, pinansin ako ni Lloyd kanina! Kyaa~! And for the first time, siya ang unang nag-approach! He even smiled at me! Define kilig! Feeling ko talaga, malapit na siyang magtapat ng kaniyang pag-ibig para sa ‘kin! Mainggit kayo, please? Hahaha! Kuk’wento ko na ba, Diary? H’wag na. Tinatamad akong magsulat. Pilitin mo muna ako. Joke lang! Sige na nga, nakakaawa naman kasi kayo. Hahaha! Okay, ang bad ko. For the sake of the story and para naman updated kayo sa love life ko, ito na nga! Kaunting flashback para sa inyo.
Kararating ko lang sa school at kasalukuyan akong naglalakad papunta sa classroom namin nang masilayan ko ‘di kalayuan si Lloyd, looking so handsome as ever. Magsasalita pa lang sana ako nang ngumiti siya. Parang panandaliang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Nag-blur ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa ‘kin. Ano naman, nangingisay na sa kilig. *U*
“Hi Zyra,” he greeted.
“H—hello…” I said, smiling shyly. Hindi ko alam pero bigla nalang akong dinalaw ng hiya.
“May sasabihin sana ako sa ‘yo,” he continued.
Ito na ba? Aaminin niya na bang gusto niya rin ako? At sasabihin niyang liligawan niya ako pero sasagutin ko siya agad bago pa man siya makapagsimula kaya magiging kami na and then magki-kiss kami? O-M-G! Kyaa! Matutupad na rin sa wakas ang pinapangarap ko! <3
Napalunok ako.
“Ano ‘yun, Lloyd?” I asked excitedly. Kyaa! Ito na! Sasabihin niya na!
“Gusto ko lang malaman mong…” Ano ba ‘yan! Pabitin pa!
“Na ano?” I asked impatiently.
“Gusto ko lang malaman mong late ka na! Tanghali na! Gumising ka na! Tulog mantika!” What? Shit!
Kaagad akong napabalikwas nang bangon.
“Anak ng tinapa! Late na ‘ko!” mabilis kong sambit pagkamulat ng aking mga mata.
Tatayo na sana ako nang magsitawanan ang mga classmates ko. Saka ko lang na-realize na nakatulog na pala ako sa kalagitnaan ng klase. Napa-face palm ako. Amp! Epic fail! Akala niyo, totoo na? Well, akala ko rin. Panaginip na naman pala. <///3 Napagalitan na naman tuloy ako ng teacher. Pahiya na naman ako kay Lloyd! Strike two! Waaa! Baka-ma-turn off na siya sa ‘kin nang tuluyan! Huhuhu! Natawag pa akong “antukin” ni ner—este James. Kainis, ‘no?
Pero pinansin talaga ako ni Lloyd kanina. For real! Hindi sa panaginip lang kasi gising talaga ako no’n. Ni-confirm ko pa nga para lang makasigurado kasi miski ako, hindi rin makapaniwala. Pero totoo talaga, guys. Totoo, Diary. Believe me. Ayaw niyong maniwala? Here’s the story.
Katatapos ko lang kumain no’n. Palabas na sana ako ng cafeteria nang bigla akong harangin ni Lloyd.
“Saglit lang,” aniya. Buffering pa ang utak ko kaya mga three seconds pa ang nakalipas bago ako nakapag-respond.
“O, Lloyd! Ikaw pala,” wika ko nang matauhan, sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.
“May sasabihin lang ako sa ‘yo,” he answered.
Parang nangyari na ‘to, ah? Tama! This really did happen before! Katulad ‘to nang nangyari sa panaginip ko kanina! Déjà vu? Shacks! Ito na ba talaga? Aamin na ba talaga siya for real?
“A—ano ‘yun?” I asked nervously. Sana talaga mag-confess na siya. <3
Hindi siya agad umimik. Tumingin siya nang diretso sa ‘king mga mata. Dahan-dahan siyang nag-lean papalapit sa ‘kin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Waaa! Hahalikan niya na agad ako? Fudge! Ilang pagitan nalang ang layo niya sa mukha ko. Malapit na! Ayan na!
I was about to close my eyes when I felt his fingers brush the corner of my lips.
Akala ko pa naman, hahalikan niya na ako! Sayang! Pero—kyaa~! Hinawakan niya ako! Shemay~ Hihimatayin na ata ako sa kilig! >///<
“May kanin ka pa sa mukha,” he said and flashed his infamous smile. Saka siya tumalikod at naglakad palayo.
And I was like…what was that? Did that really happen?
Tulala pa rin ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko.
“Oy! Ano? Natulala ka na r’yan? Ayos ka lang?” sabi ni nerd. Hindi ako sumagot. Napahawak ako sa gilid ng mga labi ko.
“Shit! Did you see that? Tangina! Kinikilig ako! Kyaa! Pakisampal nga ako James! Baka mamaya, nananaginip lang pala ako,” I answered, still couldn’t believe at what happened.
Gravity! Baka hindi na naman ako makatulog mamaya!
And then…pak! Binatukan ako ng loko! Sabi ko sampal lang, bakit batok ang natanggap ko? Either way, masakit pa rin. Tamang-tama lang panggising.
“O, ayan! Kita mo naman…na’ndito ka pa rin. H’wag kang mag-alala, hindi ka nananaginip! Parang timang ‘to! Hoy, tama na! May bukas pa! Move on na! Tara na nga’t baka ma-late pa tayo sa klase,” aniya at saka ako hinatak palabas ng cafeteria. Totoo nga! Hindi ako nananaginip! Magbunyi! Yey! Woohoo! \(*O*)/ Hallelujah!
O, alam niyo na? Gets na, Diary? Sinabi ko naman, ‘di ba? Pinansin niya ako! Waaa! And he smiled at me, too! Hinawakan niya pa ako! Quota na naman ako! >///< Hindi malabong mangyari na bukas, umamin na siya sa ‘kin. Kaunting push nalang! Carry ‘to! Aja! Fighting!
- Zyra
PS: Please lang Lloyd, umalis ka muna sa isipan ko kahit ngayon lang. Patulugin mo naman ako. May pasok pa tayo bukas. Maawa ka sa ‘kin. Ayaw kong ma-late na naman! Hahaha!
***
BINABASA MO ANG
Diary ng Assumera (Completed)
Teen Fiction(Completed) Halina't makichismis sa buhay ni Zyra, ang babaeng assumera!